Chapter 01

2K 79 10
                                    

JUSTIN





Maaga akong nagising kaya naligo at nag-ayos na ako saka na bumaba para kumain, kanina pa kasi ako nagugutom. Nakita ko naman si mama na nag-aayos ng hapag-kainan kaya lumapit ako sa kaniya.

"Good morning, anak.." bati ni mama pagbaba ko galing sa kwarto. Kiniss ko siya sa noo saka nginitian ng malawak, "Good morning, ma" sabi ko saka ako naupo sa upuan.

"Kamusta na pala si Sharlene? Is she okay na?"

Napatingin ako kay mama na halatang nag-aalala. Ngumiti ako ng peke, "Okay na po siya ma, nakausap ko naman na po siya kagabi" sabi ko saka napabuntong hininga at kumuha na ng pagkain ko.

"Naku yung batang 'yon talaga, hindi lang naman kay Jairus umiikot yung mundo niya" iiling-iling na sabi ni mama.

Pero siya lang 'yong mundo niya, wala nang iba na how I wish I was.

"Mahal na mahal niya po si Jairus kahit na nasasaktan na siya" sabi ko. Nanahimik bigla si mommy, alam niyang may gusto ako kay Sharlene matagal na. Ngumiti ako kay mama para malaman niyang okay lang ako, "Ma, okay lang po 'yon basta nakikita kong masaya si Sharlene, masaya na rin po ako" nakangiti kong sabi, para hindi na magworry si mama.

Kumuha pa ako ng ulam bago nag-umpisang kumain pero maya-maya ay tumunog ang phone ko agad ko naman sinagot ito nang makitang si Sharlene.

"Jah! Good Morning! Thank you kagabi sa pag-comfort mo saakin! Bati na kami ni Jairus! Sabi ko na nga ba at hindi niya ako matitiis!" masigla niyang sabi.

Hindi ko maiwasang sumimangot dahil doon, hindi naman ganito ang gusto kong almusal sa umaga. Psh. "Ahm.. Good Morning Shar, mamaya nalang ha? I'm eating kasi eh, mamaya nalang tayo mag-usap sa school" malungkot na sabi ko.

"Sige later nalang! Bye best friend!" she said and she hung up the phone, napabuntong hininga ako. Best friend, hanggang best friend nalang.

"I feel bad for you anak..." napatingin ako kay mommy na kanina pa pala nakatingin saakin. "It's okay ma, masaya ako kung saan masaya si Sharlene" sinsero kong sabi. Tinapos ko na ang pagkain ko at nagpaalam na ko kay mama saka na umalis ng bahay. Pumunta na ako sa kotse ko at nagdrive na papunta sa school.

Ako nga pala si Justin De Dios or you can call me 'Jah' 4rt year high school na ako. Same kami ni Sharlene, we're classmates actually. Pagpunta ko sa school ay pinark ko ang kotse at dumiretso na sa room pero bago ako tuluyang makapunta sa room namin ay nakita ko si Sharlene sa hallway habang hawak ang phone niya at ngumingiti pa.

Siya si Sharlene San Pedro, ang best friend ko. Ang prinsesa naming lima but for me she's my queen.

Ang ganda niya, sobra. Lalo na kapag nakangiti.

"Sharlene!" sigaw ko. Napatingin naman siya saakin at nginitian ako. Bigla akong natulala, pakiramdam ko ito ulit ang unang pagkakataon na nginitian niya ako, tinamaan na ako talaga sa kaniya ng tuluyan.

"Ang saya-saya Jah! Bati na kami ni Jairus! Sabi ko na nga ba hindi niya ako matitiis!" masigla niyang bungad saakin, hindi naman masakit. Unti-unti tuloy nawala 'yong ngiti ko. Ang aga-aga si Jairus nanaman ang bukangbibig niya.

Jairus nanaman. Palagi nalang siya.

Ngumiti ako sa kaniya nang mapansing nagtataka siya sa itsura ko at ginulo ang buhok niya, "Ano ba, Jah?! Palagi mo nalang ginugulo 'yong buhok ko!" pagmamaktol niya sabay ngumuso.

"Ang cute cute mo kasi kapag ngumiti, 'wag ka ng iiyak at sisimangot ha?"

"Basta ba hindi kami mag-aaway ni Jairus." sabi niya tsaka nameke ng tawa.

Hanggang Sa Huli Ay Ikaw✔ (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon