Simula

26 0 0
                                    

Simula

Naalimpungatan ako sa tunog ng pintuang bumukas, isang pares ng sapatos ang tumatama sa sahig papunta sa akin. Umaga na siguro.

Tama nga ako ng hinala nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Marian. "Ma'am, mag-uumagahan na po kayo. Nag-aayos lamang po ang magulang niyo, pagtapos ay dadaretso na sa hapag." Aniya sa maliit na boses.

Dahan dahan akong bumangon at tumayo. "Sige, hintayin mo ako at mag-aayos lamang ako. Maupo ka muna." nagtuloy-tuloy na akong maglakad papunta sa bathroom, narinig ko ang bayolenteng  paghinga nito na para bang kinakabahan. Tumigil ako at lumingon bahagya sa pinaroroonan nya.

"Kaya ko Marian. H'wag kang mabahala." Tuloy ang lakad ko, dala ang isang stick upang malaman kung may harang sa aking daraanan. Dahil wala naman ay tagumpay akong nakapasok. Handa na ang damit at tuwalya na nakalagay sa isang table sa kanang bahagi.

Matapos ang kumulang isang oras kong pag-aayos ay bumaba na ako. Sa tulong ng stick at pag-alalay sa akin ni Marian. Pagkaupo ko ay inatake ng iba't ibang amoy ng ulam ang ilong ko. Alam kong masarap kaagad ang mga iyon.

"Goodmorning, Our princess." I heard mom as she went down from the stairs. I heard a light and heavy steps as they walk towards our dining area.

Hinalikan nila ako pareho sa pisngi at rinig ko ang paglakad nila patungo sa kanilang upuan. We started to eat silently.

"Eat your food dear, after that, if you want, let's paint." My mom broke the silence and carefully said it. Bumaling ako sa alam kong pinanggalingan ng boses nya.

"I don't want the smell of that room. I'll go back to my bed." That room reminds me that I could never see colors again. That I cannot paint ever again. That I lost everything I had after the accident. It's total darkness in my world now. The dreamy girl I was before are now gone.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nila sa sinagot ko. Pagkatapos kong kumain ay tumayo na ako. Dala ang stick na gumagabay. Kaagad namang naglakad si Marian papalapit sa akin.

"Maraming salamat po. Aakyat na ako, mom, dad." Tumalikod na ako at hinayaang si Marian ang manguna sa akin sa paglalakad.

"Okay dear. May bisita tayo mamaya, galing silang Maynila. If you don't mind, come back here before lunch." My mom said while dad remained silent.

"Doon pa rin po ba tayo sa dati, Ma'am Leticia?" Aniya sa maliit na boses pagkalabas namin ng dining area.

"Oo. At Leticia na lang Marian, wala na naman dito sila mom." Sabi ko at hinigpitan ang hawak sa kanya at bahagyang ngumiti kahit hindi ko alam kung nakatingin ba sya.

Narinig ko ang munting pagtawa nya at dumaretso na kami sa likod ng mansyon. Kung nasaan ang hardin. Alam ni Marian na dito ako namamalagi at nagpapalipas ng oras. Sa hardin ay may mini a-frame cabin na ginawa pa namin ni Dad noong dose anyos palang ako.

Humakbang ako papaakyat at pumasok sa loob kung saan ang dingding ng cabin ko ay puno ng mga canvas. Ng mga paintings ko.

"Aalis na po muna ako para maghanda ng merienda nyo mamaya." Si Marian.

"H'wag ka ng maghanda ng merienda ko. Mag-aayos ako mamaya para dumaretso sa mga bisita. Kung pwede ay tumulong ka na lang sa kusina." Sabi ko sa kanya ng hindi na ako nag-abalang lingunin. Pumayag siya at umalis na.

I reached my paintings that was hanged on the walls, feeling the roughness of it. The dried acrylics and the different strokes and shapes that I did back then. My tears fell through my cheeks. It's been six months but I can't still get a grip of this. I miss my old life. Simple yet beautiful.

An accident happened six months ago. I nearly lost my life. I am thankful I've been able to live again for all those things happened. But I have to suffer more because my eyes are the price of it. I lost my vision and even the kind of life I ever dream. It's all useless unless I have my sight back.

Hindi kami ganoon kayaman, we have these large lands here in Roxas. And my parents have a small business in Manila. Despite all of that, kailangan namin mag-hintay hanggang sa dumating ang oras na ako naman ang makakakuha ng cornea transplant.

I took one of my paintings and sat on the floor. My hand continously traced the acrylic paints on the canvas as I cry.

Napatigil ako sa ginagawa ng marinig ang tunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at sinagot.

"Hello, Aria?" I heard his nervous tone.

"How did it go? How is he?" I asked. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa akin labi.

"Everything went fine. He's handsome and healthy." He said in between sobs and sniffs.

"I'm happy for you." Ani ko at medyo naluha din sa balitang hatid niya.

Matapos ang tawag ay nag-ingat akong tumayo. Inilagay ko na lang sa center table ang painting at nagpasyang bumalik na sa kwarto.

Suot ang brown na palda na ang haba ay hanggang tuhod at white longsleeve na chiffon top na pinili ni Marian ay dumiretso na ako sa living room kung saan sinabi ni Marian na naghihintay na ang mga bisita.

Papalapit ay narinig ko ang mumunting boses ng magulang ko pati na rin ang di pamilyar na boses ng bisita. Natigil ang tawanan ng siguro'y namataan nila ako. Narinig kong may tumayo at lumapit sa akin.

"Diany, here is my daughter. Aria Leticia." Sabi ni Mom at base sa boses ay alam kong malapit na sila sa akin.

Yumuko ako para magbigay galang at ngumiti kahit na di alam kung nakatingin ba sa tamang direksyon. I was taken aback when someone hugged me tightly. I know for sure this is the visitor. The sweet fragrance of her perfume attacked my nose as well as the scent of her hair, it smells like coconut.

"I'm so glad to see you, dear. I'm with my husband, Ephraim and my son, Zacchaeus." She said sweetly and hold my shoulders. I felt her beside me as she assist me near the sofa and sit.

"We're so glad to see you, hija. We've seen your paintings back then and bought numbers of it. Naka-display sila sa office ko and even in our house." Aniya ng lalaki sa baritonong boses at sa bawat salita ay dinig ang saya sa tono.

"Salamat po at nagustuhan ninyo ang mga gawa ko." Yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko gustong pahabain ang usapan patungkol sa talento at pagpipinta ko noon.

Mabuti na lang at namaramdam iyon ni Mommy at tuluyang iniba ang usapan at pangangamusta sa Maynila.

Mula kasi noong aksidente, minabuti naming dito na muna sa Roxas manirahan. Pero paminsa'y pareho silang nasa Maynila para mag-asikaso sa kompanya.

Bumalik ako sa garden makalipas ang tatlumpung minuto dahil sa tingin ko'y sapat na na nakita nila ako.

Gamit ang stick na gabay dinahan dahan kong umakyat sa hagdan papaakyat. Hinahanap ko ang center table na kaninang pinagpatungan ko ng canvas. Pinatpat ko ang sahig na kahoy papunta sa kaliwang bahagi ngunit matigas na bagay ang natamaan ng stick na lubos kong pinagtaka.

Alam ko na dalawang upuan ang nakalagay sa gilid ng center table. Hindi rin ganito iyon katigas. Muli kong pinatpat ng stick ang kaninang natamaan at ganoon pa rin. Narinig ko ang pag-langitngit ng kahoy tanda ng may gumalaw.

"Sino ka?" Tanong ko at nilingon ang pinanggalingan ng tunog. Kung sino man ito ay hinulaan ko na lamang ang tingin kahit na hindi ko alam kung naglebel ba ang tingin namin.

"These paintings, it is all yours?" I clearly heard a baritone voice from the direction I was facing. The person infront of me started moving.

"S-sino ka? How did you come here?" Utal utal kong tanong hindi sinagot ang kaniya. I took a step behind so that I could guarantee a safety measure if something happens.

"I'm here along with the visitors. I'm Zacchaeus." His deep baritone voice sent shivers down my spine. It sounds ruthless and even though I can't see him I felt his aura, dominant and vigor.

After DarkWhere stories live. Discover now