Kabanata 1
Mysterious
"How's the exhibit, honey?" Si Dad sa kabilang linya. Naka-video call kami at kita ko ang gabi at malawak na tanawin sa Manila.
"It went well, my paintings was sold. And sasamahan ko si Heath sa isang event." Sabi ko atsaka umupo sa swivel chair sa office ng kaibigan kong si Heath.
"Then, anong oras ang flight mo?" Mom asked at sa kanya nalipat ang camera. The exhibit was a success for all of us, marami ang bumili since sikat halos ang sumama. At dahil yon na ang huling exhibit ko dito sa London, balak ko ng umuwi sa Pinas.
"9 pm, mom. I'll be there tomorrow." Sabi ko at napalingon sa pintuang bumukas. I saw Heath enter and smiled at me. Lumapit sya at nagpakita na rin sa camera.
"Oh my. Goodafternoon, Heath." Sabi ni Mommy na mukhang nasiyahan ng makita ito. Heath greeted too at kinuha pa ang phone sa akin para magka-usap sila ni mom at dad. They like Heath very much.
Tumayo ako at inilahad sa kanya ang swivel chair nya. Nagkakilala kami ni Heath sa isa ding exhibit na ginanap dito sa London. Mahilig sya sa paintings lalo na sa abstracts kaya itong company nya, makikita ang mga paintings na kung hindi binili ay pinasadya nya pa. Habang dito naman sa office nya, pagkapasok pa lang ay agaw pansin na ang malaking canvas na nagsisilbing background sa area ng table nya.
It was the first painting he bought from me. Gaya ng paborito nya, it's an abstract. I used lightest to darkest color starting from the middle towards the four sides.
"You're at the right age, Heath and Leticia too." Napalingon ako sa narinig kay mommy. Panigurado, sinasabi na naman nito na we should start a relationship.
Napailing ako at lumapit para makita sa camera. "Mom, stop it. Bata pa kami ni Heath, we have a long way to go. As friends." Sabi ko emphasizing my last words. Mom didn't say anything gayondin si Dad at Heath. Si Mommy lang talaga 'tong nakakaisip ng relasyon.
"Sorry kay Mommy, Heath ah?" Sabi ko sa kanya pagkatapos ng video call.
"Come on, Aria. Papatol ba ako sa'yo? I have a girlfriend." Mayabang niyang sabi sa akin. Kinuha niya ang ibang papel na nagpatong patong na sa desk niya at nagsimulang magbasa.
Umupo naman ako sa sofa atsaka tinitigan sya. Well, matangkad sya, maputi, bilugan ang mata at makapal ang kilay, he also has pouty pink lips. At bumagay din ang golden brown hair niya na clean cut. But not my type. He's too soft. Mas anghel pa sakin tignan kung tutuusin. He's a Filipino-American, at dito sila nagtayo ng business sa London.
So, girlfriend my ass, Heath. Kabaklaan mong nilalang.
"Stop staring, Aria. Baka ma-inlove ka na talaga nyan sa'kin." Sabi niya atsaka pinindot ang intercom para matawag ang kanyang secretary para sa ibang documents na dadalhin.
"Come on, kailangan pa natin kunin yung dress ko." Tumayo ako at nauna na sa paglabas at di na sya inantay sumagot.
"Hindi lang iyo no, I have my suit taylored as well." He said at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse nya. I rolled my eyes atsaka sumakay na. "Hindi ba dapat dress din?" I joked him. He hushed me atsaka umalis na kami.
"That looks so hot on you, Aria." Sabi ni Heath habang nakanganga at pumapalakpak. He then smiled widely.
"Loko. Wag mo akong bolahin." Sabi ko at tumawa. Lumapit ako sa salamin at tinignan ang kabuuan ng dress na pinasadya.
The crimson red satin dress hugs my body perfectly. It's a tube top with spaghetti straps and the lower part at my left leg has side slit.
I heard the door opened at bumalandra sa akin ang black suit, partnered with crimson red inner polo and black bowtie. He wore a brown leather shoes atsaka rumampa papunta sa akin. May pag-ikot pa ang bakla.
YOU ARE READING
After Dark
RomanceAria Leticia Zapanta, lives with joy and colors. She is contented for what she has living a life like any normal people do. She had nothing to ask for. Until that day came, things took a turn to her life. She met an accident that she nearly lost her...