Kabanata 2
Glimpse
Kanina pa ako pa-ikot ikot sa kama ko. Kakauwi ko lang dito sa Manila. Halos 14 hours ang flight ko pero saglit lang ang naitulog ko.
Ano 'to? Love at first sight? Ang tanda ko na para sa ganoon. Well, 26 na ako. Siya kaya? Itinakip ko ang unan sa mukha ko at tumili habang pinagpapadyak ang paa. Mukhang hindi man lang ako napagod sa mahabang biyahe kakaisip sa mukha ng lalaki sa event na 'yon.
Halos mainis na nga sa akin si Heath dahil hindi man lang ako makausap hanggang sa makaalis ako ng London. Gusto ko mang tanungin kung sino 'yong lalaki ay alam ko naman na di niya din nakita kahapon dahil nakatalikod sya nung nasa table nila kami, at nasa daliri ko naman ang atensyon niya ng tawagin yung lalaki sa stage.
Matapos ang ilang minutong pag-iisip ay nakatulog din ako. Bandang ala-sais na ng magising ako. Bumangon ako at naligo.
May kumatok sa pintuan ko at ng magbukas ay bumungad sa akin ang mukha ni Marian. Mas bata sya ng ilang taon sa akin at nag-aaral pa din sa kolehiyo.
"Ma'am Leticia, tawag na po kayo sa baba. Kakain na po ng hapunan." Aniya at ngumiti ng bahagya.
Napailing ako at tumayo. "Leticia na lang." Nang makalapit na ako sa kanya ay pinitik ko ang noo nya dahilan para mapahawak sya doon at pumikit.
"Tara na." Yaya ko sa kanya at bumaba na kami. Hindi tulad sa ibang kasambahay dito sa amin, napalapit ako maigi kay Marian. Anak sya ni Aling Fe na tagapag-luto dito.
Pagkababa ay hinalikan ko si Mom at Dad sa pisngi saka umupo. Pagkalagay ng ulam at kanin sa mesa namin ay sinabihan ni Mommy na kumain na din ang mga kasambahay.
"So what are your plans now, Leticia?" Tanong ni Dad nang magsimula na kaming kumain.
"Tatawagan ko po si Heath after natin kumain. And then maybe tomorrow dadaretso na rin ako sa painting room..." sabi ko at sinulyapan sila. "..Well, do you want to join me?" Tuloy ko at ngumiti. Dalawa ang painting room ko, isa dito sa condo namin sa Manila at yung isa ay mas malaki at nasa Roxas.
"I'm sorry Heath, wag ka na magtampo." I said and chuckled. Busangot ang mukha nya sa video call. Mukhang kakagising lang nito dahil magulo pa ang buhok at nakataklob ang comforter sa kanya.
"I can't believe na dare-daretso ka lang naglakad matapos kitang ihatid sa airport!" Aniya at umirap.
"I'm sorry nga, alright? Babawi ako pagka-uwi mo dito. Let's go party, susuportahan kita sa mga boys mo. Deal?"
"Well, deal. Susulitin ko ang leave ko." Maiksi niyang tugon atsaka sumilay ang ngiti. Umayos sya ng pagkakahiga at bumalik sya sa dating gawi.
Ilang oras kaming nag-usap about sa event. Pagkahatid nya kasi sakin ay bumalik ulit sya sa event, mas marami raw syang nakitang yummy na bachelors at business tycoons, kaso ang iba daw ay may asawa na. Napaisip tuloy ako kung isa ba sa nakita nya ang nakita ko sa table na 'yon. At may asawa na kaya?
"What's bothering you, sissy?" Tanong niya ng matahimik ako. Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Nothing big, naisip ko lang din yung event kahapon."
We said our goodbyes after two hours na chikahan dahil aasikasuhin nya daw ang ibang trabaho sa kompanya nila bago umuwi dito.
"What will you paint now, honey?" Mom asked me. Magkatabi kami ngayon, at sa harap namin ay ang easel at canvas. We're mixing some color sa palette habang si Dad naman ay nagseset ng dalawang camera para sa timelapse video at isa pang normal video pero nasa ibang angulo at medyo malayo.
"Hmm, maybe gagawin ko na yung naisip ko pa last time. And I'm planning to give it to our church." Sabi ko at nilingon si Mom na tumatango.
"Well, let's start then?" Aniya at nagsimula na kami. I didn't bother to ask what's hers. My Dad kept us accompany. Dahil di naman marunong si Dad sa pagpaint, siya palagi ang bahala sa pagkain namin.
YOU ARE READING
After Dark
RomanceAria Leticia Zapanta, lives with joy and colors. She is contented for what she has living a life like any normal people do. She had nothing to ask for. Until that day came, things took a turn to her life. She met an accident that she nearly lost her...