[CHAPTER 1 - She's A Male? Gross]

20 0 0
                                    

[Paolo Ponferrada as Paula Ponfy on the SIDE ------>]

- Louise -

"Ang gwapo gwapo talaga ng mga boyfriend ko!!!" , nagtiti-tili ako sa umaga habang paulit-ulit pinagpapantasyahan ang mga Modelo sa isang Magasin.

Ang mamacho lang naman nila at hindi ko kinakaya!

"Balang araw mapapasakin kayong lahat!" , niyakap-yakap ko muna bago ko ito ilapag sa may mesa.

"Louise, may pictorial ka ngayon diba? Halika na at may photo shoot kapa mamayang 4PM.." , sabay abot sakin ni Damian ng mga damit na susuotin ko.

"Damian, masyado pang maaga.." , ungot ko dahil tinatamad pa ako.

Hindi kapani-paniwala ano? Oo, Modela ako pero hindi naman ganun ka-Famous na lumalabas na ako sa mga Magasin tulad ng iba.

"Excuse me? I'm Dimitri Ascorza, Stop calling me Damian!" , pag-iinarte naman niya.

Okay, let me clear all things up.

Damian Anasco ang tunay niyang pangalan, ang aking Personal Manager.

Siya'y kasama sa Ikatlong Lahi sa ating lipunan at dun nagbabago ang pangalan nya at nagiging Dimitri Ascorza sa gabi.

"Ewan ko sayo, basta ikaw si Damian para sakin. Ano kaba? Ang gwapo mo kaya!" , pangangasar ko pa kaya naman naiirita na sya.

"Haynako girl, itigil mo na yang ka-echuserahan mo. Maganda ako, MAGANDA!"

"Push."

"By the way, may Magandang Modela akong ipapakilala sayo mamaya, Mala-dyosa ang ganda.."

Napatingin agad ako sa sinabi niya at nagsimula na naman akong mainis dahil may baguhan na naman sa Agency namin.

"Dyosa? Baka naman maputi lang yan?" , urat kong sagot habang inaayos ang mga make-ups ko.

"Insecure! Hindi lang basta maputi, makinis at matangkad pa! Kabog ka teh!"

"Ah ganon? Edi sorry naman sa pagiging maliit eh noh?!?!"

"Bansot!" , todo panlalait nya sakin kaya naman nainis ako at sinarado yung pinto.

"Buksan mo to'!" , sigaw nya habang ako'y tuwang-tuwang pinaglalaruan yung mga nakakalat na wig nya dito. Mahilig kasi siya sumali sa mga contest na tulad ng mga Ms.Gay.

Ganito ang sitwasyon namin araw-araw, kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay na to' dahil ang mga magulang ko ay pumanaw na noon pang bata pa ako dahil sa naaksidente ang sinasakyan nilang Van.

Dahil dun, inampon ako ng mga magulang ni Damian at lumaking siya ang kasama ko.

Pinaayos lahat ng papers ko kaya naman dinala ko ang apelyido nila.

"Louise Jade Anasco!!! Seriously, buksan mo na tong' pinto at aalis na tayo!" , sigaw na naman nya habang malakas na kinakalabog yung pinto ng kwarto ko.

"Oo na! Saglit lang!"

Nag-ayos na ako ng mukha at nagpalit ng mas magandang damit, hindi naman ako papayag na matalbugan ako nung bagong Modela mamaya.

Baka kasi magmukha akong katulong dahil sabi niya mala-dyosa daw yun.

Di nga?

She's A MALE?! [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon