Hawak ko'y larawan
larawang walng kupas
larawang di malimot
ng hinaharap o bukas
Sa bawat pagtingin
sa larawan mong bigay
may kirot na nadarama
at tila di mapalagay
Sa lokod ng larawan
may ala-alang bumabalik
mga pinagsamahan
mga pananabik
Kailan ko malilimot
kahapong nagdaan
kung mayroon palang
ala-alang naiwan .