Isang araw, nakita ko si Jane na natutulog sa malawak na damuhan at ang malaking puno ang nagsilbing payong niya. Minasdan ko siya sa kanyang pagtulog. Napakaganda at katamtaman ang taas ng maitim niyang buhok. Napakakinis at napakaputi naman ng balat niya. Hugis puso ang kanyang mga labi, matangos ang ilong, at napakaganda ng kanyang mga mata. Ngunit parang may kakaiba sa kanya..
Lumipas ang mga araw at ganun pa rin ang aking sitwasyon. Tuwing alas tres ng hapon, minamasdan ko ang pagtulog ni Jane. Wala siyang kaalam-alam sa aking ginagawa. Ang tanging saksi lamang ay ang malaking puno at ang malalwak na damuhan. Alam kong wala akong karapatan na mahalin si Jane sapagkat ako'y isang hardinero lamang. Ngunit hindi ko kayang pigilan ang aking nararamdaman. Kaya napagdesisyonan ko na hintayin siyang magising at ipagtapat ang aking nararamdaman para sa kanya.
Alas singko ng hapon at nagising si Jane..
Sasabihin ko na sana kaso bigla siyang tumayo at tumakbo papasok sa loob ng kanilang bahay.
Ilang beses din akong nagtangka na magtapat kay Jane. Ngunit bakit sa tuwing lalapit ako ay lumalayo siya?
-TO BE CONTINUED-
