Hi! So gumagamit muna ako ng alternative names ng mga Killers para surprise kung sino yung mga pumapatay. Kaya don't be confuse sana. Thank you! Have a nice day!
---
September Nine Pov
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon dito sa madilim na parte ng unibersidad. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin, pero nakapayag na ako at ang katulad ko ay walang inaatrasan!
Kayong dalawa! Diba ay may curfew? Bakit tayo lumabas? Inis na tanong ko sa kanila.
Gusto mo silang iligtas? Tanong sa akin Ethan at tumango naman ako.
Kung ganun kailangan mong sumali sa grupo kung saan papatay ka rin, para mailigtas ang mga kaibigan natin. Sabi ni Ireland sa akin at ako naman ay nagulat at mabilis na sinipa si Ethan sa tuhod at napa luhod sya.
Habang si Ireland ay nakatingin lang sa amin.
PAPATAY?! KUNG GANUN! ISA KAYO SA MGA PUMAPATAY DIN?! Sigaw ko kay Ethan at sapat na iyon upang hindi marinig ng iba.
Oo! Hindi ko rin alam nung una na may ganito rito! Pero wala tayong magagawa! Hanggang hindi tayo nakakapagtapos ng kolehiyo dito ay kailangan nating makaligtas lahat! sagot sa akin ni Ethan at binitawan ko naman sya at napasubsob sya sa may damuhan habang ako ay napa - upo.
Pumapatay kayo? Ibig sabihin kayo rin ang pumatay sa --- hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng nag salita si Ireland.
Hindi kami ang pumatay sa kanya. Sumali ka na September Nine, para may mata at tainga tayo sa unang grupo. Sabi sa akin ni Ireland at napabuntong hininga ako.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Tama ba ito?! Tama ba na pumatay ako?!
Pag isipan mong mabuti. Sabi ni Ethan sa akin at napahawak na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung bakit ko ito gagawin! Alam kong para sa akin at sa mga kaibigan ko ito! Pero bakit ganito?!
Tumayo naman ako at humarap sa kanilang dalawa at mabilis silang sinampal. You Rascal! Kapag nalaman nila itong ginawa natin! Ka...Kayo ang sisisihin ko! Galit na sabi ko sa kanila.
Tatanggapin namin ni Ireland ang parusa sa amin kung sakaling malaman nila na tayo ay isa sa mga pumapatay. Sabi ni Ethan at ako naman ay hindi ko mapigilang hindi maiyak.
Mahal ko kayong lahat! Gusto ko rin silang iligtas, pero bakit ganito? Naiiyak na sabi ko sa kanilang dalawa at napayuko naman silang dalawa.
Niyakap naman nila ako saka may ibinulong sila sa akin.
Isang tao kada isang araw, Hindi tayo sumali sa mga grupo para pumatay, pero para makakuha ng information kung sino ang papatayin nila at kung ito ba'y malapit sa atin. Bulong sa akin ni Ethan at lalo akong napa - iyak.
Patawarin sana ako ng panginoon sa gagawin kong ito.
Dapat ay hindi nila malaman ang tunay na pakay natin dahil kapag nalaman nila ay papatayin nila tayo. Paalala naman sa akin ni Ireland at tumango tango ako.
Nang mag bitaw kami sa pagkakayakap sa isa't isa ay pinunasan ko ang luha ko sa mata at tumingin ng masama sa kanila.
Siguraduhin nyo lang na hindi sila mapapahamak sa gagawin natin! Galit na sabi ko sa kanila at tumango tango sila.
Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad at habang naglalakad kami ay sinabi sa akin ni Ireland at Ethan na mag kakaroon ako ng tattoo.
Ilalagay ang tattoo namin sa kanang likod ng balikat namin. Yung kay Ireland ay maliit na letrang Z habang ang kay Ethan ay maliit na letrang D.

BINABASA MO ANG
The Cadaver University
FantasíaCadaver University, isang pribadong tagong unibersidad ngunit tanyag sa larangan ng pagtuturo ng medisina. Marami ang naeenganyo na mag-aral dito sapagkat bukod sa ito ay tanyag na unibersidad ay hindi rin gaano kamahal ang matrikula na kailangan ba...