Chapter 1

359 6 10
                                    

Madaling araw na pero parang wala yatang balak dalawin ng antok si Chord. Wala naman siyang iniisip na problema nakahit ano. Hindi niya maintindihan kung bakit. Maraming beses nang nangyayari sa kanya ang ganoon. Naiinis na nga siya dahil may exam pa man din siya mamaya.

"Argghh!" inis na bumalikwas siya sa kanyang higaan. Tumingin siya sa orasan at nakita na mag-aalas tres na ng madaling araw.

"Hayys!" napabuntong hininga na lamang siya at napagpasyahang uminom muna ng tubig. Bumaba siya at naglakad papunta sa kusina. Kumuha ng baso at kumuha ng tubig sa refrigerator. Lumagok ng tubig, baka sakaling maibsan ng malamig na tubig ang mainit niyang ulo.

"Tiktilaok!" Muntik ng mabitiwan ni Chord ang baso sa pagkakagulat niya. Wala naman kasi silang alagang manok kaya di niya inaasahan na may titilaok sa bintana nila.

"Nagulat ako doon ah. Kainis namang manok ito. Saan naman kaya nanggaling 'yon? Wala namang may manok sa mga kapitbahay. Naligaw pa dito," inis na nasabi ni Chord habang sumisilip sa bintana upang bugawin ito.

"Asan na iyon?" tanong ni Chord sa sarili habang hinahanap ang manok. Wala siyang nakita sa labas kaya nagpasya na lamang siyang bumalik sa pagtulog.

Paakyat na siya ng hagdan nang... Boses ng isang babae ang umalingawngaw sa buong bahay. Kumakanta ito. Parang isang anghel na kumakanta. Natigilan si Chord dahil wala namang babae sa loob ng bahay nila. Ang kanyang mga magulang ay nasa abroad at ang tanging kasama niya ay ang kanyang kuya.

"Baka naman may iniuwing babae si kuya? Pero parang hindi naman sa kwarto niya nanggagaling ang boses," aniya sa sarili.

Luminga-linga siya sa buong paligid upang hanapin kung saan nanggagaling ang boses. Pero wala talagang tao roon. Malakas na ang kabog ng kanyang dibdib pero nilakasan pa rin niya ang kanyang loob. "Sino yan?" tanong niya.

"Ahhh!" tili ng babae na parang gulat na gulat. "Sino yan?" nanginginig sa takot ang boses ng babae.

"Ikaw ang sino? Nasaan ka?" tanong ni Chord habang lalong tumindig ang balahibo sa buong katawan dahil sa takot. Parang tambol ang kanyang dibdib sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.

"Sino ka ba? Multo ka ba? Pwede ka bang magpakita? Ay wag ka palang magpapakita! Takot ako sa multo!" sabi ng babae.

"Hindi ako multo! Ikaw nga yata ang multo e?" tugon ni Chord.

"Kung hindi ka multo, pwede bang magpakilala ka? Anong pangalan mo? Taga-saan ka? Saka nasaan ka ngayon?" sunud-sunod na tanong ng babae.

Naguguluhan si Chord pero parang nabawasan ang takot niya at sinimulang sagutin ang mga tanong ng babae. "Ako si Chord. Nandito ako sa loob ng bahay namin sa Laguna. Ikaw, sino ka?" pakilala ni Chord sa sarili.

"Ako naman si Harmony. Nandito ako sa isang room sa Philippine Heart Center. Nagpapagaling ako dito. Katatapos lang kasi akong operahan sa puso," pakilala naman ng babae.

"Ganoon ba? E bakit naririnig ko ang boses mo kung malayo ka pala sa akin? Niloloko mo lang yata ako e? Baka naman narito ka lang sa bahay namin? Lumabas ka na diyan! Wag mo na akong takutin!" sabi ni Chord.

"Ako nga ang natakot sa'yo eh. Bigla ka na lang kasing nagtatanong ng sino ka. Muntik na kaya akong atakihin sa puso. Kaoopera pa man din sa akin. Kung ako natuluyan, kasalanan mo," sabi ni Harmony na medyo nawala na rin ang takot.

"Sorry naman. Sino ba naman ang hindi matatakot? Alas tres ng madaling araw tapos bigla ka na lang makakarinig ng kumakanta, wala namang tao!" sagot ni Chord. "Ilang taon ka na? Pwede bang magpakilala ka pa?" tanong ni Chord habang umaakyat na ulit ng hagdan.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Arnold, kuya ni Chord. "Sinong kausap mo diyan?" tanong nito.

"Uhhm, wala kuya. Practice lang ng play namin sa school," palusot niya. Tiningnan siya ng kuya niya at nag-iisip kung papaniwalaan siya.

"Practice ha! Maaga pa. Matulog ka pa kaya! Baka naman antukin ka niyan mamaya?" utos nito.

"Opo!" maikling sagot ni Chord habang papasok ng kwarto.

Isinara na ni Chord ang pinto. Bumalik na din sa pagtulog si Arnold.

"Nandiyan ka pa ba Harmony?" tanong ni Chord.

"Oo nandito pa ko. Sinong kausap mo kanina?" tugon ni Harmony

"Si kuya lang." Umupo si Chord sa kama.

"Bakit anong sabi?" usisa ni Harmony

"Tinanong lang kung sinong kausap ko. Di mo ba siya narinig?" pagtatakang tanong ni Chord.

"Hindi, ikaw lang naririnig kong nagsasalita e. Ano na nga pinag-uusapan natin? Ah! Ikaw na muna ang magkwento tungkol sa buhay mo. Hahaha." Natawa si Harmony.

"Ha? Ibinalik mo sa akin ah. Ayos ka din. Pero sige na nga. Ulitin ko, ako si Chord. Twenty two years old na ako pero second year college pa lang ako sa kursong accountancy. Medyo late, kasi naaksidente ako after ko maka-graduate ng high school. Nagkaroon ako ng amnesia. Sa ngayon nga 'di ko pa rin matandaan lahat ng tungkol sa akin e. Alam mo ba ang pakiramdam na ganoon? Parang isang puzzle ang memory ko. Hinahanap ko pa ang ibang mga piraso para mabuo ko. Buti nga nakabalik na ako sa pag-aaral. Ang mga parents ko, nagwowork abroad. Si kuya lang ang kasama ko dito sa bahay. Medyo 'di nga lang kami nakakapag-usap masyado kasi busy siya sa work. Ano pa ba? Uhhmm... 'Yon na lang muna. Ikaw? Ikaw naman ang magkwento." aniya.

"Uhhmm.. May tanong muna ako bago ako magkwento." sabi ni Harmony.

"Ha? Ang daya naman. Magkwento ka muna bago ka magtanong ulit. Salitan tayo." pagtanggi ni Chord.

"Okay... Hehe. Baka lang kasi makalimutan ko ang tanong ko. Pero sige na nga. Ako si Harmony. Same age pala tayo. Twenty two years old din ako. Singer/Musician/Composer kasi ang dad ko kaya naging ganoon ang pangalan ko. Mommy ko naman businesswoman. Bata pa lang ako may sakit na ako sa puso. Pero gumaling naman ako. Kaya lang bumalik ang sakit ko after highschool. Lumala nang lumala hanggang sa kailangan na nga ng heart transplant. Tagumpay naman ang operasyon. Nagpapagaling na lang ako ngayon dito. Kapag gumaling na ako balak kong bumalik sa pag-aaral. Di pa kasi ako nakakapag-college. Plano kong kumuha ng Bachelor of Music. Mahilig din kasi ako sa Music. Namana ko siguro kay dad." pagpapakilala naman ni Harmony.

"Nice naman. Pwede ba kitang marinig ulit na kumakanta?" paghiling ni Chord.

"Uhmm... pagisipan ko muna. Hahaha." biro ni Harmony.

"H'wag mo nang pag-isipan. Sige na, please! Ang ganda kasi ng boses mo. Very sweet. Nakaka inlove." malambing na sabi ni Chord.

"Hala si kuya, nambobola na!" natawa si Harmony.

"Ako nambobola? Hindi ah! Totoo kaya. Bakit? Wala pa bang nagsabi sa'yo ng ganoon?" tanong ni Chord.

Makalipas ang isang oras na pag-uusap, bigla na lang nanahimik si Harmony. "Harmony, nandiyan ka pa? Harmony?" pagtawag ni Chord. Pero walang Harmony na sumagot. Napasimangot na lang siya. Tumingin siya sa orasan.

"Alas kwatro na pala. Ang weird naman ng nangyari. Totoo ba iyon o nananaginip lang ako? Pero nag-eenjoy na akong kausap siya. Makakausap ko kaya siya ulit?" malungkot na tanong ni Chord sa sarili.

I Heard You at 3:00 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon