Dumating sa huling lamay ang doktor ni Harmony kasama si nurse Lea. Lumapit sila sa mga magulang ni Harmony. Una ay kay Randy at nakipagkamay. Tapos ay kay Melody na kasalukuyang kausap si Chord.
"Condolonce po Mrs. Velasquez," sabi nito.
"Thank you po Doc," sagot ni Melody.
"Doc, siya po si Chord." Napalingon si Chord kay nurse Lea.
"Chord siya si Doc. Hector Martinez. Siya ang doktor ni Harmony," pakilala ni Lea sa doktor.
"My condolences," sabi ng doktor at nakipagkamay kay Chord.
"Maaari ba tayong mag-usap sandali? May gusto lang akong sabihin tungkol kay Harmony," sabi pa ng doktor.
Tumango naman si Chord. Umupo sa tabi niya ang doktor.
"Alam mo ba kung gaano katapang at katatag si Harmony? Kung paano niya nakayanan ang lahat? At kung paano niya nagawang posible ang imposible?" malungkot na tanong nito.
"Naikwento nga po ni Tita ang lahat ng nangyari," tugon niya.
"Ang puso ng tao ay may hangganan. Isang beses lang na atakihin ka sa puso, karamihan bumibigay na agad lalo na pag huli na nang madala sa ospital. Pero may mga kasong nakayanan hanggang tatlo. But it is very rare, kalimitan mga hindi masyadong grabe ang kondisyon. Pero si Harmony, every heart attack na naexperience niya are fatal. Sa tinagal tagal ko na sa serbisyo, ngayon lang ako nakatagpo ng katulad niya..." Hindi napigilang mapaiyak ang doktor.
"Noong nakahanap na kami ng donor para sa kanya, inatake siya sa huling pagkakataon. Ibinuhos ko na talaga lahat ng kaya kong gawin para maisalba pa siya. Pero wala na talaga. Siguro hanggang doon na lang talaga si Harmony. Hindi kasi dumating ang inaasahan naming bagong puso para sa kanya. Naaksidente ang ambulansiya na magdadala sana ng puso. Wala na talaga. Bumigay na si Harmony. Nahigitan na niya ng matagal na panahon ang kanyang limitasyon. Himala na nating maituturing na kinaya niya hanggang doon," kwento pa nito.
"Pero alam mo ba, noong sandaling wala na talaga siya, nagawa pa niyang magpasalamat sa amin. Wala na siyang pulso noon. Hindi na tumitibok ang puso niya at hindi na siya humihinga pero nagawa pa niyang igalaw ang kamay niya. Kinapitan niya ako at nginitian kaming lahat ng naroroon. Waring nagpapasalamat siya. Nakita ko sa mukha niya ang kaligayahan sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya. She have shown us the true miracle of love. Kahit na punong-puno ng sugat at pilat ang puso niya, nanatili pa rin itong buo. Napakatapang niya. At pinakita niya ang pagmamahal niya sa'yo. Na kahit kamatayan ay hahamakin niya para lang makasama ka," dagdag pa ng doktor.
Hindi mapigilang hindi umiyak muli ni Chord sa mga nalaman. Nagkwentuhan pa sila ng doktor. Maya-maya ay nagpaalam na din ito.
Lumapit si Chord sa mommy ni Harmony.
"Tita, pwede po ba akong pumasok sa kwarto ni Harmony?" paalam ni Chord kay Melody.
Sinamahan si Chord ni Melody upang ituro kung saan ang kwarto ni Harmony. Pagkatapos ay iniwan na niya doon ang binata.
Isa-isang pinagmasdan ang mga gamit ni Harmony. Nakita niya ang isang frame na nakalagay ang kanilang picture na magkasama. Pumunta sa closet at nakita ang mga damit nito. Niyakap niya ang mga ito habang umiiyak.
"Yam. Mahal na mahal kita," sabi niya habang umiiyak.
Napansin niya ang isang notebook na nakalagay sa closet. Binuklat niya ito. Diary pala ito ni Harmony. Isa-isang niyang binasa ang mga nakasulat doon. Nakalagay dito lahat ng mga naranasan ni Harmony. Nabasa niya dito ang mga parehong karanasan nila. Mga panaginip na parehong-pareho nilang naranasan.
Nag-flashback kay Chord ang mga panaginip niya, isang buwan bago mamatay si Harmony. Nagkita sila sa panaginip.
"Nasaan ako? Napakaganda naman sa garden na ito. Si Chord ba 'yon? Si Chord nga!" lumapit ito sa nakaupong lalaki sa damuhan.
"Anong ginagawa mo dito?" at umupo sa tabi ng lalaki.
"Ha? Uhm... Hindi ko rin alam e. Di ko nga alam kung nasaan ako. Sino ka?" tanong ni Chord.
"Di niya ko nakikilala?" bulong ni Harmony sa kanyang isip.
"By the way, ako nga pala si Chord," pakilala ng binata.
"Hello. Bakit parang malungkot ka? May problema ba?" tanong ni Harmony.
"Hindi ko rin alam. Pakiramdam ko kasi may mahalaga akong hindi maalala," sagot ni Chord.
"Ano naman? Pagkain ba 'to? Hayop?" biro niya.
"Hindi!" Napangiti si Chord.
"Tao?" muling tanong ni Harmony.
"Siguro?" sagot ni Chord na waring nag-iisip.
"Ba...gay?" muling tanong niya.
"Pwede? Kasi bagay tayo," natatawang biro ni Chord.
"Bolero! Hindi ka pa rin talaga nagbabago," natatawang sabi niya.
"Kilala mo ako?" gulat na tanong ni Chord.
"I mean kayong mga lalaki hindi pa rin talaga nagbabago. Bolero pa rin kayo," palusot niya.
"Ahhh... Akala ko kilala mo ako," malungkot na sabi nito.
"Wag kang mag-alala makikita mo rin siya. Soon! Maniwala ka lang," nakangiting sabi niya kay Chord at tinapik pa sa balikat nito.
"Pangako magkikita din tayo mahal ko," bulong niya sa isip.
Ilang beses pa silang nagkita at nagkausap sa panaginip. Pero tuwing magigising si Chord ay hindi niya maalala ang itsura nito. Si Harmony pala 'yon. Matagal na pala silang nagkakausap. Pero sa panaginip lang.
"True love finds its way to connect two hearts that beat as one," nasabi niya sa kanyang isip. Unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ng kanyang pinakamamahal.
Mag-aalas tres na ng madaling araw. Umaasa siyang makakausap niyang muli si Harmony kahit sa huling pagkakataon.
Nagsimulang kantahin ni Chord ang kantang isinulat nila. Isang mala-anghel na tinig ang sumabay sa kanyang pagkanta. Nakita niya ang kaluluwa ni Harmony na kumakanta. Tinapos nila hanggang sa huling linya ang kanta.
"Yam," sabi niya rito habang magkaharap na sila.
"Salamat Chord. Tinupad mo ang pangako mo na babalik ka. Masaya na ako. Maari na akong umakyat sa langit." Makikita sa mukha ni Harmony ang labis na kasiyahan.
"Salamat din Yam, sa lahat ng sakripisyo mo para sa atin. Patawad kung wala ako sa tabi mo nang mga oras na kailangan mo ako," sagot ni Chord.
"Ginawa mo din naman ang lahat 'di ba. Minsan may mga taong nakatadhanang magmahalan nang tunay pero hindi nakatadhanang magkasama. Palagi ko pa rin naman kayong babantayan mula sa langit," sagot ni Harmony.
"Mahal na mahal kita Yam," ani Chord.
"Mahal na mahal din kita," tugon ni Harmony.
"Tiktilaok!" Napalingon sila sa pinanggalingan ng tilaok. Nakita nila si San Pedro.
"Nariyan na ang sundo ko. Tapos na ang anim na araw na ibinigay sa akin. Kailangan ko nang magpaalam," sabi ni Harmony.
"Paalam Chord. Hihintayin na lang kita sa langit." Hinalikan ni Harmony si Chord sa labi.
Unti-unting naglaho ang kaluluwa ni Harmony at naiwan si Chord na tumulo pa ang mga luha. Pero makikita sa mukha niya ang kasiyahan. Malungkot man ay dapat na niyang tanggapin ang pagkawala ni Harmony.
Chord monologue:
"Nakakakita na naman ako ng liwanag. Pero this time liwanag na nagmumula sa ilaw ng concert stage. Tinupad ko ang pangarap natin. Ang maging sikat na singer/composer at kasama pa ang anak natin. Sumikat ang duo namin!" sabi niya habang papasok siya sa stage."Para sa'yo ito, Yam!" bulong ni Chord sa kanyang isip habang pinakikinggan ang patuloy na sigawan ng mga fans.
"Sometimes, I'm still dreaming all those times that I heard you at 3:00 AM," bulong niya sa kanyang isip bago tuluyang kumanta kasama ang kanilang anak.
THE END
BINABASA MO ANG
I Heard You at 3:00 AM
General FictionAlas tres ng madaling araw noon, nang makarinig si Chord ng isang mala-anghel na boses. Mula pala ito sa isang babaeng nagngangalang Harmony. Noong una ay natakot siya ngunit nang magkakilala sila ay nagkapalagayan na sila ng loob. Kinaumagahan ay n...