Chapter 7

94 6 1
                                    

Dinala si Chord ng mommy niya sa Canada. Nagtatrabaho kasi doon ang daddy niya. Isang taon na ang  lumipas pero comatose pa rin siya. Pero dahil sa sinabi ni Chord sa  panaginip ng kanyang ina ay hindi talaga siya sinusukuan nito.

Nagtrabaho na din si  Wendy dahil kinakapos na sila. Pinasunod nila ang kapatid ni Chord sa  ama na si Arnold, para siyang sumalit ng pagbabantay kapag nasa trabaho si Wendy.  Anak ito ni Roman, daddy ni Chord, sa namatay nitong asawa.

Puno ng galos sa  katawan, duguang mga paa, nangangatog na mga tuhod dahil sa pagod, pagal na pagal na ang katawan ni Chord. Pero  wala siyang balak sumuko. Patuloy lang siya sa paglalakad. Bumagsak  ang kanyang katawan sa lupa. Halos wala na siyang lakas para magpatuloy. 

"Hindi! Hindi ako  susuko!" Sinusubukan niyang tumayo pero wala na talaga siyang lakas.  Bumagsak ang katawan niya sa mabatong lupa at nawalan ng malay.

"Chord nasaan ka na? Chord!!" Parang narinig niya ang boses ni Harmony dahilan para magkamalay siya.

"Yam! Hintayin n'yo ako. Pangako babalik ako,"  umiiyak niyang sagot at nagsimula muling maglakad.

"Hanggang kailan ako maglalakbay?" halos panawan na siya ng pag-asa.

"Hindi! Hindi ako susuko. Nangako ako kay mommy at kay Yam. Makakabalik ako kahit anong mangyari." Pilit niyang binubuhay ang pag-asa na muli niyang makakapiling ang mga mahal sa buhay.

Lumipas ang matagal na  panahon. Nakatanaw si Chord ng liwanag. Pero bago niya marating 'yon ay  marami pang pagsubok ang dadaanan niya. Nilangoy niya ang dagat. Tumawid siya sa isang tulay na bato. Makitid ito at isang pagkakamali lang ay  mahuhulog siya sa isang madilim na bangin. Sinuong niya at tiniis ang mga tusok ng tinik sa kanyang buong katawan. Naglakad at hindi inalintana ang mga hiwa ng matatalas na mga bato. Naglakad siya sa mga nagbabagang bato.

Ang huling pagsubok ay  ang pagtawid sa lawa ng nagbabagang lava. Kailangan niyang lumangoy sa  lava. Abot tanaw na niya ang liwanag pero pinapanawan siya ng lakas ng  loob.

"Tulungan n'yo ko." Napaluhod siya habang umiiyak.

"Chord! Kaya mo yan!" tila narinig niya ang boses ni Harmony.

"Yam?" Nagpalinga-linga siya upang hanapin ito.

"Anak, lumaban ka. Hihintayin kita." Boses naman ng kanyang ina ang kanyang narinig.

"Mommy?" Sa narinig niya ay tila nabuhay muli ang kanyang loob.

"Kaya ko 'to! Ngayon pa ba ako susuko? Abot tanaw ko na ang liwanag." Inipong ni Chord ang lahat ng kanyang lakas ng loob.

Wala talagang ibang  paraan para tawirin 'yon kundi languyin ito. Sinubukan muna niyang  ilagay ang daliri niya. Ramdam na ramdam niya na nasusunog ito. Pero himalang di ito tuluyang natutupok. Daliri pa lang ay parang  di na niya kakayanin. Pero kailangan niyang tiisin kung talagang gusto  niyang makabalik sa lupa.

"Kaya ko 'to! Kaya ko 'to" sigaw niya sabay tumalon siya sa lava.

Hanggang leeg ang lalim  nito. Ramdan niya ang nasusunog niyang katawan. Napasigaw siya sa  sobrang sakit. Sa kabila ng walang kapantay na sakit ay nagsimula siyang maglakad.

Nagising si Wendy nang manginig ang buong katawan ni Chord.

"Anak? Anak? Nurse! Doc! Anak, anong nangyayari? Doc!" sigaw niya.

Humahagulgol ng iyak si Wendy dahil hindi alam kung anong nangyayari sa anak.

Narating ni Chord ang  dulo at nakaahon na sa lava. Pero ramdam pa rin niya ang hapdi. Sunog  ang buo niyang katawan. Tumingin siya sa liwanag.

I Heard You at 3:00 AMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon