CHAPTER 32: Pain

3.1K 176 63
                                    

OLIVER

Puno ng katahimikan ang paligid. Ni isa samin walang planong magsalita. Ipinatawag kami ni Jaimy dito sa living area para daw mag-usap.

Sa tinagal tagal naming nandito wala ni isang nagkalakas loob na magsimulang magsalita. Lahat tahimik lang.

Hawak hawak ko ang kamay ni Chase na nanginginig sa takot. Kanina pa kasi siya nag-aalala na baka daw paalisin siya dito at maiwan ako but I explained to him that I wont let anyone make him leave at kung aalis man siya kasama niya ako. I won't let him go alone. Baka pagnasahan na naman siya ng mga masasamang tao sa paligid.

"Ano ba talagang pag-uusapan natin? Naiinip na ako!" Naiirita kong reklamo at humigpit ang kapit ni Chase sakin telling me to calm down but I just can't myself to do so. This fucking silence is killing me.

"Pinatawag ko kayong lahat para pag-usapan natin ang mga di pagkakaintidihan dito sa loob ng mansion. I'm sick of your stupid childish fights." Jaimy said in a fatherly way.

Sinulyapan ko si Ethan, Airon at Dylan. They are staring at me and god knows how many times that they've already killed me in their minds.

Ang mas nagpagulo sakin ay yung paraan ng pagtitig sakin ni Casper. Oo, titig na ang ginagawa niya. Simula pa kasi kanina pinagmamasdan na niya ako and it's making me uncomfortable at alam ko ding napapansin yun ng katabi ko.

"You expect us to reconcile to that bastard King?!" Singhal ni Airon at umigting ang nagtatagong satanas sa loob ko ng dinuro duro niya ako.

"Dont you dare point your fucking finger on me. You don't have the right to. I could easily cut that finger of yours when I want to." This time I refrained my anger and act cold. I dont want to worry my Chase again.

"Gawin mo, Oliver! Gawin mo!" Sigaw muli ni Airon. "I'm not afraid and I dont care even if you're the king."

Oh really? Tatawagin ko na sana yung mga tauhan ko sa labas para bigyan ako ng espada pero nung mabasa ni Chase sa mga mata ko ang balak kong gawin ay mabilis niya akong inilingan.

Kung hindi lang kay Chase ay kanina pa tadtad  'tong Airon nato.

"Airon! Oliver! Ano ba?! Tama na!" Pag-aawat ni Cooper samin.

"Wag kang makialam." Walang ka buhay  buhay kong sambit sakanya at naramdaman ko kung paano dumanoy sa dugo niya ang takot na nararamdaman niya sa paraan ng pagtingin ko sakanya. Yeah. You should be afraid of me.

"Don't talk to him like that!" At ang kanina pang tahimik na Ethan ay nagsalita or I rather say sumigaw na sa wakas.

I laughed sarcasitically at him. "You don't have the right to order me, Ethan. You don't tell me what to do." Mahinahon at matigas kong sambit. Tumayo ako at lumapit sakanya. "Bakit mo ba  siya pinagtatanggol? May gusto ka ba sa Cooper na yan?" I smirked at nagulintang ang mukha niya. Hindi man niya sagutin ang tanong ko alam ko na sa reaksyon niya pa lang.

Hindi ko nakaligtaan ang pangungunot ng noo ni Airon at ang paglaki ng mga mata ni Cooper sa mga aminan na nangyari "Kaya pala ganun ka nalang maka react eh noh? May gusto ka naman pala sakanya. Bakit hindi mo sabihin ngayon mismo sa pagmumukha niya? Antorpe mo!" Nakita ko kung paano siya magtiim bagang at kasabay ng pagngisi ko ay kinwelyuhan niya ako.

Agad namang tinutok ng mga tauhan namin ang mga baril nila nung kinwelyuhan niya ako.

"Ibaba niyo ang mga baril niyo!" Utos sakanila ni Dylan.

"Ibababa lang namin ang mga baril namin kung bibitawan niya ang hari." Rinig kong sagot ng isang tauhan ko.

"Asa naman kayong bibitawan ko siya. Papatayin ko ang hari niyo!" Malakas na sigaw ni Ethan at isang putok ng baril ang pumailanlang sa paligid at naitulak ko si Ethan nung sumigaw ang Chase ko. Nakatakip siya sa mga tenga niya at natatakot.

FORBIDDEN #1: My Extra-Ordinary Heart (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon