CHAPTER 40: First? Second?

3.2K 166 39
                                    

Somebody's Pov

Habang ako'y nakatingin sa malaking bintana ng aking opisina. Nagmumuni muni, nag-iisip kung tama ba ang naging desisyon ko na hayaan ang anak ko ang kumilos at maghiganti para sakin dahil ayun sa tauhan na inutusan kong magmatyag ay walang ginawang kilos ang magaling kong anak.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang binatang may hawak na maleta habang seryosong nakatingin sakin. Lumapit siya ng ilang hakbang bago nagsalita.

"Aalis ako ng bansa." Pormal niyang sambit na para bang isa lang ako sa mga tau-tauhan sa buhay niya. Tumawa ako ng marahan. Kumunot ang noo niya dahil doon.

"Aalis ka? Eh hindi ka pa nga kumikilos laban sa mga Buenavista." Nakaramdam ako ng konting inis sa pagsambit sa apelyido ng mga taong kinamumuhian ko.

"Napagdesisyunan kong ayoko ng maging sunod sunoran sayo." Sa pagkakataong 'to ang noo ko naman ang kumunot.

"Baka nakakalimitan mo na hawak ko sa leeg ang mahal mong si Casper Velasco." Napangisi siya.

"Kampante na ako dahil nandyan ang Comet Knights para sakanya. Di ba sinubukan mong ipadukot si Casper? Anong napala mo? Eh di muntik na tayong sumabit."

"Oo, nagkamali ako sa pagdukot sakanya pero hindi na yun mauulit pa. Alam mo kung anong kaya kong gawin." Nakita kong dumaan sa mukha niya ang pagkatakot pero sadyang hindi niya lang ipinapakita. I trained him to be like that and I am confident about that.

"Gawin mo kung anong gusto. Maghiganti ka sa mga Buenavista lalong lalo na kay Oliver. Dahil sakanya nagdurusa si Casper. Ibibigay ko na sa mga kamay mo ang paghihiganti Dad." Parang gusto ko yung mga naririnig ko. "Pero dapat hindi mo idadamay si Casper rito. Malayo man ako may mga mata ako sa paligid. Kapag nalaman kong nagasgasan siya o hinawakan mo kahit hibla ng buhok niya patawarin mo nalang ako dahil ako mismo ang magpapakulong sayo kahit na madamay pa ako. Tandaan mo yun Dad."

Nagsalita siya na para bang saming dalawa siya ang boss. Na para bang mag nakakataas siya sakin. Nagbago na nga ang anak ko. Binabago ka nga talaga ng pag-ibig.

"Natakot ako dun ng konti." Sarkastiko pero may patak din ng katotohanan.

"I'm being serious here, Dad." Sambit niya and throws a glare in me, a deadly one I could tell. And just by looking at him I know that he meant what he said. We're talking about Casper here and I know that my son could do anything for him. "I'm gonna stay with mama in Japan pero bago yun pupuntahan ko na muna si Mommy sa libingan niya. Visit her too. Alam kong matagal tagal na nung huli mo siyang dinalaw."

Memories of Jane, my deceased wife came right before my eyes.Oo, nagpakasal akong muli, nagmahal akong muli pero hindi na mabubura ang pag-ibig ko sa naging una. Habambuhay na akong magdurusa sa mga alaala niya. Isang marahan na tango ang isinagot ko sa anak ko bago siya nagpaalam at umalis.

I will make everyone pay for what they did to my wife. Dahil sa mga Buenavista, bumagsak ang kompanyang naging buhay ng asawa ko, ang pinagtuunan niya ng lahat ng oras niya na kahit kami na asawa't anak niya ay kanyang nakalimutan. Labis niyang ikinalungkot ang pagbagsak ng kompanya, dinamdam ang pagkawala ng negosyo at nagkasakit. Dahil wala na kaming sapat na pera para ipagamot siya, nawala siya samin.

Kaya hindi niyo ko masisisi kung bakit ganun na lang ang galit ko sa mga Buenavista. Sinira nila ang buhay ko kaya sisirain ko rin ang kanila.

At ngayon magsisimula na ako.
Magsisimula na ang tunay na paghihiganti.

CASPER

Umalis na nga si Oliver, pati ba naman si Dylan? Masakit isipin na unti unti na akong iniiwan ng mga taong importante sakin ngunit napapaisip ako na baka yun ang mas makakabuti para sakanila. Para mahanap ni Oliver ang sarili niya at para mabuo ni Dylan ang puso niya. Naniniwala naman ako na may ibang taong darating sakanya na susuklian ang pagmamahal niya hindi tulad na nangyari samin. Kung mananatili pa siya dito sa mansion mas lalo lang siyang masasaktan.

FORBIDDEN #1: My Extra-Ordinary Heart (b×b) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon