Epilogue

13.2K 233 33
                                    

Third Person's POV

Walang kukurap!

Magkaharap si Maven at si Darke.

Nagbago ang anyo ni Darke, nagkaroon siya ng itim na bestida pang-diwata at may isang korona na itim sa kaniyang ulo. Napakaganda nito na nakakapagbighani ng lahat.

Ang mga SUPERIORS ay patuloy pa rin sa pagpupuksa sa mga halimaw na paniki.

"Bat ka nakaganyan bes? Anue to, may formal party?" Biglang basag ni Maven sa tensyonadong paligid.

"Shut up, little kid. Mamamatay ka na ngayon so say bye bye friends.....or not....pareho naman kayong mamatay!" Saad ni Darke sabay tawa ng parang demonyo

"Alam mo....hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pa may kasamang tawa bawat salita mo. May sakit ka ba? Laughing Disorder perhaps?" Sosyal na saad ni Maven habang tinitignan ang kaniyang kuko.

Napakunot naman ang noo ni Darke.

"Manahimik ka, bata. Maghanda ka na at papatayin ko kayo lahat!" Aakmang babasagin na ni Darke ang Aqua Stone na parte ng ritwal ay napigilan ito ni Maven gamit ang kapangyarihang yelo.

Nagulat si Darke.

"P-paanong..."

"You fail to kill all the Euthopian, Darke."

Lumamig ang paligid napahinto ang lahat at napatingin sa babaeng may napakalakas na aura....si Maven.

Gone the playful Maven and napakaseryoso ng mukha nito.

Umangat ito sa lupa at nagbago ang kaanyuan kagaya ng kay Darke.

Nagkaroon siya ng kulay asul na bestida at nagkaroon ng maliit na korona na may yelo.

Napatanga ang lahat.

"Y-you..."

"Yep, Darke. You got the chance to kill me but unluckily you did not." Nakangising sabi ni Maven

"How dare you!" Humaba ang kuko ni Darke at nagkaroon ito ng mga itim na ugat sa buong katawan.

Sumugod si Darke kay Maven na naiwasan naman ng huli.

"I'll kill you and your friends!" Sigaw ni Darke

Nagkaroon ng malalaking mga halimaw at inatake nito ang mga SUPERIORS at ang mga Professor na tumulong sa pakikipaglaban.

Sumugod si Maven dala ang kaniyang Divine Sword at pilit dinadaplisan si Darke na mahusay namang iniiwasan ang mga atake na ginagawa ni Maven.

Nagkaroon bigla ng espada si Darke at sinangga ito sa espada na hawak ni Maven kaya napa-atras si Maven ng bahagya.

"Papunta ka pa lang, Pabalik na ako!" Sabay atake ni Darke kay Maven.

Hindi maikakaila ni Maven na sadyang mahusay nga si Darke sa paggamit ng espada nito.

"Nanggigil na akong patayin ka, bata." Sabi ni Darke na mas binilisan pa ang pag-atake kay Maven.

Nadaplisan naman si Maven sa mukha ngunit ngumisi ito sa nakangising si Darke.

"Gawin mo!" Sigaw ni Maven.

Tumakbo si Maven ngunit agad ring napahinto dahil may biglang mga vines na pumulupot sa kaniyang mga paa upang pigilan siya sa pag-takbo.

"Wala kang kawala bata." Naging agresibo si Darke at sinugod si Maven na hindi makagalaw dahil sa vines na pumulupot sa kaniya.

Natabunan na si Maven sa mga vines kaya kinuha ni Darke ang pagkakataon upang saksakin si Maven ngunit ng tinusok niya ang kaniyang espada ay walang kahit na dugo ang lumabas.

Mystiqua Royale: The Legendary Goddess (Old Version) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon