The Beginning

120 2 0
                                    

Minulat ko ang aking mga mata.

Nananaginip ako diba?

Alam ko na nananaginip ako pero bakit parang sobrang totoo yung pakiramdam?

"Jinyoung!" lumingon ako at hinanap kung sino ang may ari ng boses na tumawag sa akin. Babae? Wala naman akong kaibigang babae. 

"Jinyoung!" may tumawag na naman pero kahit anong lingon ko hindi ko sya makita.

"JIIIIIINNYYOOOOUNGGGG!" nararamdaman ko na papalapit siya pero bakit hindi ko pa din siya makita? Asan ba sya?

Nakaramdam ako ng kalabit sa likod ko.

Pagkaharap ko sa taong kumakalabit, nasilaw ako.

AHHHH! Sobrang liwanag.

"Jinyoung! I love you!" 

--

Napabalikwas ako ng marinig ko ang tunog ng alarm clock. Agad akong napahawak sa ulo ko, ang sakit kasi. Hindi naman ako uminom kagabi. 

Pagkadilat ng mga mata ko, tinignan ko agad ang lugar kung nasaan ako. 

Nandito ako sa kwarto ko. 

"Panaginip lang pala."

Victims of Fate [JinJi FanFic] [Jinyoung x Jisoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon