KAPITULO SAIS:

681 14 13
                                    

Napayuko ako ngayon pakiramdam ko kasi parang umiinit yung mukha ko.  Kinain ko naman yung inabot niya sakin. Wahhh, ang sharapppppp!.

*^_^*.

"Masarap ba?" tanong nito dahilan na tumingin ako sa kanya. Tumango lang ako kasi di ako makapagsalita dahil puno yung bibig ko dahil sa pagkain. "Ang dungis mo pala kumain, Inday" nakangiting sabi nito sa'kin. Tumayo ito at yumuko, ginamit niya ang hinlalaki upang pinusan niya ang dumi na nasa gilid ng labi ko. Napatulala ako. Ano bang nangyari saiyo? Naka drugs kaba? Bat ka nagkaganito sa akin? Dapat nga masungit ka.

"Ohh? Bat natulala ka dyan?" bumalik ako sa realidad. Nilunok ko muna ang pagkain bago ako nagsalita.

"Naka drugs ka ba?" biglang tanong ko sa kanya. Bigla naman ito tumawa. "Grabe ka naman" sabi nito.

"Anong bang nakain mo?" Tanong ko uli sa kanya.

"Pagkain malamang" pilosopo pagkasabi niya. Umupo na ito at naka cross arms sa harapan ko. Napataas naman ako ng kilay. "Wag ka ngang tumingin sa'kin ng ganyan" sabi niya.

"Eh? Natural naman itong tingin ko ahh" walang emosyon na sabi ko. Tinuloy ko na ang kumain. Habang siya ay nakatingin sakin. Di ako sanay na tinitignan ako kaya pinabagal ko nalang ang kumain hanggang matapos ako. Tumayo na ako at nagbow sa kanya.

"Salamat pala Young Master" nagpapasalamat ko sa kanya.

"Wag na ngang Young Master, Master Keir nalang ang haba pa kapag may Young pa" paliwanang nito. Tumango ako.

"Una na ako, good nyt Master Keir" tuluyan na akong umalis sa kanyang harapan pero nagulat ako ng bigla niya hinawakan ang kamay ko. "Hmm?" Tumingin ako sa kanya na may halong tanong. Bigla naman siyang tumayo at niyakap ako na siya ring pagkagulat ko.

"Ano bang nagyari sa'kin, di naman ako nagkagaganito sa iba" biglang sabi niya habang ako ay nagkikinig sa kanya.  "Di ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko kapag nasa harapan kita" patuloy na sabi nito. "Siguro Mahal na yata kita Inday" sabi nito sa'kin. Bigla naman akong nagulat. 

"Nagbibiro ka lang ba? O nakainom ka lang? paninigurado ko. Inaamoy ko naman siya Di naman siya nakainom.

"Nope! Di ako nakainom Inday" bumuntong hininga muna siya. "I donno kung bakit ako nagkagaganito sa isang katulad mo. Oo, Playboy ako sa paningin mo pero kahit madami na akong babaeng kasama o should ay say Girlfriend di parin makukupas na ikaw yung hinahanap ng puso't isipan ko Inday" siguradong sabi niya. Habang ako ay gulat parin. "When I saw you at office to my mom, biglang tumigil ang ikot ng mundo ko yung pagtawa mo at yung ngiti mo sa tuwing nakikita ko sa malayo na kasama mo yung iba pang kasambahay. Alam mo ba na palagi ko yan hinahanap kapag kasama kita kaso palagi ka kasing naka poker face kapag nasa harap mo ako eh" malungkot na sabi nito sa'kin. Di parin ako nakapaniwalang sa sabi niya sa'kin. Ba't nga ba ito sinasabi sa'kin? Nag sabi iyan saiyo na may feelings siya saiyo Inday kaya wag kang  manhid Inday.  "Inday? O should I say Analie Dalab?" Sabi nito. Pumiglas sana ako sa pagkayakap niya sa'kin kaso pinigilan niya ako. "2 minutes, just 2 minutes" pakikiusap na sabi nito sa'kin. Di naman pumalag ang katawan o sistema ko para di sumangayon sa gusto niya kaso itong katawan ko biglang nanigas at bigla naman bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ano bang nangyari sa'kin? Puso wag kang baliw diyan baka marinig ka niyan. Suway ko sa sarili ko.

HE'S MINE NOT YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon