Chapter 3: Plan
[Caleb Point of View]
"Hoy Caleb anong balak mo dun sa classmate nating nerd?" Tanong sakin ni Ian
"What do you mean Ian?" I asked
"Ang ibig kong sabihin, what if pagtripan natin yung nerd." He said. What the pagtripan?
"What kind of trip?" I asked
"Make her fall in love with you" Ian said, what the fuck na shocked ako sa sinabi nila. Bakit yun pa?
"Oo nga pre." They all said
"What? Are you all kidding?" Pasigaw kong tanong sa kanila
"Were not kidding." Elton Replied
"Seriously!! Ako papatulan yung nerd? No way!!" Sigaw kong Sabi
"Bakit takot ka ba?" Turan nila sakin
"Ako matakot? Kilala niyo ako mga bro, Wala akong kinakatakutan." Pa-alala ko sa kanila
"Ehh we don't have a problem, Make her fall in love with you then when she fall in love with you. Break her heart." Elton said
"I don't want!" I replied
"Sige ba bro pumayag ka na." Sabi nilang lahat
"Pag sinabi kong ayaw ko, AYAW KO!!" Sigaw ko sa kanila
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang kasi baka ikaw ang ma fall in love sa kaniya." Elton said. Hinahamon niya ba ako
"Me! Fall in love with her, NO WAY!" I replied
"Kaya nga bro trip lang, Kaya pumayag ka na." Trent said
"Okay, payag na ako. Trip lang huh." I said
"Oo bro" silang tatlo
~~~~~~~~
[Aimie Point of View]
Nang natapos na ang klase pumunta kami ni Wayne sa cafeteria para mag lunch. Simula kasi nung nagusap kami palagi na kaming sabay kumain. Sa una akala ko weird siya pero nagkalami pala ako, palasalita nga siya minsan nga parang baliw. Siya lang ang nakilala kong lalaki na mabait.. He treat me like he's sister.
"Aimie" tawag sakin ni Wayne. Kaya naman napalingon ako sa kanya.
"Oh Wayne! Bakit?" tanong ko sa kaniya
"Wala lang, gusto kasi kitang makasama." wika nito.
Palabiro talaga siya, kahit anong sabihin niya napapangiti ako bigla.
"Hahaha, Grabi sa trip huh!" Tawa ko sa kaniya na ikinangiti naman nito.
"Hahaha! Nagbibiro lang ako." Tawa nitong sabi
Dahil sa kaniya naging tahimik ang buhay ko sa school hindi na ako inaaway ng mga bitches na yun. Pero may kinaiinisan ako. Yung Caleb kasi na yun nagpapansin sa akin. Ano ba nakain niya? Hindi ko makuha ang tyansa ng ugali nito. Animo'y hindi niya napapansin na naiinis na ako sa kanya.
"Hi Aimee!" Bati niya sakin sabay ngiti ng malapad.
"Hi, din" sagot ko sa kaniya
"Pwede ka ba mamaya?" Tanong niya nito na ikinakunot noo ko naman.
" Bakit?" balik kong tanong sa kaniya
" Wala lang, gusto ko sana sabay tayo mag lunch. Kung p'wede?" tanong nito
"Pasensya na may kasabay na kasi ako." sagot ko sa kaniya sabay harap sa katabi ko
"Okay lang, sa susunod na lang." sagot nito sabay ngiti, isang fake smile.
Oh! Tingnan ninyo. Sinong hindi maiinis sa kanya. Hindi ko pa nga siya masyadong kakilala kung makipag-usap sakin parang taon na kami nagkakilala.
~~~~~
[Elton Point of View]
Nasa hide out kami ng biglang...
"Oh Caleb bakit nandito ka?" tanong sa kaniya ni Trent.
"Oo nga, bakit ka nandito? Hindi ba nasa room ka para kausapin si Aimie." pagsangayon ko naman.
"Umalis ako dun. Nabadtrip kasi ako." sabi nito sabay balibag ng bag bag niya sa lamesa.
"Bakit bro?" tanong naman sa kaniya ni Ian
Huminga muna ito ng malalamin bago sumagot.
"Hindi kasi siya pumayag mag lunch nang kaming dalawa." sambit nito. Kita ko sa kaniyang mata na malungkot siya. Sabi ko na nga ba may gusto siya kay nerd. Hindi niya man pinapahalata sa kilos pero base sa reaksyon ng kanyang mga mata nandoon nakatago ang pagtingin niya sa dalaga.
"Ha? Bakit naman?" hindi makapaniwalang tanong ng iba.
"May kasama na daw siya." malungkot nitong sabi.
Hayst! Sa tingin ko kilala ko na kung sino ang kasama nito. I'm sure siya yung madalas na kausap ni Aimie sa garden.
"Sino naman? Hindi ba wala naman siyang boyfriend?" takang tanong ni Trent sa kaniya
"Hindi ko nga alam, Kung sino yun." sagot nito sa amin.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at agad lumapit sa kanya.
Bigla kong hinawakan ang braso nito. "You know what Caleb, tigilan mo na ang pagtatago ng feelings mo sa kanya. Alam namin na may gusto kana sa kanya." saad ko sa kanya na ikinakunot noo nito bigla.
"What do you mean by that? I don't like her Elton. That's part of our bet, you supposed to be know that."
"I know, but base on your eyes. I saw the love." i said to him
"Enough, Elton! Kung ano man ang nakikita mo that's only your imagination. I don't love her." diin nitong sabi sa salitang I don't love her.
Bigla ko na lang naitaas ang dalawang kamay ko na nagsisimbolo na okay na.
"Okay! Fine! It just my imagination."
Iniwan ko na sila sa sala at umakyat na sa kwarto. But for me, i know she already like her.
BINABASA MO ANG
A Gangster Fall In Love To A Mysterious Nerd (COMPLETED) Under Editing
JugendliteraturMeet Ayra Park, isang simpleng babae na gusto lamang maging tahimik ang buong kapaligiran. Ayaw sa maiingay na lugar, bookworm. Isang araw napagpasayahan ng kaniyang magulang na pumasok siya sa isang paaralan na hindi niya alam pagmamay-ari niya pa...