Chapter 6: Ayra's Kidnapper

1.1K 43 0
                                    

Chapter 6: Ayra's Kidnapper

[Ayra Point of View]

Palabas na sana ako ng gate ng may biglang sumingit sa paguusal namin ng guard. Nagulat na lang ako ng makilala kung sino ang taong yun. Siya si Jacob Festin ang isa sa manliligaw ko, hindi siya tumitigil sa kakaligaw.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako sa pilipinas?" Gulat kong tanong sa kaniya, tumakas na nga ako sa kaniya sa korea tapos malalaman niya na nandito ako!

"Hindi mo ako matataguan young lady!" Sagot nito

"Tsk, anong ginagawa mo dito?" Balik kong tanong sa kaniya

"Gusto lang kitang makita bago ako bumalik ng korea." Sagot nito, kung ganoon babalik siya? Mabuti na yun mabawasan naman ang problema ko. Isa kasi siya sa problema ko.

"Ah okay, magiingat ka huh! Sige alis na ako." Sabi ko sabay talikod sa kaniya kaya lang agad niyang hinawakan ang kanang kamay ko.

"Kaya lang nagbago ang isip ko, hindi na ako uuwi ng korea nakita na kasi kita." Wika nito na ikinagulat ko! What the!! Hindi ito pwede!!!

"Jacob! Alam mo kung iniisip mo na may pag-asa ka sa akin, pwes wala may nagmamayari na ng puso ko." Sabi ko sa kaniya

"Wala akong pakialam Ayra basta gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang" wika nito, baliw ba siya? Hindi niya ba ako naiintindihan?

"Alam mo Jacob umuwi ka na, may gagawin pa ako." Sabi ko sabay tanggal ng kamay niya na nakahawak sa kamay ko

"Ayra alam mo mahal kita kaya lang kailangan ko itong gawin." Sabi niya sabay takip ng bibig ko na may panyo, shit!! May pampatulog... Hindi ko dapat masinghot ang amoy makakatulog ako nito. But.. I can't... Tuluyan ko ng naamoy ang pampatulog na nilagay niya sa panyo at agad ng nawawalan na ako ng malay bago yun narinig ko na lang na may tumawag sa pangalan ko at tuluyan ng nawalan ng malay..








~~~~~~~

[Caleb Point of View]

Nagulat ang lahat sa kanilang nalaman na ang sinasaktan nila ay isang Ayra Park pero hindi ako nagulat dahil umpisa pa lang alam ko na, na siya si Ayra Park. Habang gulat pa ang lahat, biglang tumakbo palabas ng room si Ayra kaya agad namin siyang sinundan maging ang inutusan ng mommy niya na magbabantay sa kaniya ay hinabol din siya. Mabilis palang tumakbo si Ayra, hindi na kasi namin siya makita. Shit!! Nasan na siya?

"Caleb! Maghihiwalayhiwalay tayo, hanapin niyo si young lady. Hindi siya pwedeng makalayo, nasa panganib siya." Wika ng bantay ni Ayra sa akin

"Okay," sagot ko na lang kaya agad akong tumakbo papuntang gate, tiyak na aalis siya ng campus para makapag-isip-isip.

"Caleb!! Saan natin hahanapin niyan si Ayra! Kung nakalabas na siya ng campus?" Tanong ng kasama kong si Elton, siya ang kasama ko kasi maasahan siya.

"Hindi ko alam, basta hanapin na lang natin siya." Sabi ko sabay takbo patungong gate, kaya lang hindi pa kami nakakalapit sa gate ng makita namin si Ayra na may kausap. Agad kaming nagtago ni Elton at pinanuod kung silang magusap. Familiar ang lalaking kausap niya.

"Ah okay, magiingat ka huh! Sige alis na ako." Sabi nito (Ayra ) sabay talikod sa kausap niya kaya lang biglang hinawakan ng lalaki ang kanang kamay niya at pinaharap siya

"Kaya lang nagbago ang isip ko, hindi na ako uuwi ng korea nakita na kasi kita." Wika ng lalaki kay Ayra na ikinagulat nito

"Jacob! Alam mo kung iniisip mo na may pag-asa ka sa akin, pwes wala may nagmamayari na ng puso ko." Wika ni Ayra sa kausap niya, sino kaya ang nagmamay-ari na ng puso niya. Sana ako..

"Wala akong pakialam Ayra basta gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang" wika nung Jacob, baliw na ba siya? Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ni Ayra sa kaniya.

"Alam mo Jacob umuwi ka na, may gagawin pa ako." Pagpapauwi ni Ayra sa Jacob na yun, sabay tanggal ng kamay ni Jacob na nakahawak sa kanang kamay niya

"Ayra alam mo mahal kita kaya lang kailangan ko itong gawin." Sabi niya sabay takip ng bibig ni Ayra na may panyo, shit!! May pampatulog... Hindi dapat niya dapat masinghot ang amoy makakatulog siya. Walang hiyang lalaking yan.. Tinitigan ko pa si Ayra bago lumabas sa tinataguan namin ng mapansin kong Tuluyan ng nawalan ng malay si Ayra. Kaya agad kung sinagaw ang pangalan niya.

"Ayra!!" Sigaw ko kaya napatingin sa akin ang kausap niya, hindi na ako nagaksaya ng oras tumakbo na ako patungo sa deriksyon nila at agad kong hinawakan ang kamay ng lalaki.

"Sino ka ba?" Tanong nito

"Tsk, wala ka ng pakialam kung sino ako, basta ibigay mo sa akin si Ayra!" Sabi ko ng nakalapit na ako sa kaniya

"Hindi ko ibibigay sayo ang babeng ito,." Wika nito, kaya sinapak ko siya ng malakas sa mukha kaya nabitawan niya si Ayra na agad naman nasalo ni Elton.

"Elton, ilayo mo na si Ayra dito. Ako ng bahala sa lalaking ito " sabi ko sa kaibigan ko

"Kaya mo ba yan Caleb?" Tanong nito

"Sige na ilayo mo na si Ayra, ako ng bahala sa tarantadong ito." Sabi ko sabay harap sa lalaking muntikan ng kumidnap sa Ayra ko.

"Tsk, ibalik mo si Ayra kung ayaw mong masaktan." Sigaw nitong sabi sabay ataki sa akin, kaya lang isang putok ng baril ang aking narinig. Kaya napatingin ako kung saan nagmula iyon.

"Jacob Festin! Tigilan mo na ang kabaliwan mo! Hindi mo pagmamay-ari si miss Ayra! Engaged na siya sa lalaking mahal niya kaya tigilan mo na ang ambisyon mong maging kayo. Dahil hindi na mangyayari yun." Bungad na sabi ni Andy (bodyguard ni Ayra) kaya napatingin si Jacob sa likuran niya

"Andy!!" Sabi nito bago nawalan ng malay,

"Anong ginawa mo? Pinatay mo ba siya?" Gulat kong tanong sa kaniya

"Tsk, don't worry pampatulog lang yan, mamaya magigising na rin yan." Sagot nito, akal ko napatay niya na.

"Salamat naman" sabi ko

"Caleb!!" Tawag ni Elton sa akin habang buhat parin si Ayra

"How is she?" Tanong ni Andy

"Nakatulog lang siya dahil sa tinakip sa bibig niya ng Jacob na yan" sagot ko sabay turo sa tulog na Jacob

"Ah ganun ba? Mabuti pa iuwi na natin siya habang hindi pa siya nagigising tiyak na magwawala yan." Wika nito (Andy)

"Mabuti pa nga, ako na ang bubuhat sa kaniya." Sabi ko sabay kuha ko kay Ayra na buhat ni Elton

"Black Moon Gang, kailangan niyong sumama sa akin pabalik ng mansyon. Nais kasi kayong makausap ng mommy ni miss Ayra." Wika nito, kaya napatango na lang kami

"Wala nama kaming gagawin kaya sasama kami." Sabay sabi ng mga kaibigan ko. Bakit kaya gusto kaming kausapin ng mommy ni Ayra? Kinakabahan ako huh!!

💕💕END OF CHAPTER 6💕💕
Thank you for read this..
Next chapter will be posted soon..
Follow me on Wattpad..

A Gangster Fall In Love To A Mysterious Nerd (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon