Simula

8 0 0
                                    

Bakit may mga bagay na hindi mo kayang makontrol?


Kagaya ng hangin na huwag tumama sa buhok para huwag sumabog sa mukha mo?


Gaya ng pagkauhaw sa panahong naiihi ka na rin?


Kagaya ng biglaang pag sagap ng hangin na puro pollution?


Hindi mo makontrol na huwag pawisan yung kamay mo kasi kakanta na ng Ama Namen at maghahawak hawak na kayo ng kamay?


Minsan naiisip ko wala bang makaka-imbento ng teknolohiya o ng kung anong bagay na kapag ayaw mo na gamitin mo lang yun, okay na. Kapag gusto mo na itigil, gamitin mo ay okay ka na ulit? Kasi minsan ang hirap lang din isipin o tanggapin na yung mga bagay na ayaw mo ay nangyayare sayo? Oh yung bagay na gusto mong mangyare sayo, e, ayaw mangyare?


Bakit kailangan pang maging kumplekado ang lahat kung sa huli, magiging maayos at masaya lang din naman ang lahat?


Bakit kailangan pang masaktan? Malungkot? Magalit?


Napakumplekado ng mundo. Napakumplekado ng lahat.


Kailan ba 'to matitigil? Kailan ba masasabing okay na ang lahat? Kailan ba matutuldukan ang walang hanggang sakit? Ang walang hanggang pag-asa sa parang wala naman?


Minsan naiisip ko na ang bata ko pa naman para dito? Para mahirapan ng ganito dito? Hindi ba pwedeng masaya lang?


Parang gusto ko na lang maging bata na naglalaro, ulit, yung tipong iiyak lang ako kasi hindi ako pinayagan lumabas ng bahay. Yung tipong iiyak lang ako kasi inagawan ako ng pagkain? Yung tipong malulungkot ka lang kasi umuulan at hindi ka makapaglaro? Yung iiyak ka lang kasi napagalitan ka ng Nanay mo kasi madungis ka? Ang sarap lang maging bata na walang ibang iniisip kundi ang makipaglaro lang? Ang mag aral kapag sinabi na ng Nanay mo. Ang matulog kapag oras ng syesta.


Habang palaki ka ng palaki at palayo ng palayo ang takbo ng buhay mo naalala mo na lang lahat ng yun na sana ganon ka na lang uli. Bata ka na lang uli. Kasi ang hirap pala maging matanda. Na nung bata ka gusto mo na agad lumaki para makapagtrabaho at mabili lahat ng gusto mo. Ngayon gusto ko na lang uli maging bata, walang problema at masaya lang.


Ganon din pala kabilis talaga magbago ang isip ng tao? Kapag ayaw na, ayaw na. Kapag inayawan ka na para ka na lang laruan na pinagsawaan. Pero atleast yung mga laruan na pinagsawaan ng mga bata nakatago, nakadisplay kahit ayaw na nila sakanila, pero ikaw na may sariling buhay parang basura o sirang gamit na dapat na lang iwan talaga. Hindi na nakikita ang halaga o wala na lang talagang halaga.

Pretty Lies, Ugly TruthsWhere stories live. Discover now