Kabanata II

0 0 0
                                    


"Ate, wake up. It's already morning, go wash and eat your breakfast." bungad ni Mama pagpasok nya sa kwarto ko.

Ugh! Hindi ako dapat nagpupuyat e. Ang sakit tuloy ng mata ko. Bakit kasi ang daming requirements kapag graduating student e. Ah de bale na lang malapit na mag December.

Bumangon na ako para makaligo at makakain na baka malate pa ako at makapag flag ceremony mag isa sa gitna ng field. Duh! Kakahiya kaya yon halos pagtitinginan ka kasi mag isa kang kakanta, manunumpa at mag exercise, de bale na lang kung may kasabay kang mga late din pero nakakahiya pa din.

7:30am nasa school na ako at nakagawian ko ng dumaan muna sa simbahan, katabi lang kasi yun ng school na pinapasukan ko. At kung sinuswerte ka nga naman pag kauwe mo kahapon Cj, papasok ka pa lang ngayon Cj na naman, yung totoo Cj month ba ngayon ng buhay ko? Walang katapusang poker face. Ugghh!!!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang lumiko na lang ako papunta sa gilid na gate, don na lang ako dadaan kesa sa main gate kahit medyo mas malayo yung gate na 'to doon sa classroom ko.

"Anong itsura yan? Agang aga parang pauwe na itsura natin ah? Haha" goodmorning greeting ni Tissa.

"Wow! Goodmorning ah? Isa ka pa din e nakakapanira ng umaga." singhal ko.

"Ay! May dalaw ka? Eto naman syempre biro lang. Bakit ba kasi agang aga e pawis na pawis ka na? San ka ba galing? Hindi ka pa naman malalate para tumakbo ka?" sabi nya.

"Sa east gate ako galing e." pagkibit balikat ko.

Nangunot ang noo nya sa sinabi ko. "Bakit don ka dumaan?"

"Wala. May dinaanan lang ako utos ni Mama." pagsisinungaling ko sa kaibigan ko kasi alam kong hindi nya ako tatantanan sa tukso kapag nalaman ang totoo kong dahilan. Nakakastress din na marinig name nya ha for 5 months. Pwede naman mag move on diba? Pero yung pride kong natapakan ayaw bumangon. Kakainis!

Naupo na lang ako at naghintay para sa flag ceremony.

Kriinggg!!!!!!

Hudyat na kailangan na namin lumabas para makapunta na sa field. Syempre 5 months ko na din silang nakikitang dalwa dito sa harap ko sa line namin, kung bakit ba naman kasi lahat ng 4th year e nasa gilid at nasa harap namin ang mga 3rd year. At kung bakit ba naman kasi hindi pwedeng makipagpalit ng tayo. Hays! What a sight every morning. Tapos maririnig mo pa ang minsanang panunukso ng mga kaklase mo sayo kasi alam nila yung sa inyo kahit 1 week lang naging kayo at ilang buwan syang nanligaw? Wow! Amazing diba? Sana pala di ko na lang sya sinagot at baka don pa kami tumagal. Malakas din kasi yata ang topak nung isang yun e.

"Tulala ka na naman dyan? Ganda ba ng view? Ang gwapo no kahit gago? Hahaha" pang aasar ni Tissa

"Gago na lang kahit wala ng gwapo." angil ko.

"Sus kaya ka nga nabihag diba? Saka mabait at sweet naman talaga pero gago nga." bulong nya kasi may mga dumaang teachers sa gilid namin.

Ugh! Gago talaga! Paasa!

Hindi na lang ako umimik at nagconcentrate na lang sa pamamanata. Hanggang natapos pero may mga announcements pa kasi malapit na ang intramurals, ang pinakahihintay ng lahat. Syempre favorite part ko din yun no? 1 week pa naman walang klase at audience ka lang sa lahat ng nangyayare. Haha. Hindi na nga ako maganda hindi pa ako sporty at higit sa lahat hindi rin katalinuhan. Pero atleast mabait naman akong anak, kapatid at kaibigan. Ako na lang din nagbuhat ng sarili kong bangka.

Lumipas ang mga araw na halos ganon ang set up makikita sila sa field tuwing umaga. Makakasabay palabas ng gate, sa canteen, sa kalye. Minsan nakakasabay ko pa sa trike at syempre sinisigurado kong hindi kami magkakatabi pero hindi sa araw na ito.

Damn! Sumakay sya at umupo sa tabi ko pareho kaming nasa loob kasi medyo umuulan kaya siguro hindi sya doon sa angkas naupo. Yung puso ko parang gustong lumabas sa kinalalagyan nya. Ayaw paawat sa pagtibok pero sige paawat ka at tiyak na dedo ako dito pero wag naman ganyan ka OA! Makatibok kala mo lalabas na ah? Kabang kaba e sinaktan ka nga yan. Kaya magtimo ka sa pagtibok mo para sakanya.

Damn!

Shit!

Bakit ba hanggang ngayon kinabahan pa din ako?

Bakit parang ako pa yung nahihiya e sya naman yung nanggago?

Ugh!

Nakakainis!

Ang malas naman ngayon!

Umuulan pa at wala akong payong!

Damn! Paano na ako neto?

Pagbaba ko pa naman ng trike kailangan ko pang maglakad ng eskinita papasok sa compound namin.

"Ehem!"

Oh! Sya ba yun? Napalingon ako sakanya to see na nakatingin sya saakin.

"Nagtext si Mama hanapin daw kita sa school to tell you na nandon sa bahay namin ang Mama mo. Doon ka daw bumaba saamin." diretso nyang sinabi at bumaling na ulit sa harap.

Oh great! Bakit ba medyo magkaclose si Mama ko at Mama nya? Ugh!

No choice! Doon ako baba kasi nandoon si Mama at wala din naman akong payong. Unti unti ng lumalakas ang ulan. Hindi pa naman ako pwedeng magkasakit kasi intrams na next week at ayaw kong magpahuli sa mga ganap doon.

Umalis na ang trike at gustong gusto na talagang lumabas ng puso ko at gustong gusto ko na lang din bumaba kasi hirap na hirap na ako dito kakasisiksik ng sarili ko para hindi man lang dumampi ang balat ko sa balat nya! Ugh! Bakit ba parang biglang lumayo yung bahay nila kahit mas una naman yung bahay nila ng ilang metro doon sa amin. Ugh!!

"Ang luwag bakit pinagsisiksikan mo sarili mo dyan? Ganon ka ba kagalit saakin para ni kahit dampi ng balat ko sa balat mo, ayaw mo?" may halong iritasyon sa tono nya.

Halos lumuwa ang puso ko sa narinig ko sakanya at pagkagulat sa bigla nyang pagsasalita.

"Ha?" nagtataka kong sagot

Ah!! Ang lame! Ughh!!!

"Tsk!"

Napatingin na lang ako sakanya hanggang dumating kami sakanila. Bumaba na sya at sumunod ako.

"Kuya, dalwa." sabi nya sabay abot ng bente pesos na bayad

"Uy. Ako na sakin." pag aalinlangan ko

Pero hindi nya lang ako pinansin at dumiretso sa gate nila.

Pretty Lies, Ugly TruthsWhere stories live. Discover now