Kabanata I

1 0 0
                                    

"Serenity!" Nilingon ko kung saan nanggaling ang tawag sa pangalan kong iyon.

"Bakit, Tissa?" Nagtatakang tanong ko sa kaibigan ko. "Bakit parang hingal na hingal ka? Saan ka naman nagmarathon?" Sunod kong tanong sakanya.

"Wala! Kanina pa kasi kita hinahanap nandito ka lang pala! Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka ba kakain sa canteen or tatambay sa lib?" Sunod sunod nyang tanong habang hinahabol pa ang kanyang paghinga.

"Hindi. Dito na lang muna ako ang presko kasi dito saka wala masyadong tao, hindi maingay!" Sabi ko.

"Sa lib din naman ah? Tahimik? Sus! Kunware ka pa, alam mo kasing nandon si Cj kaya ayaw mo don!" may halong mapang asar na ngiti ang mukha nya.

Cj na naman? Eh, puppy love lang yun e. Hindi seryoso pero oo nasaktan din ako kasi puppy love ko e. Saka crush ko yun pero nakalimutan kong playboy nga pala talaga sya, kaya ayun halos isang linggong pag ibig ang nangyare.

"Hindi no? Saka pakialam ko don! Duh? It's been 5 months, ikaw dapat nagmomove on e." may kaibigan talaga tayong hindi makamove on sa sarili mong lovelife.

"Sus!" Umupo sya sa tabi ko.

Attissa Joy S. Aranton, kaibigan ko simula nang nag highschool ako, sya palagi ang nakakasama ko bukod sa seatmates kami e nag click kami sa isa't isa. Tahimik at medyo mababa ang self confidence, pareho kami, halos nagkakapareho kami sa mga bagay bagay.

"Pero alam mo sayang kayo, bagay kasi kayo e!" nagkibit balikat sya.

"Sus! Hanggang don na lang yun may bagong girlfriend na nga diba? Saka hayaan mo na, puppy love lang yun, wala yun no?" Sabi ko.

Pero kapag nakikita ko silang dalwa parang masakit kasi unang pag ibig mo yun e tapos ganon ganon lang, isang linggo ka lang masaya tapos the end na agad parang pinasabik ka lang. Siguro yung pride ko lang yung natatapakan kaya ako nasasaktan. Hindi ko sila kayang makasalubong sa campus, sa corridor, sa canteen, sa library, ni paglabas ng gate ayaw ko silang makita kasi parang ang awkward? Duh?! Naiinis ako! Kasi nga diba first boyfriend mo tapos tumagal kayo ng 1 week? Nakakagago diba? Yes, hindi ako ganon kaganda at kakinis pero babae naman ako. Hindi ko deserve yun no! Kaya kapag nakikita ko silang magkasama nakakairita!

"Tara na nga lang sa library." Yaya ko sakanya kasi naenvade na naman nila ang isipan ko. Mabuti pang mag aral na lang tutal ay graduating na kami sa highschool at silang dalawa naman ay nasa 3rd year pa lang. Late pumasok si Cj ng isang taon kahit mas matanda sya saakin. At thank God kasi hindi kami magka-year, mas nakakainis.

"Okay. Let's go!" Agad din naman syang tumayo at sumunod saakin.

Ang hirap naman kapag graduating ka na. Ang daming gastos. Ang daming etse buretse! Ang hassle pa kasi treasurer ka ng klase. Every morning ang panget mo sa harap nila kasi ba naman imbes na mag goodmorning ka, e, ang linya ko palagi 'Bayad mo' o kaya 'May babayaran tayo' o diba? Di ka na nga kagandahan, ganon pa ang every morning role mo. Imbes na ngitian ka kasi good mood sila e mababad mood sa kakasingil ko? Jusko! Ang daming hassle!

Naputol ang pagkainis ko sa utak ko ng sikuhin ako ni Tissa. At may nginunguso sa unahan namin.

"So, totoo ang balita na break na sila ng pinalit sayo! At may iba na syang prospek? Hmm! Magaling! Playboy nga!" Nanliit ang mga mata nya habang nakatingin sa nasa unahan namin.

"Bakit updated ka? Fan ka ba nya? Kasali ka ba sa fans club nya?" Bahagya akong natawa sakanya. Kaya umirap sya.

"Hindi no? Duh? Alam mo naman ang tsismis may pakpak." Umirap uli sya.

"So, bakit? Anong nangyare?" Magtsitsimis ka na lang din so dapat alam mo lahat.

"Nanawa na daw!" Muli syang umirap.

Hindi ba sya nahihilo kakairap?

"Ohh!" Yun na lamang ang lumabas sa bibig ko at iba na lang ang usapan.

"So, balita ko may date ka kahapon?" Sya naman ang pinanliitan ko ng mata.

"Date ka dyan!" Umirap na naman sya. "Nagkasabay lang kami sa trike kasi iisa lang yung way namin no? Plus, di ko sya type!"

"Wala pa naman akong sinasabing pangalan ah? Sus! In denial masyado!" Sabi ko.

"Ay nako! Maria Senerity J. Asuncion, magtigil ka dyan! It's a no, no! Saka alam ko mga ganon styles, saka sa itsura kong 'to? Asa pa ako no? Kaya habang wala pa, wag ng umpisahan para wala din matatapos na lang bigla." Sabi nya

Para naman tinamaan ako don?

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad papuntang gate para makauwe na. Magkaiba kami ng way e, kaya ngayon mag isa na lang akong naglalakad at kapag buenas ka naman. Look who's coming? Cj Morales, ang gagong ex pupply love ko. Ugghh!! Iiwas ba ako o poker face na lang? Syempre, poker face ka na lang wag ka papahalata, wag ka papatalo.

Lakad. Lakad. Lakad. At nilampasan nya lang din ako. Ang assuming ko din nga pala. Syempre wala na yung pakialam nagkagirlfriend na nga diba? Tapos may bago na uli. Asa pa ako. Asang asa pa ako.

Ugghhh!! Kakainis!! One day, ikaw naman ang hindi mapapakale! Ikaw naman! Itago mo sa bato!

Pretty Lies, Ugly TruthsWhere stories live. Discover now