Ang buhay, parang lotto lang 'yan. Minsan mananalo ka madalas hindi, pero taya ka pa rin nang taya. Hindi nawawalan ng pag-asa na baka balang araw, makamit mo 'yong jackpot. Makuha yong matagal mo ng hinihiling at ipinagdarasal.
Anong tuwa kapag nakuha mo yong nais mo diba?
Pero mahirap ang sumugal. Lalo na't kung hindi pa nagsisimula ang laban ay talo ka na.
Parang sa pag-ibig lang. Ikaw at 'yong gusto mo, habol ka nang habol kahit alam mo na hindi naman ikaw ang gusto. Alam mo na ang totoo pero umaasa ka pa rin na balang araw ay magkakaroon ng salitang 'kayo'. Na baka one day isang araw, mabago mo siya at mahulog din siya sayo. Delulu era ang ante mo.
Si Purita ay puno ng pag-asa sa buhay. Feeling depress lang, sabay nga kasi sa uso, pero laban lang. Patuloy na lalangoy, tatakbo, at gagapang.
Sa panahon ngayon, 'di makakaila na itsura talaga ang basehan kahit anong galing mo sa ibang bagay. Kahit may talent ka, matalino ka— kung mataba at panget ka, lenggwak ka. Araw-araw na dinadamdam ni Purita 'yan. Mula noong elementary hanggang sa paghahanap ng trabaho. Hirap na hirap si Purita noon i-build ang kaniyang self-confidence lalo na sa isang environment kung saan lahat ng tao'y nangmamata at may mapuputak.
Pero dahil napagtanto niyang hindi naman niya mababago ang paningin ng iba at hindi siya magbabago para sa iba, pinalaya ni Purita ang sarili niya at ngayo'y isa ng— syempre Purita pa rin.
Kaya kung akala mo ikaw na ang pinaka-depress sa mundo, think twice, better think thrice 'cause Purita is coming for extra rice!
~•~
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Author's Note: Hello po! Please bear with me and the story, I just really wanna share my imagination with you guys. Hope you'll like Purita! Thank you for checking in!
2023
BINABASA MO ANG
Fortunately Unfortunate Life of Purita
HumorAno ba ang pakiramdam kapag na sa 'yo na ang lahat? Hindi yong kanta ni Daniel Padilla ha. Kundi yong ganda, talento at pamilya. Pakiramdam na tinitingala ka ng iba, hinahangaan ka- at may kasama ka. Si Purita ay isang sosyalerang piggy. Kumbaga sab...