Purita's POV
Dahil walang tubig at walang magandang bagay na nangyayari sakin ngayong araw, I agreed to go out and mag-arjud (magpaganda). Isa pa, baka malungkot ang mga tao dahil wala silang makikitang dyosa bago matulog.
Don't worry my dears! I am here!
Purita! To save your dreams!
"T@/:*?,$ng bangungot yan!" sigaw ni Boknoy.
Amputcha! Sa labas ng pintuan natulog yong putakteng unggoy!
Tinignan kong muli ang napakaganda kong repleksyon sa salamin and nag-selfie with peace sign. Nakasuot ako ngayon ng white halter top at dolphin short.
Pak! Sino ka diyan!
Aura! Sabay plump ng aking kissable lips. Mwah!
I grabbed my chanell purse and opened dadoor. Bumulagta ang chanak na si bukbok kaya naman hinila ko ito sa paa palabas ng apartment.
Amputcha! Kumakain pa ba to? Mas mabigat pa ang isang galon ng tubig sa kumag na to.
Ni-lock kong mabuti ang aking beautiful apartment. With multiple locks and traps and maze. Mahirap na baka manakawan no! Wag ang bahay ko, pero ang puso ko pwedeng-pwede. Ehe.
Malayo palang ako sa bilihan ng mga pagkain pero singhot na singhot ko na ang gusto kong lantakin ngayong gabi.
"Tiya Sariiiiiiiiii!!" at nang mahanap ko ang kaniyang pwesto ay dali-dali akong tumakbo sa tindahan nila.
Bigla naman naging aligaga si Tiya Sari nang makalapit ako sa ihawan nila.
"Ubos na." bungad nito sakin at inililigpit lahat ng paninda.
"Tiya naman! Why are you that to me?!" kumuha ako ng plato at nagsimulang dumampot ng mga isaw, dugo, paa ng manok, balingit, barbecue, at abnoy.
"Hay nako, Purita. Sa pagkakatanda ko ay sa mga sari-sari store na tindahan lang pwede mangutang hindi sa ihawan. Ako'y nalulugi sayo e!"
Tumingin ako kay Tita at ngumiti.
"I know right, Tita! But Tita is your name Sari right! So, it's Sari's Tindahan!"
"But hey hey yo! Purita grabe naman kasi lugi sayo ni Nanay e. Mantakin mo, halos ikaw nga nakakaubos ng paninda pero hindi ka naman nagbabayad. Kailan mo balak bayaran mga utang mo?" bungad ni Sanpri at kinuha ang mga plato ng orders ko.
"Ako bahala, Sanpri. Oh, wait! Nasan si Donpri?" saad ko at kumuha ng upuan para umupo sa likod ng ihawan.
Amputcha! Bakit ba kasi ako tumakbo kanina? Parang lumaban ako ng triathlon dahil tagaktak din ang pawis ko.
My gad! Hulas na hulas na ko kakalabas ko lang!
"Nandon sa kanto nakikipaglaban ng lato-lato" sagot ni Tiya Sari habang nagpapaypay ng mga inihaw.
BINABASA MO ANG
Fortunately Unfortunate Life of Purita
ComédieAno ba ang pakiramdam kapag na sa 'yo na ang lahat? Hindi yong kanta ni Daniel Padilla ha. Kundi yong ganda, talento at pamilya. Pakiramdam na tinitingala ka ng iba, hinahangaan ka- at may kasama ka. Si Purita ay isang sosyalerang piggy. Kumbaga sab...