Purita's POV
"Wow! Ang ganda pre!"
"Witwiw! Kinis ah!"
"Miss tatanong mo ba kung anong oras na? Heto numero ko oh, bibigay ko lahat ng oras ko sayo"
"Pakwan! Coca-cola beybe"
"Miss! Langka ka ba? Kasi langkatulad kagandahan mo!"
"May boyfriend ka na ba Ganda?"
"Saan ka nakatira Miss?"
Hay nako! Mga lalake talaga, sa una lang magagaling. Akala mo naman kinagwapo nila 'yan, e mukha namang mga hito. Maglaway kayo sa kagandahan ko mga unggoy!
Inirapan ko sila with my Maybelline Lash Stiletto Ultimate Length Mascara on fleek at tinuloy ang pagrampa with poise kahit tirik na tirik ang araw, gamit ang red-under stiletto ko na Louboutin.
"ano ba naman yang nakaharang na jollibee di ko tuloy makita si chikababes" rinig kong bulong ng isang tambay sa mga tropa niya.
"Hoy! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!"
Biglang natigil ang pagpapantasya ko ng mabunggo ako sa kariton na tulak-tulak ni manong. Natapon ang iniinom kong buko juice sa bagong bili kong Louis Vuitton bag from DV-Sorea.
"Ahhhh! Manong kita mo 'yong ginawa mo sa bag ko! Look! My gad manong! You not look on the way ha." Kumuha ako ng tissue sa bag at dali-dali pinunasan ang basang parte ng bag. My gad, i hope this dry!
"Neng, ikaw 'yong hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Kita mo ba riyan?"
Bumaling ako kay Manong at sinundan ng tingin ang tinuro niya.
Tinuro niya ang espasyo sa gilid ng kalsada na may mga naglalakad na tao. Alangan namang alien?
"Sidewalk tawag diyan Neng. Oh, heto nakikita mo ba 'yan?"
Sabay turo sa kabilang direksyon na may mga dumadaang sasakyan.
"Kalsada tawag diyan Neng. Naglalakad ka sa kalsada. Muntik ka na nga mahagip ng jeepney kanina Neng. Sila pa kailangang umiwas sayo dahil baka 'pag nabunggo ka, 'yong jeep pa magkaroon ng sira"
"What? Why you not sabi before earlier? Masasagasaan pa ko dahil sayo manong e. At isa pa, hindi naman ako gano'n kataba manong ah! How dare yours!" pairap kong saad kay Manong at dali-dali naglakad, with poise, papuntang sidewalk.
"Ewan ko sayo Neng" sabi ni Manong na iiling-iling, sabay tulak sa kariton niya papalayo.
Tinignan ko ulit ang bag ko na nabasa dahil sa buko juice. Nakng! Paano na 'to ngayon? Ang mahal-mahal din nito 'no. This is very expensive! I got this for 450 hundred dollars pesoses without return/refund! This is so nakakainis ha!
Tapos sasabihin pa ni Manong na 'yong jeep pa magkakasira kapag nabangga ako? Excuse him?! 'di naman ako gano'n kataba ah! 105 kg lang ako.
Hays! This is my worst day of my day!— Everyday? Life? Ah! Basta, ang malas ko ngayong araw.
***
Asan ba kasi 'yong susi ko rito? Nilagay ko lang 'yon dito sa bag ko e. Hala! Baka naman naiwan sa luma kong bag doon sa DV-Sorea.
Pilit kong inaalala ang what happened earlier and my gad! I can't remember. My brain is not braining anymore!
Umupo ako sa tabi ng pintuan at napatingin sa doormat kong sira-sira na.
"Nakng! Dito ko pala 'yon tinago kanina"
Kinuha ko ang susi sa ilalim ng doormat to open dadoor.
"Love! I'm home na!"
BINABASA MO ANG
Fortunately Unfortunate Life of Purita
MizahAno ba ang pakiramdam kapag na sa 'yo na ang lahat? Hindi yong kanta ni Daniel Padilla ha. Kundi yong ganda, talento at pamilya. Pakiramdam na tinitingala ka ng iba, hinahangaan ka- at may kasama ka. Si Purita ay isang sosyalerang piggy. Kumbaga sab...