Chapter 2
I'm right. Masama talaga ang ugali ng babaeng 'to. Pangiti-ngiti pa siya kahapon. Tss. Kung plastic ako, mas plastic siya.
"Ms. Gonzalez, I'm very disappointed with you. Bago ka palang dito pero ganyan na ang attitude mo." sabi ng Guidance Counselor namin kay Minn, the transfer student.
Nandito kaming apat ngayon sa office ng GC. Yes, apat. Kasama si Kevin pati na rin si Gianna, yung sinampal ni Minn. Bakit kasama si Kevin? Well.. He's the President of the SC kaya it's a must na kasama siya. Siya rin yung nakakita sa kasamaang ginawa ng transferee na 'to.
"But!" before she could protest, nagsalita na agad ang GC.
"I don't need your explanation, Miss. The President of SC saw it. The VP also saw what happened, right?" sabi niya sabay tingin sa akin. Tumingin din sa akin si Minn na parang nagmamakaawa na 'wag kong sabihin ang nakita ko.
Plastic.
"Uhm... Yeah. I saw it too." sagot ko. Nagulat naman si Minn.
"See? So you deserve a punishment, Miss. Clean the vacant room tomorrow. Nasa 3rd floor yun."
Mahinahon ang boses ng GC pero malalaman mo na seryoso siya sa sinasabi niya.
"You may all leave."
Padabog na umalis si Minn. Yung babae naman na sinampal niya, dahan-dahang umalis.
Hindi ko maiku-kwento ang buong pangyayari. Basta nadatnan ko lang si Gianna na umiiyak habang hawak-hawak ang pisngi. Nakita ko si Kevin kaya tinanong ko kung ano ang nangyari. Sabi niya sa akin, habang naglalakad daw siya sa corridor, naabutan niya si Minn na sinasampal si Gianna. Pumunta agad kami sa office ng GC para isumbong ang nangyari.
Nung nakalabas na kami ni Dark, nandun parin sina Minn at Gianna.
"You!" nagulat kami ng sumigaw ang transferee. Tinuro pa niya si Gianna.
"What?" bored niyang tanong.
"Ikaw ang may kasalanan nito! Bitch!" galit na sigaw ni Minn. Ngumiti naman si Gianna. Hindi yung ngiting totoo. Ngiting nang-aasar.
"Bitch ka rin! Pinatulan mo ako eh. Besides, you deserve it!" sabi niya sabay lakad palayo.
Jeez. I almost forgot that Gianna is one of the Queen Bees here. Kaya pala hindi nakapagtimpi si Minn.
"Damn that Queen Bee!" galit na sigaw niya sabay lakad din palayo.
"Light..." tawag ni Dark. Nasa tabi ko nga lang pala siya.
"Bakit?"
"Ah ano... Aish! Wala! Nevermind! Punta na ako sa next class ko." frustrated na sabi niya sabay lakad din palayo sa akin.
Palayo sa akin...
Parang ang lalim ng meaning. Tsk.
· · · · · · · ·
"Ano ba?!" galit na sigaw ko kay Minn.
'Ano bang problema ng babaeng 'to? Bigla nalang nanunulak!' asar na tanong ko sa isip ko.
"Bakit ka nagsinungaling?! Wala ka naman talaga kanina diba?!" sigaw niya rin. Malapit na siyang umiyak. Ugh. Weak!
"Nandun ako! Kaya nga kasama ako sa office eh! Tanga lang?!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I already reached my limit. Leche naman oh!
"Yan?! Yan ba ang totoong ugali mo, Mayumi?! Plastic ka pala eh!"
"Kung ako plastic, ano ka naman? Pangiti-ngiti ka pa kahapon! Sabi mo pa nga, Uhm... Mayumi? Can I borrow your extra pen? Nakalimutan ko kasi yung sa akin." ginaya ko pa talaga ang boses niya. Bwiset. "Now, sinong mas plastic?"
Nagsimula na ang bulungan sa room.
"How.. How could you?" umiiyak na tanong niya. Plastic nga naman.
"Kung wala ka ng sasabihin, padaanin mo ako. Paharang-harang ka sa daanan." seryosong sabi ko. Ayaw niyang umalis kaya tinulak ko siya. Serves her right.
"I thought na kaibigan kita!" sigaw niya pa kaya napaharap ako sa kanya.
"Ikaw? Magiging kaibigan ko? Hahaha." sarcastic din akong tumawa. She wants this. I'm just giving it to her. "Bitch, please!"
"Bagay yan sa kanya!"
"Oo nga! Walang kahit sino ang nagtatangkang lumapit kay Mayumi!"
"She's really the Queen of all Queen Bees here. I really admire her."
I'm Mayumi Ferrell. 18 years old. 2nd year college. Lahat ng tao dito sa school, sanay na sa ugali ko. Kahit GC or Principal pa yan. At ang ipinakita ko kanina... Yun ang totoong ugali ko.
Queen of all Queen Bees. That's what they call me.
· · · · · · · ·
"Really? You're really cool, Light!" natatawang sabi ni Dark. Nandito siya ngayon sa bahay namin. Nakikitambay.
"Anong cool dun? Tsk. She's getting on my nerves!" inis na sabi ko.
"That's what I like about you, Mayumi. Palaban. Hindi nagpapatalo. Kayang ipagtanggol ang sarili at ang taong malapit sa kanya." seryosong sabi niya.
"Walang halong biro?"
"Wala, Mayumi. Wala."
At dahil dun, namula ako.
'Why the hell are you blushing, Mayu?'
"Ahhh." ang tanging nasabi ko.
Maya-maya, umuwi na siya. Dun ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko kasi naiintindihan ang sarili ko kapag kasama ko siya.
"Ate!" tawag sa akin ni..Frost? Teka! Ang alam ko umalis siya kanina!
"Kailan ka pa bumalik?"
"Kanina pa. Sobrang kanina pa." nakangisi niyang sabi.
"Ha? Why are you smirking?"
"Don't mind me, Ate. Mas mabuti pang hindi mo malaman." sagot niya. Umakyat na rin siya sa taas.
Uminom ako ng tubig tapos nilock ko yung front door namin. Umakyat na rin ako sa taas. Pagkahiga ko sa kama, pumikit na ako.
"Bakit ba ako nag-blush kanina?" tanong ko sa sarili ko.
'Baka dahil sa sinabi ni Dark kanina na "that's what I like about you"' sabi ng isang boses sa utak ko.
Like....
"Gusto niya ako?"
What the? Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?
Nag-vibrate yung phone ko kaya kinuha ko yun. Argh. Naalala ko tuloy yung nangyari nung isang gabi. Yung text ni Dark na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Umiling agad ako. Hindi. Hindi pwede.
Binasa ko yun at nagulat ako sa text ni Frost.
From: Frost
Goodnight Ate ;) Keep on blushing while Kuya Kev's around!
"FROST FERRELL!!!!!!!!!!!!"
Shit. Kaya pala nakangisi ang kapatid ko kanina! Nakita niya akong namumula!
ARGH!!!!!
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
K/N:
You might wanna check out Section Eleven. May Enrollment chuchu dun. Hahaha. Just go to 'My Works' in my profile. Makikita niyo dun yung Section Eleven.
Chapter 3 will be posted on Sunday. I'm currently typing it today.
>Klein
BINABASA MO ANG
Dark and Light
Teen FictionOngoing. » Because everytime your world gets dark, I, as your light, will always be here for you. Book Cover by: @KawaiiMallows