DAL - {3}

4 0 0
                                    

Chapter 3

"Kapit kang maigi, Light. Bibilisan ko ang pagpapatakbo ng bike." sabi ni Dark sa akin. Sinunod ko nalang siya. 5 minutes nalang ang natitira bago mag-bell kaya walang panahon para umangal.

Maayos naman nung umpisa. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng bike pero hindi nakakatakot. Feel na feel ko pa nga ang hangin na tumatama sa mukha ko. Hanggang sa...

"DAMN IT, VIN! BAGALAN MO NAMAN!" sigaw ko.

"3 MINUTES NALANG ANG NATITIRA, LIGHT! 'WAG KANG UMANGAL DIYAN!" sigaw niya pabalik. Jeez. Napakabilis niyang magpatakbo!

After 1 minute, nakarating na kami sa school. Ganun siya kabilis magpatakbo. Sounds impossible, right? Pinarada niya yung bike niya tapos sabay kaming tumakbo papasok. Thursday ngayon at pareho kami ng First hanggang Last subject.

Pagdating namin sa tapat ng room, wala pa ang Prof. namin. Buti nalang. Pagkaupo namin, saktong dumating ang Prof.

"Good Morning Ma'am Cruzz." sabay-sabay naming sabi.

"Good Morning too, class. But before we start, I just wanna call the attention of Ms. Ferrell and Mr. Lim. Pinapatawag kayo sa Student Council." sagot sa amin ng Prof. Tumayo naman kaming dalawa.

"Alis na po kami." sabay naming sabi ni Kevin.

"Sige. You're both excused naman."

Habang naglalakad papuntang SC, nagkaroon ng matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa. Weird.

"Dark/Light" sabay naming sabi kaya napatawa kami.

"Ikaw muna. Ladies first nga diba?" nakangiti niyang sabi.

"Hmmm. Alright. Me first. Dark... What if lumayo ako sayo? Anong gagawin mo?"

Natigilan siya sa sinabi ko. Maya-maya, ngumiti naman.

"Bakit mo naman naitanong? Are you gonna leave me?"

"No. Naisip ko lang. You know.. Random thoughts." then I shrugged.

"Kung mangyayari man yun, Light, hindi ko alam ang gagawin ko. Importante ka sa akin. Sobrang importante at hindi ko kakayanin kung wala ka." sagot niya.

"O-kay. Ikaw naman. Ano yung dapat mong sabihin?"

"Bumalik na siya."

Shit.

· · · · · · · ·

"Yu... Let me explain."

"Tangna naman yan, Cliff! Ilang taon na ang nakalipas tapos babalik ka?!"

"Please naman. Hindi ko sinasadya."

"Umalis ka dito sa bahay namin! ALIS! LAYAS!"

"Damn it." mahina niyang bulong pero narinig ko. "Basta babalik ako!"

Pagkatapos, umalis na siya. Bumagsak na ang mga luhang ilang taon kong naipon.

"Clifton Gonzalez. Bakit bumalik ka pa?"

· · · · · · · ·

Napabangon ako bigla. Naalala ko na naman. Naalala ko ang nangyari 2 years ago. Bwiset.

Pumunta ako sa banyo para maghilamos. Bumaba naman ako pagkatapos.

So..  Nakabalik na pala si Cliff. Ang taong iniwan ako ng walang paalam. Ang dati naming bestfriend ni Kevin.

Pagkababa ko, may narinig akong dalawang boses. Isang babae at lalaki.

"Kuya! Katukin mo na! Dito siya nakatira!"

"D-dito?"

At dahil sa boses na yun, nagmadali akong bumaba. Binuksan ko ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko. Siya nga..

"Cliff and.." tapos napatingin ako sa babaeng kasama niya. Oh gosh. "Minn?!"

Shocks. Bakit ngayon ko lang napansin? Clifton Gonzalez and Minn Gonzalez.

Ibig sabihin.. Magkapatid sila!

---

K/N:

Sorry for late UD. Sunday sabi ko diba? Umalis kasi kami nitong mga nakaraang araw.

Lastly, sorry kung maiksi. Sinikap ko lang talagang ma-post 'to.

Bawi ako next time!

>Klein

Dark and LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon