WARNING: SABAW CHAPTER.
---
Chapter 4
Hindi talaga ako makapaniwala. May gayuma ba si Vin?
Grabe talaga! As in! Naloloka na ako! Argh!!!
'Tama! May gayuma nga siguro si Kevin! Isipin mo naman.. Paano ka niya napapayag?´
[Flashback]
"What?! Dating Booth?! Are you all insane?!" malakas na sigaw ko sa mga kasamahan ko sa SC.
"Yumi.. 'Yun ang booth na naka-assign sa atin." paliwanag ni Lax. Secretary ng SC.
"Like the hell I care!"
Nandito ulit kami sa room ng mga taga SC. Pinatawag ulit kami for another meeting. Remember last time? Naudlot yun kaya another round na naman.
Ang pinag-uusapan namin ay ang nalalapit na 'fair' ng school. At tuwing may fair, laging may booths na ino-organize ang bawat year level dito. Including the Student Council. Last year, Marriage Booth ang na-assign sa amin. Ngayon naman, Dating Booth? What the heck lang diba?
"Vice President." tawag ni Czar. Member lang siya dito. Pero kahit ganun, siya ang nakakapantay sa amin ni Dark.
"Yes?" tanong ko.
"You should agree. Confirmation mo nalang ang hinihintay. The President already agreed."
"So? Anong kinalaman ng pag-agree ni Dark?"
"Huh? Who's Dark?"
Nakalimutan kong sabihin na siya rin yung member na hindi sumasama kapag may lakad kami. Lagi din siyang outdated.
"Malamang si Kevin. Malamang yung President. Siya naman ang pinag-uusapan natin diba?" mataray kong sagot. Hindi na siya sumagot pa.
"Light." tawag naman ni Vin ngayon.
Wait.. Pansin niyo ba? Paiba-iba ang tawag ko kay Vin? Minsan Dark. Minsan Kevin. Minsan naman, Vin. Gulo diba?
"What now?"
"Agree or disagree?" tanong niya.
Hindi ko alam kung anong kinain ko kaninang umaga kaya napasagot ako ng...
"A-agree."
Naghiyawan naman sila.
"Si President lang pala ang kailangan eh!"
[End of Flashback]
Ano kayang gayuma ni Vin? Saan makakabili nun?
Bwiset.
· · · · · · · ·
"Gayuma? Ha! Nahihibang ka na, Light!"
"Eh paano mo nga ako napapayag?"
"Dahil sa charm ko! Hahahaha!"
Putek. Joke time ba 'to?
"Ikaw? May charm? San banda, Dark?" nang-aasar na tanong ko.
"San pa ba? Edi sa mukha!" proud naman na sagot niya.
Kasinungalingan. Kalokohan. Kahibangan. Kabalbalan.
"Bahala ka na nga diyan! Uwi na ako sa amin." paalam ko. Tumayo ako. Palabas na sana ako pero..
"Puso. Puso ang nagdikta, Mayumi. Tsaka gayuma? Ano ka? Bata? Hindi totoo 'yun. Puso mo ang nagsabi na gusto mo rin." seryosong sagot niya.
Sinarado ko na ang pinto ng bahay nila.
Puso? Ibig sabihin, puso ko ang nagsabi na gusto ko naman talaga ng dating booth?
Umiling ako. Taena talaga. Kakaiba na si Dark. Tapos ako naman 'tong si abnormal. Pakiramdam ko kasi, hinugot yung sinabi niya.
· · · · · · · ·
"Hey, Queen. Wazzup?" tanong ni Aya. Isang Queen Bee.
"Fine."
"Sasama ka ba bukas?" tanong naman ni Gianna. Yung sinampal ni Minn.
"Nope." tipid na naman na sagot ko. Well, ganyan talaga ako 'pag mga Queen Bees ang kaharap. Hindi masyadong nagsasalita.
Gianna frowned. "Ugh. Tipid na namang sumagot si Queen."
Kay Dark lang naman talaga ako umiingay eh. 'Pag sa ibang tao na, except kay Frost, tahimik lang ako.
Speaking of Dark.. Nakita ko siya kasama si.. Cliff! Packing tape! Tumakbo ako papalapit. Magsusuntukan na sila eh!
"Pakshet! Kevin!" tawag ko. Tumingin naman siya. Binaba niya ang kamao niya. Good. Mabuti nalang. Nung malapit na ako, biglang sinuntok ni Cliff si Kevin.
"F**k! Para saan 'yun, g**o!" inis na sabi ni Kevin habang pinupunasan ang labi niya. May dugo!
How dare this Clifton Gonzalez! Manang-mana sa kanya si Minn!
Dahil sa inis ko, sinuntok ko si Cliff. Nagulat siya. Pati si Kevin.
"That's what you get for hurting Kevin. And also, for what you did the other day with Minn!"
Akala niya makakalimutan ko? Taena. Pinahiya niya ako kay Minn!
"Dark, tara na."
Hinila ko na si Kevin palayo.
Ang sarap paguntugin ng magkapatid na Gonzalez na 'yun!!!
BINABASA MO ANG
Dark and Light
Teen FictionOngoing. » Because everytime your world gets dark, I, as your light, will always be here for you. Book Cover by: @KawaiiMallows