Chapter 27

2.4K 78 10
                                    

CHAPTER 27

Pinili ko na lang na ipahinga ang mga mata ko at sarili ko. Nahiga ako sa kama at pinilit na makatulog pero tila wala namang use ito. I can't sleep. Oo totoong takot akong mapagisa. Totoong pinaka kinatatakutan ko ay ang mawalan muli ng isang espesyal na tao sa buhay ko. I lost my dad at hindi ko hahayaang pati ang Mama ko ay mawala sa akin. Pero papaano 'to kung parang siya na mismo ang kumakawala sa akin? She lied to me and she betrayed me. But she's my mom. Siya ang kahuli-hulihang taong iiwan ko. Maybe its true. Its true that it really takes time to get what you want. Maybe its true that sometimes you will need to sacrfice something to have what you want. To get what you want for your life. Isa lang naman ang gusto ko. Maging masaya. Akala ko noon na kay Kyle at sa mga kaibigan ko ang saya but no. Its with her. My mom. Yang mga boyfriend na 'yan, mapapalitan 'yan. Makakalimutan natin yan. Pero ang pagkakaroon ng isang nanay? Isang taong alam mong kahit na anong mangyari ay hindi ka iiwan? Hindi mapapalitan 'yan.

"Ate Suzy?" Bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Krystal. Umupo ako sa kama ko at binuksan ang lampshade sa tabi ko.

Umupo siya sa gilid ko at ramdam ko ang sincerity niya. "Ate Suzy, I'm so so so sorry. Hindi ko na lang sana sinabi sayo. Sana hinayaan ko nalang na ikaw na mismo anh makatuklas nito. Sorry.. nadala lang ako ng emosyon kanina." Yumuko siya, tinaas ko ang ulo niya at pinatingin siya sa mga mata ko. I want her to believe me. Believe me that It's alright and I'll be fine. I'M FINE.

"Hindi mo kailangan mag sorry, Krys. Tama ang ginawa mo, sinabi mo ang totoo at nalalaman mo sa akin. Mas magagalit ako kung pati ikaw ay magsisinungaling at magtatago sa akin. You don't need to say sorry. I'm fine. Everything's gonna be alright. Everyone will be fine. All we need to do is accept. Okay?" Umiling siya. "Accept? Hindi man lang ba kayo ni Kuya lalaban? Hahayaan niyo lang na matapos ang lahat sa inyo? You need to at least... fight, Ate Suzy." Ako naman ang umiling ngayon.

"No, Krystal. Hindi lahat ng laban kailangang labanan. You choose when to fight and who to fight. And as for our situation, we don't need to. They're our parents, Krystal. We can't fight them." Dito na nagsimulang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan na bumuhos. No matter how I try to be brave, I'll just really end up crying myself to sleep and hope to forget everything that happened.

**

KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa pagbukas ng ilaw at paganinag ko sa nagbukas na bintana pero isinnara ko rin muli ang mata ko. Ayoko pang gumising! Hindi pa ako ready.

"Wakey wakey Suzy!" Napadilat muli ako nang marining ko ang tinig na 'yun.

"I-ready ko na ba ang timba, bakla?" Halos maiyak ako nang makita ko sila na nakatayo sa gilid ng kama ko.

"Jess! Nicki!!" Tumayo ako sa kama at tumalon sa kanila, yakap yakap sila. "Akala ko wala na kayong balak balikan ako! Nakakainis kayo! Bakit ba ang busy niyo masyado?" Biro ko sa kanila pero hindi nila ako binigyan ng ni-isang ngiting sagot. Nakatingin lang sila sa akin na para bang kulang na lang ay humagalpak sila sa iyak.

"I'm so sorry bes!" niyakap ako ni Jess. Sumunod naman dito si Nicki, "'Di puwedeng 'di ako kasama sa power hugs niyo!"

**

"Pero wait! Seryoso ba talaga? As in serious serious? Bonggang bonggang serious? Si Tito Enrico mo and your mom? Akala ko ba?" Nginitian ko lang si Nicki. They really won't understand dahil hindi sila ang nasa posisyon. Kung may makakaintindi man, kami na siguro ni Kyle 'yun o baka ako lang dahil ganoon din ang sa amin ni Kyle noon. Alam namin kung ano 'yung pakiramdam na magtago.. yung tipong kapag mabigyan kayo ng tsansang lumabas na at umamin ay hindi na kayo magiisip pa at iga-grab na talaga ang chance na iyon. Lucky for them nabigyan sila ng ganoong opportunity dahil naghiwalay na kami ni Kyle. Too bad for Kyle and I, hindi kami nabigyan ng tsansang maisapubliko ang relasyon namin. Hindi man lang namin napagsigawan sa mundo kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

MFBB 2: No Longer My Flower Boy BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon