Epilogue

4.6K 123 44
  • Dedicated kay Salamat sayo. Oo, ikaw. :)
                                    

Now playing: Its alright its love by Davichi INSTRUMENTAL. Basahin niyo with that instrumental music para mas feel. chos. 

Sorry sa typos, di ko na po naedit huuh

EPILOGUE

Malapit na matapos.  Tila isa itong mantra sa isip ko. Paulit-ulit. Kahit na ang sakit sakit na ng ulo, lalamunan at mata ko, nanatili ako dahil ayon nga kay Jess, kailangan ako rito. Kailangan ako ni mama at higit lahat, kailangan ako rito para maging isang patunay at alarm clock sa akin na gigisingin at ipapaalala sa akin kung ano ang katotohanan. Katotohanan na wala na talaga. 

Nanatili ako sa loob ng simbahan pero wala ang buong atensyon ko rito. Habang palapit na palapit na ang exchange of vows ay palapit na palapit na rin ng pagbuhos ng luha galing sa mga mata ko. Tahimik lang ang buong simbahan. Ang pari lang ang nagsasalita at may mahinang nakakapanlambot na pusong instrumental lang ang maririnig. Seryoso ang lahat sa seremonyang ito at nakikita ko sa mga mukha ng mga nandito ngayon ang pakikihati nila sa kaligayahang nadarama ni Mama. Lahat sila masaya para sa kanila kaya kailangan.. kailangang maging masaya rin ako. 

Bigla akong napahikbi kaya napatingin si Jess sa akin at hinawakan ako sa braso, "Uy, okay ka lang ba?" Tumingin siya sa paligid, "Kapag hindi mo na kaya, bes, sasamahan kita lumabas." Tinaas ko ang kamay ko, "Okay lang ako." saka na namin ibinalik ang atensyon sa harap. 

 "Before they exchange vows, may tumututol ba sa kasal na ito?" Muli na naman akong napahikbi at parang hindi ko na yata kaya pa pigilan kaya tumayo ako. 

Naramdaman ko ang tingin ng mga tao sa akin at napatingin ako kay father at umiling. "Please go on. Urgent lang po, sorry." Nagkunwari akong may tumatawag sa phone ko at kumaripas ng takbo palabas ng simbahan. 

Paglabas na paglabas ko ay napatago ako sa isang sulok at napaupo saka bumuhos ang luha ko. Napatingala ako, iniisip na baka mapigilan ko pa pero wala na itong epekto. Sa bawat pagpatak ng luha ko ay ang pagkaalala ko sa mga bawat pagsubok na dinanas namin ni Kyle. At sa bawat pagkaalala ko sa mga ito ay ang pagtatanong ko, Para saan pa ang mga pagsubok na 'yun? Para saan pa ang mga iyon kung sa huli'y hindi rin naman pala kami ang magsasama para sa mga iba pang pagsusubok na darating? Akala ko, magiging madali lang tanggapin 'to. Akala ko magiging madali lang para sa akin ang makalimutan ang mga panahong magkasama kami. Akala ko noon magagawa kong hindi hanap-hanapin ang bawat dampi ng palad niya sa pisnge ko, ang bawat pagpulupot niya ng braso sa akin, ang bawat halik na ibinibigay niya sa akin ng buong buo at ang bawat matatamis na salitang lumalabas sa bibig niya na para sa akin lang talaga. Akala ko magiging madali lang ang lahat. 

"Suzy.." napatingala ako at nakita ko si Kyle, nakatayo sa harapan ko, tinatakpan ang sinag ng araw.

Napatayo ako. "Bakit ka lumabas? Samahan mo sila Mama at Tito Enrico doon. Ano na lang iisipin nila kapag makita nilang wala tayo parehas doon? Wala na nga ako sa tabi ni Mama sa isa sa pinakamahalagang sandali ng buhay niya, pati ba naman ikaw? Saka bakit mo ba ako pinuntahan? Para makita mo akong umi--" Mabilis siyang mas lumapit sa akin at ipinulupot ang braso niya sa akin. 

"Suzy," bulong pa niya habang yakap-yakap ako na naging dahilan pa ng mas pagbuhos at daloy ng luha sa pisnge ko. 

"Kyle, stop doing this. We're over. It's over. Everything's fucking over! Tigilan mo na 'to.. tigilan na natin 'to. Wala nang patutunguhan 'to, alam mo namang--" mas humigpit pa ang yakap niya sa akin, "They're over. We're not. Stop crying, Suzy. I'm here. I'm right here. Tapos na, tama ka. Tapos na ang lahat ng paghihirap natin. Hindi natuloy ang kasal, Suzy. So please.. please don't cry." Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Para akong nabingi sa sinabi niya. Para akong niloloko ng tadhana.

"Huwag mo kong niloloko, pwede ba!" I said between sobs habang yakap-yakap pa rin niya ako. 

"Hindi kita niloloko!" He replied, humoredly saka mahinang tumawa. Kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya sa mata, still crying. Muli, muli kong naramdaman ang pagdampi ng palad niya sa pisnge ko at pinunsan niya ang pisnge kong basang basa ng luha ko.

"Go, look." Tinignan ko lang muna siya, hindi pa rin naniniwala nang magsalita ulit siya, "Susunod ako. Nandito lang ako, hindi na ulit kita iiwan, promise." Hinawakan niya ang kamay ko, "Go." and released it, asking me to go. 

"You promised." Bulong ko lang, tumango naman siya. 

Mabilis ang bawat hakbang ko papunta sa simbahan. Nang nasa entrance na ako ay nakita kong mga nakatayo ang tao. May ibang palabas na, may iba namang tila may hinihintay. Dahan-dahan akong sumilip.. nasa harap si Mama at Tito Enrico, kausap ang pari. 

"Is she your daughter?" Tanong ni father kay Tito Enrico. Nakita ako nito kaya tinuro ako. 

Umiling si Tito Enrico, "No father. That's Rose's daughter." Nang magtagpo ang tingin namin ni Mama ay biglang bumuhos ang luha sa mga mata nito. Mabilis siyang naglakad patungo sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. 

"Ma, I'm sorry." Naramdaman ko ang pagiling niya. "No, Suzy. I'M sorry. Habang nakikita ko ang pagiiwas mong tingnan kami, hindi ko na kinaya. Sorry, anak. Sana mapatawad mo ako." Kumalas kami sa pagkayakap nang lumapit si father at Tito Enrico. 

"At first, I was so sad dahil kayong dalawa mismo ang tumutol sa sarili niyong kasal. Pero ngayon, seeing your daughter and your son, who is now coming-" tinuro niya si Kyle na papalapit sa amin.

"-hindi na ako malungkot. I believe in your family. Handa kayong magsakripisyo para sa isa't isa. I think its now the perfect time to thank Him." Tumingala si father. And then we got it, he's talking about Him, our almighty, who gave us strength to overcome all these obstacles. 

Nang makaalis si father ay kaming apat na lang natira. Una nang nagpaalam si Mama, giving Tito Enrico and Kyle a bright smile at bumulong ng, "Thank you" while Tito Enrico just smiled and nodded at her. Nakangiti pero seryoso niyang hinarap niya si Kyle at tinapik ito sa balikat, "I'm very sorry, son." Bakas sa tono ng boses nito ang katapatan at pagsisisi. Tumango si Kyle, "Anything for the family dad." His dad gave him another squeeze on his shoulders saka humarap sa akin, "Well, I guess I now have a daughter-in-law?" 

Nang makaalis na rin si Tito Enrico ay kami naman ang humarap sa isa't isa. Hinawakan niya ang kamay ko at umupo. "Bakit?" Naguguluhang tanong ko. 

Ngumiti muna siya saka ako sinagot, "Magpapasalamat lang tayo Sa Kanya." Lumuhod siya kaya pati ako ay lumuhod habang hawak-hawak niya ang kamay ko.

"Tsaka ipagdadasal ko na rin na sana sana um-oo ka." Napatingin ako sa kanya, magkahawak pa rin ang kamay namin. 

"Kasi ngayon, tinatanong kita, Suzy Madrigal, will you marry me?" Tumulo ang luha ko sa sobrang saya, "Yes, Kyle Navarro. I'm willing to be a Navarro." Malapad na ngiti ang naging sagot niya sa akin at humarap sa altar. "Lord, saksi ka doon ah!" Pagbibiro nito. 

We let go of each others' hands as we pray and thank God together. 

Nagpasalamat ako sa lakas na ibinigay niya sa akin para harapin ang lahat ng problema, nagpasalamat din ako sa pagbibigay sa amin ng ganitong pamilya. Isang pamilyang handang isakripisyo ang lahat para sa ikasasaya ng isa. At higit sa lahat, nagpasalamat ako dahil ibinigay niya ang lalaking katabi kong ito. 

I know there will be more blessings and gifts coming. 

**

"Kyle! Manganganak na 'yata ako!"  Sa 4th wedding anniversary namin ay isinilang ko ang isang napakagandang babae. We named her Jasmine Kyzy Navarro.

MFBB 2: No Longer My Flower Boy BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon