Chapter 35 (Part 2)

3.1K 82 10
                                    

CHAPTER 35 (PART 2) 

SHORT LANG KASI PART 2 HEHE. 

"Tomorrow's the day, mom. Tomorrow's the day I'm leting her go."

Muntik na akong maiyak sa harap niya nang sambitin niya ang linyang 'yan. I heard it right. He's letting me go. Yes, he's finally letting me go. I should now also preapre myself and be able to let him go tomorrow, after the wedding. Mabuti na lang at napansin nila Jess at hinila ako sa tabi nila. 

"Wag kang umiyak. Para saan pa 'yung isang buwang sinasabi mong 'nag momove ka'?" Umiling ako. No one can move on and forget in just a month. Walang kagaya kong inakalang happily ever after na kami at kagaya kong buong buo ang ibinuhos na pagmamahal para sa isang tao ang magagawang makalimot lang ng ganoon. 

"Tara na. Baka gabihin pa tayo at mapuyat. Maaga pa tayo bukas." Pagaaya ni Tito Enrico na hawak-hawak ang kamay ni Mama't inalalayan siya papasok ng sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako. Maybe this is destiny. Siguro ito na talaga ang nakatakda para sa amin. 

**

Mabilis akong nagising nang tumunog ang alarm ko. Hindi ako nahirapang gumising dahil parang hindi naman din ako nakatulog. Ang dami-daming laman ng utak ko. Ang dami nitong sinasabi. Na sana.. sana tumigil ang takbo ng mundo at oras at bumalik na lang kami sa dating wala pang pang problema. Hindi ko rin maiwasang maisip na sana... sana hindi ko na lang nakilala noon si Kyle. Na sana hindi ko nalang siya minahal ng ganito. Na sana, nakilala ko na lang siya bilang isang step brother. Sana hindi ko nalang siya hinila noon at nakipagpanggap na magkapatid kami para sa isang sapatos. Sana hindi na lang kami nagkalapit at nagkakilala noong mga panahong iyon. Sana... sana noon pa lang ay sinabi na nila Mama na sa huli'y magpapakasal din sila. Sana hindi na lang nila kami pinaasa na kami ang haharap sa altar kung sa huli'y sila rin pala. Minsan.. minsan hindi ko maiwasang kamuhian sila. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis at galit sa kanila. Pero sa tuwing nararamdaman ko 'to, pinipilit kong ipasok sa isipan ko na anak lang kami. Kung hindi dahil sa kanila, wala kami. Kung hindi dahil sa kanila, wala kami sa kinaroroonan namin ngayon. Pilit ko nalang iniisip na may darating pa. Na may itinakda talaga na para sa akin. Para sa amin ni Kyle.

Pagkatapos kong maghanda, dumiretso na ako sa sala at hinintay sina Krystal at Angela na makakasabay ko sa pagpunta. Hindi ko inaasahang si Kyle pa ang una kong makikita sa araw na ito. Umiwas ako sa kanya at hindi ko rin siya tinitignan dahil natatakot akong baka anytime, mag breakdown na lang ako sa harap niya. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya pero pinili ko nalang na itago na lang ito sa sarili ko dahil wala na rin namang saysay ang mga sasabihin kong ito. 

Pamilyar ang mga mukha ng mga dumating sa wedding dahil sila rin ang mga nagpunatahan sa engagement party a month ago. Nakikilala ako ng mga tao nang dumaan ako sa harap nila kaya tumitigil ako at kinakamusta sila. Naaninagan ko si Kyle, ganun din ang ginagawa niya. Napansin ko rin na mayroon pa ring mga reporters dahil naging hot issue na rin ang kasalan na magaganap na ito dahil sa pagiging artista, model at singer ni Kyle. May mga reporters pa rin na hanggang ngayon ay kinukulit siya sa rason niya ng pagalis sa industriya at tinatanong kung sino nga ba ang babaeng tinutukoy niya sa pinakauna at huling magazine interview niya. 

Napangiti ako nang makita ko sina Nicki, Jess at Gerard na masayang naguusap pero nang makita nila ako'y tumigil sila at nilapitan ako.

"Don't you dare comfort me." Biro ko. Tumango sila. Kahit na alam nilang biro ito, alam kong alam nilang may parte sa akin na ayaw kong cinocomfort ako dahil mas sasama lang ang pakiramdam ko at bubuhos lang galing sa mga mata ko ang luhang kanina ko pang pinipigilang lumabas. 

**

Nang magsimula na ang seremonya ay namumuo na agad ang luha ko. Maaring sabihin ng iba na tears of joy ito pero kahit ngayon lang, gusto kong magpakatotoo. Hindi ako naiiyak dahil masaya ako. Naiiyak ako kasi alam kong pinipilit ko lang na maging masaya para sa mama ko. How can you be happy for someone being happy kung ang kapalit nito ay ang sariling kasiyahan mo? Only fools will feel happy about that. Masokista? Marytr? May pakiramdam din ako. Pero mas pinili kong itago nalang ito. Mas pinili ko na lang angmagmukhang masaya para sa mga magulang ko. Dahil minsan, kailangang matuto tayong hindi maging makasarili. Kailangan matuto tayong magtanaw ng utang na loob. 

Napayuko na lang ako habang papasok si Mama nang simbahan, sa tabi niya ay si Lolo. Matagal-tagal ko na ring hindi nakikita si Lolo. Masaya ako dahil tulad pa rin siya noon, ang lakas pa rin niya. At ang tapang tapang pa rin niya. Ang strikto pa rin niya. What made me smile more ay nang hawakan ni Lolo si Mama na parang anak niya ito. Because Lolo is my real dad's father. 

Masasabi kong perpekto na ang buhay at pamilya namin kahit pumanaw na ang tunay kong ama. It's almost... almost perfect dahil lahat sila masaya. Maliban sa akin. Our family's almost perfect, sa akin lang pumalya. 

Nang nasa gitna na sina Mama at Lolo ay ibinalik ko na ang tingin ko sa kanila hanggang sa bitawan na ni Lolo si Mama at ipinasa ang kamay nito kay Tito Enrico. Hindi ko napigilang hindi mapalingon kay Kyle. He's not looking at them. Instead, his eyes are straight and directly looking at me. Napaiwas ako ng tingin. I dont know if I can bare this pain anymore pero pinilit ko. Tuloy ang kasal, nakaupo at magkahawak kamay sa gitna sina Mama habang pinapakinggan ang readings. Wala na akong naintindihan sa mga nangyayari at sinasabi nila dahil sobra na ang pagpipigil na ginagawa ko sa luha ko. Ang sakit sakit na ng lalamunan at mata ko. 

"Jess, mag c-cr lang ako. Ihing-ihi na ako." Bulong ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko, "Mamaya na, Suzy. Kailangan ka dito. Kailangan ka ng Mama mo at..." bumuntong hininga siya. 

"Malapit na matapos, Suzy. Nandito lang kaming mga kaibigan mo." Tumango ako. Malapit na. Malapit na matapos. Kaya ko pa 'to. Kapa ko pa 'to diba?

MFBB 2: No Longer My Flower Boy BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon