2: Locket
Isaiah - Streets of Gold
///
I stared at the ceiling for a while. Panibagong araw na naman para mabuhay sa magulong mundo. It's okay. Marami na 'kong napagdaanan at kinakaya ko naman, kahit mahirap. I got used to it, having this freedom. Hindi ko lang alam kung naging maganda ba ang dulot sa 'kin ng mga desisyon ko, pero ang mahalaga, pinaninindigan ko.
Ilang araw din akong naghanda at sinanay ang sarili sa lugar na 'to. Naglibot ako kung saan-saan. Market. Church. Mall. Streets. Namili ako ng mga kakailanganin ko sa pag-aaral.
At nang dumating na ang araw na magsisimula na ang pagpasok sa school, napaisip na naman ako kung tama ba 'to. Higit isang taon akong nahinto sa pag-aaral. Marami na 'kong nakaligtaan at mahirap ikondisyon agad ang sarili kagaya ng dati pero bahala na. Nasa school na 'yon 'yung mga clue sa mga hinahanap ko.
Ilang minuto akong nag-ayos para sa eskwela. Magsisipag kaya ako? O mas mag-e-enjoy pa 'kong tumambay sa labas at maghanap ng paru-paro?
"Kumusta uniform? Ganda ba?" tanong ni Satria.
Nasa labas na kami ng gate at kakasarado lang niya no'n. Tinignan ko ring mabuti para siguraduhing naka-lock. Nasanay na 'kong siguraduhin ang safety ng bahay.
"Hindi masakit sa mata 'yung kulay," sagot ko.
White blouse with belt. Checkered skirt na white at iba't ibang shades ng green na lagpas nang kaunti sa tuhod. Black shoes na flat lang.
Ang dala ko ngayon ay isang maliit na leather messenger-like bag na nakapulupot sa 'kin. Ilang notebook at pansulat lang ang nandoon.
Nag-jeep na kami ni Satria papunta sa school. Nagkukwento siya along the way, anything under the sun.
Habang tinatahak ang daan papasok sa school, hinawi ko ang buhok ko na bahagyang humarang sa paningin. Nagulat naman ako nang pagtingin ko sa harap, tila kinukuhanan ako ng picture ni Satria. Hindi ko na namalayang nauuna na siya kanina pa sa paglalakad.
"Did you just?" I asked.
Agad siyang lumapit sa 'kin para ipakita ang nasa phone niya. Picture ko nga. Hindi ako nakatingin. Naka-blurred ang mga estudyanteng nasa malayong likod ko at agaw-pansin 'yung paghawi ko sa mahaba kong buhok na nakalugay, kulay dark brown.
"Pwede ko bang i-post?" tanong niya.
"For what?" Naglakad na ulit ako at gano'n din siya.
"Basta ang caption is something about a blooming friendship."
I stopped for a while. Narinig ko 'yung boses ni Czarina sa utak ko. Na gusto niyang humanap ako ng mga kaibigan.
"Mapapasaya ka ba ng pagpo-post ng litrato ko?"
Kumunot ang noo niya, tila nawirduhan sa tanong ko, pero sa huli ay tumango siya.
"Hindi ako active sa social media kaya hindi ko 'yan masusubaybayan. Maba-bash ba 'ko dahil dyan?"
Agad namang nanlaki ang mga mata niya. "Of course not! Ang cool mo kaya tignan! Don't worry sa friends ko lang ishe-share. Gusto ko lang ma-store 'yung memory na nakita ko ulit finally ang... savior ko." Halos pabulong niyang sinabi 'yung huli.
Savior. Too far from my self.
"Ikaw na'ng bahala."
Ngumiti siya at kinalikot na ulit ang cellphone niya. "Oh my. Daming comments. Curious sa 'yo. Nako mga loko-loko halos 'tong mga 'to. 'Yung matitinong guys lang ang rereply-an ko."
BINABASA MO ANG
Every Hidden Piece
Mystery / Thriller| Previously known as High School Detectives | People look at the world differently. While some want to own it, a few wants to change it, or just live with it. Some people think it is full of mysteries. Others want to escape from it, while some are...