Prologue
///
"You don't deserve a good life," a respectful-looking woman told me. Nasa late 50s ang edad.
Habang tinititigan ko siya, iniisip ko kung saan ba nagsimulang gumulo ang lahat? Kung naging iba ba ang desisyon ko noon, hindi na ba 'ko mapupunta sa ganitong sitwasyon? Kung may pagkakataon, gugustuhin ko bang baguhin 'yung desisyong 'yon para matakasan 'to? Kailangan ko ba talagang maranasan ang ganito?
Napangisi ako. "Base kanino? Sa 'yo? Hindi siguro." Natawa ako nang mapait. Gustong-gusto kong magbitiw ng masasakit na salita pero pilit kong pinipigilan 'yung sarili ko.
Nandito 'ko sa isang luma at magulong kwarto na tila bodega ng isang factory... trapped with this woman.
Sa tunog ng maroon na heels niya, naglakad siya at gumawi sa may maliit na bintana na hindi man lang naaabot ng sinag ng araw... para bang sumisimbolo ng kawalan ng pag-asa. Nakatalikod siya ngayon mula sa 'kin. "You were never a good girl anyway, kaya bakit mukhang nasaktan ka?" she teased but I just smirked.
Bakit kaya ang daling manghusga ng mga tao? Ni hindi nila alam ang malaking porsyento ng pagkatao mo.
"Oo nga po. Akala ko ang sama ko na, at hindi naman ako nagpapanggap na mabait. Pero may mas masasama pa pala sa 'kin na nagpapanggap na mabubuti at kagalang-galang. 'Yun ang mahirap tanggapin," I fired back.
Unti-unti naman siyang humarap sa 'kin.
She smiled. Paano niya nagagawang ngumiti sa ganitong sitwasyon? Hindi talaga makabubuting makasalamuha ng kagaya niya. "We're just great people. We see the world differently. We own it. We destroy worthless humans like you." Sobrang kalmado ng boses niya pero nakakakilabot.
Pero hindi mawala-wala 'yung galit ko lalo na sa huling linya niya. Walang pwedeng magdikta sa halaga ng isang tao. "Ano'ng karapatan mong sabihin 'yan sa harap ko? Sino ba kayo sa palagay niyo? Sino kayo para guluhin ang buhay ko?" mahina pero may diin kong tanong.
Pagkatapos sabihin ang mga salitang 'yon, yumuko ako saglit at huminga nang malalim. Nakatali ang katawan ko sa isang upuan gamit ang lubid.
Tumunog na naman ang heels niya. Palakas nang palakas.
"You don't deserve a life in the first place. Hindi ka na dapat nabuhay," sabi niya. Hindi ako makapaniwala... A tear almost escaped from my eyes but no, she's not worth it.
Hindi ako madalas nagpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao pero sa puntong 'to, alam ko sa sarili ko. Nasasaktan ako. Ano'ng basehan niya para sabihin 'yon nang paulit-ulit sa mukha ko?
Ilang sandali, nag-angat ako ng tingin at naabutan ang titig niya habang bahagyang nakayuko sa harap ko para mas makita ang mukha ko.
I managed to still speak after being so affected by her words. "Paano naman 'yung mga katulad niyong tao? Tingin mo deserve ng mundo ang mga kagaya niyo?"
She laughed with no humor. Tumayo siya nang maayos at inayos ang bahagyang nalukot na blouse. "We will live no matter what. Kailangan kami ng mundo dahil maraming mahihinang tao rito na kailangan kami. For money, for fame, for a desperate love, for everything."
"Tao ka lang din... Mahina. Kung inaakala mong malakas ka dahil lang maimpluwensya 'yung sinusunod mong tao rin lang naman, nagkakamali ka."
"Hindi mo pa alam ang takbo ng mundo hija. Masyado ka pang inosente. Too bad you're involved in this war of families."
I suddenly remembered my father's words.
"There's more to life than all of your sufferings, anak. Maniwala ka lang. Laging may pag-asa."
Kahit papa'no, umaasa ako... Na sana hindi ako mamamatay nang ganito na lang. Nang sandaling 'yon, 'yun ang pinaniwalaan kong pag-asa.
May mga dapat pa 'kong gawin. Hindi sa ganitong paraan matatapos ang buhay ko. Please...
I looked at her and said... "Please remember this. Hindi para sa mga kagaya mo ang mundo... Hintayin mo, ipapaintindi ko sa 'yo kung ano'ng totoong purpose niyo sa mundo."
Sa ilang punto ng buhay ko iniisip ko kung panaginip lang ba ang sandaling 'yon, o kung 'yun ba ang hinaharap, o kung isa ba 'yong alaala na ayoko nang balikan.
///
BINABASA MO ANG
Every Hidden Piece
Gizem / Gerilim| Previously known as High School Detectives | People look at the world differently. While some want to own it, a few wants to change it, or just live with it. Some people think it is full of mysteries. Others want to escape from it, while some are...