1: Summer Themis

16.3K 286 10
                                    

Note: Again, this is a revised version of Every Hidden Piece, previously known as High School Detectives. Sana may matutunan kayong maganda sa kwentong 'to.

CamsAnn

1: Summer Themis

The Script - The Energy Never Dies

///

Summer Themis

Mapaglaro ang mundo para sa iba. At kung hindi sila magiging matatag, kung hindi nila haharapin ang problema, ano na lang ang mangyayari sa kanila?

     "Bakit ka nag-resign?"

     Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang isang lalaki na nagtatrabaho rito sa coffee shop. Nakatayo siya sa labas ng pintuan ng locker room.

     Pagkasuot ng denim jacket, sinunod ko naman ang itim na backpack. Sinara ko na ang locker na hindi ko na magagamit ulit. Sa tunog ng tuluyang pagsarado no'n, naalala ko 'yung naging desisyon ko na umalis sa lugar na 'to.

     "Bakit mo natanong? Close ba tayo?" I asked.

     "Nakakalungkot... lang kasi," sagot niya at napayuko.

     I chuckled. Nilingon ko siya at napansin kung gaano siya kahinang tignan sa tindig at ayos niya. Mapayat siya kumpara sa karaniwang built ng lalaki. Madalas siyang kainisan ng mga katrabaho kasi mukha siyang makagagawa lagi ng kapalpakan o baka hindi lang talaga siya feel kasama ng mga 'yon. Sa obserbasyon ko naman, mabilis siyang kumilos at mapanuri sa paligid. But I don't care though.

     "Kalokohan," I said. Naglakad na 'ko at nilagpasan siya para makausap na ang manager. "Be strong, man," dagdag ko.

     Pagkatapos magpaalam sa manager at pagkalabas sa opisina no'n, naabutan ko pa ulit na nakaabang 'yung lalaki kanina.

     "Ikaw lang 'yung tinuturing kong kaibigan dito. Mami-miss kita," sabi niya. May hawak siyang tray at mukhang tumakas na naman sa shift.

     "Kaibigan? Not a good joke." Napahalakhak na naman ako.

     "Alam mo ang natural mong mag-English. Para kang 'yung mga mayayaman na estudyante sa school ko. Kaya naiisip ko minsan, hindi mo rin talaga deserve na magtrabaho dahil sa mayamang aura mo. Pero ayon nga... Ipinagtanggol mo 'ko dati sa pagpapahiya sa 'kin ng mga katrabaho natin, salamat ulit do'n."

     "May kaya ang pamilya ko noon. Pero iba na ngayon. At inuulit ko... 'di kita ipinagtanggol noon, nakialam lang ako dahil masyado silang maingay at ayoko ng gano'n. May sasabihin ka pa ba? Huling kita mo na 'to sa 'kin," sabi ko at naghintay ng ilang segundo.

     "Isa kang role model para sa 'kin. Ang tapang mo Summer. Hindi kita makakalimutan," he said and smiled weakly.

     Seriously?

     Lumapit ako at tinapik ang balikat niya. "In this pretty messy world, you have to be strong. Kung mahina ka, aabusuhin ka. Tandaan mo, hindi ka nabuhay para saktan ng ibang tao," I said and walked away.

     "Thank you sa lahat Summer! Be happy!" Silly. Tss.

     Paglabas ko ng glass door, naramdaman ko agad 'yung ihip ng hangin. Pero medyo mainit pa rin kahit hapon na.

     Ilang segundo lang, tumunog ulit 'yung maliit na bell, hudyat na may lumabas ulit mula sa glass door. At pagkatapos no'n, tumunog pa ulit.

     Lumingon ako at nakita ang lalaking 'yon na papalapit sa 'kin.

     Magsasalita na sana 'ko para magpakita ng inis pero hinawakan agad niya ang braso ko saka ako hinila sa may gilid. Loko, sasapakin ko na sana. "Kanina ko pa napapansin na may weird na lalaki sa coffee shop at nung sandaling lumabas ka, tumayo agad siya at sumunod din, kaya inunahan ko," sabi niya agad.

Every Hidden PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon