Chapter 2: The War Begins

82 0 3
                                    

Tina's POV

*kring kring*

I grabbed my alarm clock immediately and throw it against the wall.

*kring kring*

Jeez! Ang ingay! I sandwiched my head between the two pillows para hindi na marinig ang ingay na gawa ng alarm clock ko. Gusto ko pang matulog!

I barely slept last night. Naging busy kasi ako sa pagpaplano kung paano gagawing impyerno ang buhay ng magaling naming hardinero kaya hindi ako nakatulog agad.

*kring kring*

Fudge! Wala na akong nagawa. Bumangon na ako. Dinampot ko ang orasan at tinapon ito sa basurahan.

Pumunta ako sa balcony ng room ko. From here, kitang-kita ang lawak ng nasasakupan ng mansyon namin. Yes, a MANSION. I can have whatever I want. And--

"Good morning, Senyorita!"

Tumingin ako sa baba and I saw that nakakairitang creature again!

"Don't you dare talk to me!" singhal ko sa kanya.

"Ang aga-aga nagsusungit ka na naman?" nakangiti nyang sabi.

"Will you just shut up?! Don't talk to me!" sabi ko at inirapan sya. Bumalik sya sa ginagawa nya sa hardin.

He's the most irritating creature on earth! Second day pa lang niya but he's already getting into my nerves.

Hmmm. Lihim akong napangiti. It's time for my revenge.

"Hoy, Lyle! Nakaalis na ba si Daddy?" tawag ko sa kanya pero 'di nya ako pinansin. What the-!

"Hoy! Tinatanong kita!" At hindi nya pa rin ako pinansin. Nag-init na ang ulo ko. Pumasok ako sa kwarto para kunin ang alarm clock na tinapon ko kanina. Bumalik ako sa balcony at inihagis sa kanya ang pobreng orasan.

"Aray!" Nilingon nya ako at tiningnan ng masama. "Ano ba?!"

Tinaasan ko sya ng kilay, "Tinatanong kita, 'di ba? Ba't 'di mo ako pinapansin?"

He smirked, "Ang gulo mo rin kausap, eh. Sabi mo, 'wag kitang kausapin 'di ba?"

Damn this guy. -_-

***

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagmo-movie marathon sa kwarto ko. Patapos na ang summer vacation. One week na lang at umpisa na naman ng klase so I better enjoy my remaining days kung kailan pwede pa akong magpahinga.

But, how am I suppose to do that if someone's pestering me? Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako sa lalaking yun.

Nakatapos na ako ng tatlong pelikula nang makaramdam ako ng gutom. 11:00 am na pala at wala pa akong kinakain. Pagbaba ko ay nakasalubong ko naman si Manang Concia.

"Oh, hija, gutom ka na ba? Gusto mo bang ipaghain na kita?"

"Yes please." sagot ko. Pumasok na si Manang sa kusina para ipaghanda ako ng makakain.

Meanwhile, pumunta muna ako sa likod ng bahay para magpahangin sandali. Nakaka-suffocate din kasi minsan kapag laging nasa aircon.

And I saw him again. Naglilinis sya ng pool gamit ang net kaya nakatalikod sya sa gawi ko. Kaya naman may naisip akong napakagandang ideya.

Tumakbo ako papunta sa kanya para mas malakas ang pwersa. I was about to push him nang bigla syang lumipat sa kabilang side ng pool. Wrong move.

*splash*

"Senyorita, hindi ko pa po tapos linisan ang pool. Ba't kayo nag-dive agad diyan?"

I dart him a death glare. "You idiot!"

Napakunot-noo sya. Malamang ay nagtataka kung bakit ko sya sininghalan. "Tulungan ko na lang po kayo umahon. Akina ang kamay mo." at inabot sakin ang kamay nya.

I smiled secretly. Might as well join me here. Kapag nahawakan ko na ang kamay nya, hihilahin ko sya pababa.

Aabutin ko na sana ang kamay nya nang bigla nya itong binawi. Aalis na sana sya kaya tinawag ko siya.

"WHERE THE HECK DO YOU THINK YOU'RE GOING?!"

"Teka lang, Ma'am. Naje-jebs ako."

"What? What's 'jebs'? Hoy tulungan mo 'ko dito!"

"Sige. 'Wag kang aalis diyan. Basta, babalikan kita. Hintayin mo lang ako. Babalikan talaga kita. Pramis!" sabi nya at tatawa-tawang pumasok ng bahay.

Damn! Naisahan nya na naman ako! ARGGH! Pumasok ako sa bahay. I look like basang sisiw tuloy!

"Anong nangyari sa'yo, Tina? Umulan ba?" tanong ni Manang Concia nang makasalubong ko sya.

"Pakihatid na lang po ng pagkain sa kwarto ko." Badtrip pa rin ako sa kumag na yun. Nakooo! Wag na wag sya magpakita sakin ngayon kung gusto nya pang sikatan ng araw!!!

Umakyat na ako sa kwarto. Bago ko pa man din isara ang pinto ay may narinig pa kong kumakanta.

"Heto ako oooh.. Basang-basa sa ulan.."

That jerk! He's going to pay for this!!!

~StrangerInDisguise~

When Malditang Amo Meets Pilosopong HardineroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon