Chapter 4: Clash

24 0 0
                                    

Tina's POV

I can't believe this! I really can't believe this! Parang isang bomba ang sinabi ni daddy na sumabog sa harap ko. Kaya sa inis at galit ko kanina, umakyat ako sa kwarto ko ng walang paalam.

Ugh! I swear. If he thinks na tapos na kami, nagkakamali sya. Dahil ngayon pa lang ako mag-uumpisa.

***

Maaga akong nagising at naligo because today is the first day of school and I am soooo excited coz that means, makikita ko na ulit si Kysler.

I smiled when I remember him. Well, Kysler is my childhood sweetheart. Kysler is the son of Tito Manuel who happens to be a long time bestfriend ni daddy. So, bata pa lang din kami ay kilala na namin ang isa't isa.

Until one day, I realized na I am falling for him. Yes, I like him so much that I even ask daddy and Tito Manuel na ipagkasundo kami. But unfortunately, pinagtawanan lang ako ng dalawa. Ang sabi pa nila, hindi nila panghihimasukan ang private lives namin. They were just here to guide us, but it is still up to us if we fall to each other. Because for them, love is something that you can never force to someone.

Well, they got a point there. Ayoko din namin na maging kami lang ni Kysler just because pinagkasundo kami.

So, what I will do is to make him fall for me.

Bumaba na ako at naabutan si dad at Lyle sa dining table. I silently sat at the right side of dad which is in front of this Monkey. Nagsimula na kamimg kumain.

Masama pa rin ang loob ko kay dad dahil sa nangyari kagabi pero hindi ko pinahalata.

Because in this game, I realized na kapag pinatulan ko tong kutong lupang to sa harap ni daddy, ako pa rin ang magmumukhang masama. I have to play my cards well.

"So Tina, since Lyle is a transferee sa school nyo, I expect na ikaw din ang magto-tour sa kanya. The two of you are taking up Business Administration at hindi ka rin naman mahihirapan kasi parehas na kayong 3rd year. It means, lagi kayong magkasama so I expect that you get along with each other, okay?"

Pinilit kong ngumiti, "Sure dad. Ako na ang bahala sa kanya."

Mukha namang nagulat si daddy ngunit sa huli ay napangiti na rin, "Really, princess? Mukhang maganda na mood natin ngayon ah."

"Well, I realized na may mali naman talaga ako. I should not have done that to Lyle." I looked at Lyle, "I am very sorry." sabi ko. #FeelingSincere

Ngumiti siya habang kumikinang ang kanyang mga mata. As expected of this guy, halata nyang nagkukunwari lang ako. "Apology accepted."

"By the way dad, since it's the first day of school, we need to be early po. So can we like go na?"

Napanganga naman si Lyle na susubo pa lang sana ng bacon.

"Are you sure, princess? Hindi pa kayo tapos kumain, di ba?"

"No, it's okay dad. Tapos na kami." I smiled sweetly. "Di ba, Lyle?"

Halata naman ang pagtataka sa mukha niya, "Ha? Tapos na tayo?"

"Oo nga. Tapos na tayo, di ba?" sabi ko sabay sipa sa paa nya sa ilalim ng lamesa.

"Aray!" sigaw ni Lyle.

"Woah. What was that? May earthquake ba?" nagtatakang tanong ni daddy. "Ayos ka lang ba, hijo?"

Nginitian ko sya habang masama naman ang tingin nya sakin. "Ayos lang po ako. Medyo pinulikat lang po."

"O siya, sige. Umalis na kayo. Baka mahuli pa kayo sa klase." nasabi na lang ni dad.

Tumayo na ko at hinila sa kamay si Monkey. Dumiretso kami sa labas habang hinihintay na kunin ni Samuel ang sasakyan sa garahe.

"Ba't hindi mo naman sinabi sa'kin na gusto mo lang pala ako ma-solo, Senyorita." nakangising sabi nito.

I glared at him, "Excuse me?"

Nakangisi pa rin sya at ininguso ang magka-hawak naming kamay.

I twisted his right hand and stepped on his foot. Napangiwi naman sya sa sakit habang hinihimas ang kamay niya. "Yan ang bagay sayo!"

"Nakaka-dalawa ka na ha! Ano bang problema mo? Bat ang laki ng galit mo sa'kin?" inis na tanong nito.

I flipped my hair, "Simply because, I do not like you. Now, give me back my credit and debit cards and money."

He smirked, "Pagkatapos mo akong tadyakan sa ilalim ng lamesa kanina, hindi ko natapos ang pagkain ko kasi kinaladkad mo ko dito sa labas, pilipitin ang kamay ko at tapakan ang paa ko.. Sa tingin mo, ibibigay ko sayo ang gusto mo? Ang tindi mo. Kung naging mabait ka lang, ibabalik ko naman talaga sana. But, nah. I changed my mind. Because if you can manipulate everyone, then ibahin mo ko. I will not tolerate that kind of attitude."

Hindi ko alam kung saan ako napanganga. Kung sa sinabi ba niya o sa pag-eenglish nya. I can't believe the guts of this guy!

Tinalikuran niya na ako at pumasok sa loob ng sasakyan na hindi ko namalayang naghihintay na pala sa amin.

Hindi pa tayo tapos.

~StrangerInDiguise~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Malditang Amo Meets Pilosopong HardineroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon