Kaibigan nga lang ba?

11 1 0
                                    

Masasabi mo bang mali ang magmahal kung ang taong minanahal mo ay kaibigan mo? Oo, mahirap umamin.

Mahirap kasi baka masira yung friendship na iniingatan mo. Baka isang araw di ka nalang niya pansinin. Baka iwasan ka niya. Baka mailang siya sayo. Pero kung hindi ka aamin sa kanya, paano kung mahal ka rin pala niya? Di ba sayang naman?

Eh paano naman kung rejected ka? Edi sana di ka nalang nagtapat.

Pero dapat pagdating sa love, you have to take the risk. Kaya dapat iready mo na yung sarili mo sa mga bagay na maaaring mangyari.

Sa pag-ibig, masasaktan at masasaktan ka talaga. Walang hindi nasasaktan sa pag-ibig. At kung hindi ka man nasaktan, I can assure you na hindi yun love.

Mahal ko ang kaibigan ko, higit pa sa isang kaibigan. Pero anong magagawa ko? Eh kaibigan nga lang ako. Baka iwasan lang niya ako kapag nagtapat ako.

Dapat ba akong magtapat sa kanya o hindi? Nanghihinayang ako kapag nareject ako kasi baka iwasan niya ako at masira yung friendship namin.

Paano naman kung mahal din pala niya ako? Haaaay, hindi ko talaga alam. :(

Friends or lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon