Chapter 2
Angelic's POV
"Angeeeeeeeeel! Gigising ka ba o bubuhusan pa kita ng malamig na tubig dyan?!" napabalikwas nalang ako sa kama ng marinig ko yan mula sa first floor ng bahay namin.
Tama ang hinala niyo, nanay ko ang sumigaw niyan.
Naisip ko nga minsan na pwede ipampalit sa sirena ng ambulance at bumbero ang nanay ko. XD
Hahaha! Ang sama ko, lol. ^_^v
"Bahala ka malalate ka na namaaaaaaaan!" sigaw ulit ng nanay ko, automatic namang napatingin ako sa side table ko at viola! 6am na!
Grabe, malalate na ko! Kaya naligo at magbihis na agad ako.
Tapos bumababa na ako at nagpaalam na papasok na, sa school nalang ako kakain kaysa naman malate.
After 10 minutes nasa school na ako. 6:44 am na at nasa rules ng classroom namin na 6:50 am dapat nasa loob na ng classroom, eh medyo malayo yung building namin kaya tumakbo nalang ako.
Sa di inaasahang kashungahan eh may nabunggo akong isang lalaki. Oh, imagination niyo na naman!
Akala niyo siguro magsslow motion ang lahat noh? Tapos mahahawakan niya yung kamay ko at magtititigan kami?
Ano kayo chicks? De joke lang. XD
"Anak ka naman ng tinolang manok! Late na nga binubunggo pa!" nasabi ko nalang dun sa nakabunggo ko dahil nalaglag yung mga gamit ko.
Basta ko nalang kinuha ang mga gamit ko at umalis na, mahirap pag nalate. Community service kaya! -___-
Hingal na hingal akong pumasok sa room namin tapos pagkapasok na pagkapasok ko
"Di ako late *hinga hinga* 6:50 exact!" sabi ko dun sa president namin habang pinapakita yung wrist watch ko sa kanya, tinanguan lang niya ko kaya bumalik na ko sa upuan ko.
"Allysa, bili lang ako sa canteen. Maawa ka na di pa ko nagbbreakfast. Gusto mo bang mamatay ako sa gutom? Grabe, di makatarungan yun!" pagpapaalam ko dun sa President namin.
"Grabe Angelic, yun lang. Ang drama mo. Sige na at bumalik ka agad." sagot niya sakin at pinuntahan ko naman si Kaye para yayain bumili.
Busy kasi si Clarize dun sa doodle na ginagawa niya. =___=
"Angel, kailan daw ba tayo maguumpisa dun sa Music?" tanong sakin ni Kaye.
Ang totoo eh hindi ko din alam kung kailan. XD
Matanong nga mamaya sina Charm. Hahahaha! :P
"I dunno :P" sagot ko sa kanya tapos nagdiretso na ako sa canteen at sumunod siya.
Bumili ako ng burger, goya, lasagna, nova, chuckie, at lays. Oo, ako na ang gutom. XD Mamaya ko namang Math kakainin yung iba. :P
"Ang takaw mo Angel =____=" sabi sa akin ni Kaye pero di ko na siya pinansin. Eh sa gutom ako may magagawa ba siya? :P
~~~~~~~
Yvan's POV
Naglalakad ako sa hallway ng may biglang babaeng nakabunggo sakin, nagmamadali siguro kasi hindi na tumitingin sa dinadaanan niya.
"Anak ka naman ng tinolang manok! Late na nga binubunggo pa!" sigaw niya nang malaglag ang mga gamit niya.
Agad niya namang kinuha ang mga ito at dali-dali nang umalis.
Takot sigurong malate, baka terror ang teacher nila sa first period?
Pero familiar talaga yung babaeng yun eh.