Chapter 1

10 0 0
                                    

"Nakatunganga na naman ang pangit." sabay bato ng crumpled paper sa kaibigan nyang tulala sa kawalan.

"Ano ba diana? Hayaan mo na muna yan syempre broken-broken muna yan kasi iniwan nung unggoy nyang ex for the um wait pang ilan na nga ba? Shems i lost count sorry." dagdag pa ng isa nilang kaibigan.

"Gaga! hindi na kami nagkabalikan ni Diego 'no!" sagot ni Tori sa mga nang-aalaska nya na namang kaibigan. "Wow praise the Lord" sabay tawa ulit ng mga kaibigan nya. Sya naman napabalik ng tingin sa laptop nyang nagcha-charge.

"Tagal mag-charge nito hayop!" reklamo nya.

"Palitan mo na kasi yan! Dami-dami mong pera ih" sabi ni Lea habang nakatingin na rin sa sariling laptop.

"Sana nga ganun lang kadaling manghingi ng pera dun sa pamilya ko." bulong nito.

"Bakit hindi ba? As far as I can remember laging tumatawag sayo yung nanay mo para tanungin kung anong kailangan mo o kung anong gusto mo. Ang dali dali lang sabihin na "mom, i need a new laptop" yun lang be."

"Yeah, and in return kukulitin nila ako na pumayag na sa gusto nila. No way! Tsaka ano bang masama dito sa laptop ko? Maayos pa naman sya ha, mabagal nga lang mag-charge but i can work with that naman." defend nito.

"Anyways, I heard na may bagong pasok na member sa org natin ha. Mukha daw malakas ang connections kaya may posisyon agad sa org." sabi ni Diana. Napatingin naman dito ang dalawa nyang kaibigan.

"Paolo Gimenez daw name, not sure." tuloy nito.

"Paolo Gimenez? Student din dito?" tanong ni Tori.

"Malamang. Alam mo maganda ka lang pero wala ka talagang utak." asar na naman ni Lea.

"Gusto mo hindi makapag-hapunan dito sa apartment ko mamaya ha?" panakot na asar nito sa kaibigan.

"Ito naman bestfriend! Joke lang yun." sabay lapit nito sa kaibigan para lambingin.

"Pero anyway, sabi mo may posisyon agad sa org. Hindi ba yun parang unfair?" tanong ni Lea.

"Anong parang? Unfair talaga yun. I mean we have to earn the position we have right now tapos para lang sa kanya na madaling nakapasok dahil lang sa connections na meron at magkaron agad ng posistion wow!" reklamo ni Tori.

"Wow may pinaglalaban. Ano? Banatan natin?" sabi ni Lea habang tinutusok ang braso ni Tori gamit ang daliri nya na sinamaan naman ng tingin ng kaibigan. "charot lang syempre, ito naman highblood masyado."

"Tapusin na nga natin yung mga ginagawa natin, baka mandilim pa paningin ko dito kay Lea." natawa naman silang magkakaibigan sa asaran nila.



"Hi babe!" masiglang bati ni Diego kay Tori na maabutan nya ito papasok ng school grounds.

"Mama mo babe" pambabara ni Tori.

"Oy miss mo na mama ko? Tara sa bahay mamaya." asar ni Diego.

"Ano ba? Mukha ba akong nakikipagbiruan sayo? Layuan moko baka kung ano pa magawa ko sayo." pagbabanta na nito para sana ay lubayan na sya ng mukha nyang unggoy na ex na ilang beses na sya niloko sa mga freshmen ng school nila.

"Woah! Init naman agad ng ulo nito umagang umaga. Dahil ba coding sasakyan mo ngayon?"

"Isa pa talaga Diego. Please lumayas-layas ka na sa paningin ko." sigaw na nya dito.

"Sa paningin mo lang? Ay sabagay nasa puso mo pa pala ako." sabi nito habang nagsimula nang maglakad pabalik sa mga kaibigan nito habang nakatingin sa kanya.

"Gago!" sigaw nito sa sobrang inis nya.

Mas binilisan na nya ang lakad papunta sa main building ng school nila dahil baka pag naabutan ulit sya ng ex nya baka kulitin na naman sya.

Meron silang meeting sa organization nila para mabigyan ng proper welcome ang bago nilang member na kinaiinisan nya na agad dahil sa pagka-biased nito. She knows how hard she worked for it para makakuha ng position sa org nila, she had sleepless night just to come up with an idea sa gagawin nilang bagong libro.

Their organization was more about literature, they write novels, poems, etc. and they are publishing it hoping na makilala yung mga writers na meron sila plus mae-endorse rin nila yung school nila kaya naman hindi ganon kadaling makapasok sa org na yun dahil sobrang daming qualifications na dapat maipasa. She was currently in the position na lahat ng story na gagawin ay kailangan ng approval nya bago mai-propose sa mga seniors nila para i-publish.

As soon as she opened the door she saw a fine young man reading one of the books na naka-display sa table nila. She already knew na siya yung bago dahil sa 4 years na nadito sya sa organization nila kilala na nya lahat ng members. This one is definitely not familiar.

"Hi, you must be the new member?" bungad niya. She has to be nice diba?

"Yes. Paolo Gimenez but you can call me Pao or whatever you wanna call me, i don't mind." he laid his hand for a handshake na tinanggap nya naman.

"Paolo na lang. I'm Victoria Samuels." pakilala nya rin.

"Samuels? So may lahi ka?" tanong nito.

"Oo. My dad's white, yun mom ko Filipino-White." sagot naman nito. Niyaya nya naman ito na umupo since napagod sya papunta sa main building.

"So um, ano pala course mo?"

"English Lit.."

"makes sense." nginitian nya na lang ang sinabi nito dahil hindi nya na alam ang sasabihin.

"Anyways, ano pala position mo dito sa org?" He asked kaya naman napa-straight sya ng upo. she thinks it's time to tell him kung ano ba sya sa org na to.

"I'm in the critics." 

"So medyo mataas position mo pala." he asked. "Parang ganun na nga."

"I've been here since freshmen pa lang ako and i've worked hard para lang makakuha ng position kaya ganun" she said na konting pagpaparinig na rin pero this guy doesn't seem affected.

She excused herself para gumawa ng kape nya since hindi na sya nagkaron ng oras para makabili ng kape nya kanina on the way sa school dahil akala nya male-late na sya sa meeting but it turns out medyo maaga pa pala sya.

Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang ibang member hanggang sa makumpleto na sila.

"Everyone, I know na na-meet nyo na kanina ang ating pinaka-bagong member Paolo." pagsisimula ng head ng org which is Sir Rafael.

"Now I know that it may sound unfair since most of you here started when you were a freshmen but we've decided to give Paolo a position already dahil sa connection na meron ang pamilya nya. You see, his family is in the business of publishing and we needed him and his knowledge about it to expand more our work and who knows baka mas makilala na talaga tayo." He informed everyone which is hindi na nakakagulat kasi nalaman na namin ang plano nila nung weekend pa lang.

"We think na he is suitable sa Critics that's why we want to give him that position." nagpantig ang tenga ko ng marinig ko iyon. Wait! That's my position!

"Um, sir. If you're going to give him that position, my position, ano na pong mangyayari sakin?" I asked.

"Don't worry Tori, ofcourse hindi ka namin nakalimutan. We don't wanna lose a talented Lit like you kaya hindi namin tatanggalin sayo ang position na yun. You just have to share it with Paolo." Share my what? My position? Tumingin ako sa direksyon nila Lea at Diana. They too were also shocked.

"So do you agree with it?" Sir Raf asked me at wala na akong nagawa kundi ang tumango.

to be continued..

Find Me Again, PeterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon