Chapter 2

6 0 0
                                    


Tori's Point Of View

I went straight sa klase ko after ng meeting namin. It was adjourned three hours ago at hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get-over sa sinabi sakin kanina. Hindi naman sa nagdadamot ako ng position sa org pero hindi ba hasssle yun? I mean possible na magkaron ng pagkokontra saming dalawa lalo na kung magkaiba kami ng standards.

Plus, I also feel uncomfortable sa kanya, it's like there is something in him saying na I shouldn't be around him. Or is it just me?


"Yeah as if naman papayagan ako ng boyfriend ko na sumama lalo na't alam ng barkada kung ga'no ka kapokpok" narinig kong sabi ni Lea pagkalapit ko sa pwesto nila sa bleachers ng field namin.

"Oy grabe ka! Sige na please! Ako na magpapaalam sayo dyan sa lintek na yan. Tsaka don't you support my kalandian?" paghihimutok ni Diana.

"Hindi! Lalo na nadadamay ako. Remember the last time? Muntikan nang maudlot yung celebration namin ng anniv kasi galit sya sakin dahil sa kagagahang ginawa mo?" Tutol pa rin ni Lea.

"Ano bang meron?" singit ko na sa kanila.

"Ayan si Tori yayain mo oh! Wag ako Diana, pamilyado nakong tao." Binatukan ko naman sya.

"Hoy magjowa pa lang kayo ni Kian!" nag-peace sign na lang ang bruha. "Seriously ano ba kasing meron?"

"Yan kasi si Diana niyayaya ako na sumama sa Rockwell kasi may imi-meet daw sya na nakausap nya sa Tantan."

"Hoy bakla! May bago ka na naman? Tsaka Rockwell talaga?"

"Last na to promise, after nito burahin ko na Tantan ko. Want ko na jowa"

"Hmm gusto kitang samahan kaso mag-aayos ako ng gamit dun sa office ko sa org room. Alam nyo naman may kahati nako sa office." sagot ko. "Ay oo nga pala jusko jowa na ba this?" asar ni Diana.

"Jeje mo hayop ka. Tsaka hindi naman ako jowang jowa no, also hindi ko sya type."

"Really? Ang gwapo kaya nun." sabi ni Lea. "May jowa ka ha." paalala ko sa kanya.

"Bakit? Sinabi ko lang naman na gwapo yun hindi ko naman sinabing lalandiin ko yun." defend nya sa sarili nya.


After class dumiretso ako sa org room namin kasi usapan namin na ngayong araw din kami mag-aayos ng office. Well hindi naman sya masyadong nagagamit since usually inuuwi ko yung mga pinapasa sakin tapos dun ko nire-review sa apartment ko kaya konti lang yung kalat na nandito.

Naabutan ko si Paolo na naka-upo sa sahig at binabasa yung mga approved papers sa mga drawers.

"Hi" bati nya agad sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.

"I hope  you don't mind na binabasa ko 'to, na-curious lang ako." sabi nya. "No, it's fine." simpleng sagot ko. Nilagay ko naman yung bag ko sa desk ko.

I started moving my desk sa bandang gilid mula sa dating pwesto nito na nasa gitna para magkaron ng space yung desk nya. Nang makita nya akong tinutulad ang desk ko ay tumayo sya at tinulungan ako na ilipat desk ko.

"Salamat." sabi ko sa kanya nang malagay na namin sa tamang pwesto yung desk ko.

"Wala yun." ngumiti sya sakin. "Alam mo hindi ko alam kung galit ka sakin or ayaw mo lang talaga sakin or sadyang tahimik ka lang. Unti-unti ko na tuloy iniisip na socially awkward ka." dagdag pa nya.

"I'm a Lit, i'm good at writing not speaking." sagot ko sa kanya.

"Really? Sorry. Napaka-seryoso naman. Smile ka naman dyan." i faked a smile, yung halatang fake.

"Grabe talaga." sabi nya at umupo sa desk ko.

"Alam ang ganda mo sobra, pero pamilyar ka sakin. Nagkita na ba tayo dati?" natawa ako sa sinabi nya.

"Really? Gasgas na yung linya na yan, and besides I don't have any plan na pumatol sayo." sagot ko at sinimulang pulutin ang mga nakakalat na mga papel.

"No seriously, I feel like we've already met. Kilala mo ba si Jay? Karl? Lexus? Silver? Or gumamit ka na ba ng dating app before at nag-match tayo?" tanong nya ulit.

"Nope, nope, and nope." sagot ko habang patuloy pa rin sa pagpupulot. "Hmm siguro nga." Suko nya.

Minutes passed at tahimik lang kaming naglilinis ng office.

"Ang tahimik mo hindi ko kaya to. Usap naman tayo." biglang sabi nya.

"Ano namang pag-uusapan natin?" tanong ko dahil wala naman akong pake kung hindi kami nag-uusap.

"Anything. Ask me about my life." suggest nya. "Hindi naman ako interesado sa buhay mo." sabi ko agad. Napatigil sya at natawa sa sinabi ko.

"You really are different. Were you always like that?" He asked. "Like what?" tanong ko pabalik.

"You know, burning people." 

"I'm not violent as much as I remember." natawa ulit sya sa sinabi ko.

"Don't you find me attractive?" tanong nya na lang bigla. "No." sagot ko kaagad.

"See you're violent." natawa na rin ako sa sinabi nya.

"Ayan marupok ka rin pala. Ngingiti ka rin pala ih." nawala ngiti ko.

"Ay bakit binawi?" lumapit sya sakin at hinawakan ang pisngi ko na parang pinapangiti ko. "Ayan ganyan dapat."

Nilayo ko naman mukha ko sa kanya. "Pokpok mo naman." sabi ko.

"Anong pokpok dun?" tanong nya na parang natutuwa.

"Gusto ko nang umuwi so linisin na natin to." wala na syang nagawa at nagpatuloy na sa paglilinis.



"Bakla ka akala ko ba hindi ka pinayagan ng jowa mo?" 

"Mapilit kasi si Diana. Sorry Tori. Book na lang kita ng grab gusto mo?" sagot ni Lea sa kabilang linya. 10pm na at nasa Rockwell sila Lea at Diana na dapat ay kasabay ko umuwi ngayon dahil coding ang sasakyan ko.

Medyo napatagal pa kasi pag-aayos namin sa office since nagkaron pa kami ng agreement ng mga genre na gagawan namin ng critic para wala kaming pakialamanan ng trabaho.

"So ano isasabay ba kita?" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Pagkalingon ko si Paolo lang pala.

"Pwede ba walang gulatan." sabi ko at hawak sa dibdib ko para damdamin yung bilis ng tibok ng puso ko.

"So ano nga isasabay na ba kita? Ganito naman diba usually mga nasa libro? Ano?" asar nya which is totoo naman. Ilang beses na akong nakabasa ng ganun sa mga nababasa ko.

"May kotse ka ba?" tanong ko. Tumango naman sya. "Edi pasabay. Sayang pamasahe."

"Kaso coding ako ngayon." napanganga ako sa sinabi nya.

"Akala ko ba may kotse ka?" 

"Meron nga kaso hindi ko dala. Mali naman kasi tanong mo." nakangiti nyang sagot.

"Tara sabay na lang tayong uwi. Ayaw mo nun mas magkakasama tayo ng matagal." asar nya.

"Wag na lang." sabi ko at nagsimula nang maglakad palabas ng University namin. "Oy grabe ka kotse ko lang pala kailangan mo."

"Sa ngayon lang kasi coding din kotse ko ngayon." sabi ko habang patuloy pa rin na naglalakad habang sya nakasunod sakin.

"Meant to be, parehong coding kotse natin." hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkakalad.


3rd Person's Point of View

Nagkita na sila, ang tagal ko nang hinintay to. Makakasama ko na ulit ang mahal ko.

"Pasensya na pero para to sa kaligayahan naming dalawa."


to be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Find Me Again, PeterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon