Naeun's pov
Habang andito kami sa klase, tumahimik ang school ng mga ilang araw hanggang sa may narinig kaming sumigaw nang malakas sa may campus at napadungaw kaming lahat to see na isang lalaking students ang naka tusok sa may entrance gate.
"She's starting again" sambit ni Luhan at nagka tinginan kaming lahat sa isa't isa
napansin namin yung sugat ni Bomi sa kamay at mukhang lumalala eto
"Lumalala yang sugat mo Bomi" pag aalala kong sabi sa kanya at tinignan niya lang eto
"It's okay as long as we keep searching who's controlling Eun's necklace" sabi niya at agad siyang lumabas nang Classroom namin at sumunod naman kami sa kanya
Nakita namin yung lalaking student na yun na halos labas na ang dila niya sa pagkaka tusok niya ng bakal sa kanyang dibdib habang naka sabit pa din siya doon.
At napansin namin si Bomi na parang may napansin sa may di kalayuan sa Garden
"Bomi, okay ka lang?" tanung ni Chorong sa kanya
"Maghanda kayo, muli siyang darating ngayong gabi" sambit niya at napansin naming padilim at mukhang uulan na naman ng malakas at mag didilim na naman na parang gabi ang kalangitan
(Student time of death : 7:10 am)
at sa hindi namin napansin, nawala bigla si Bomi
"Guys, where's Bomi?" panic kong tanung sa kanilang lahat at nag simula naming tinawag ang kanyang pangalan
Bomi's pov
Pumunta ako dito sa may rooftop at ayun na nga humangin na ng malakas at parang nagiging ipoipo na naman ang paligid dahil sa lakas ng hangin.
"Eun ! Alam ko kung gaano mo ako minahal at alam mo din kung gaano kita minahal, nag sisisi ako na iniwanan kita nun pero Eun nag kamali ako oo at inaamin ko yung kamalian kong yun, kaya sana Eun tapusin mo na toh, tapusin na natin toh nag mamaka awa ako sayo" pasigaw kong paki usap sa kanya ng umiiyak
at sa di ko inaasahan may lumabas na babae galing sa may pintuan ng rooftop all black at naka hoodie eto, hanggang sa...
"Long time no see, Bomi" at sa pagkatanggal niya nung hoodie niyang yun
"Althea?" oo si Althea, ang kapatid ni Eun. At napansin kong naka suot sa kanya ang kwintas ni Eun
"Ikaw, Ikaw ! Ikaw ang gumagamit ng kwintas ni Eun" sambit ko sa kanya ng matigas
"Oo Bomi ako nga, at sa pamamagitan neto nakakaganti ako sa lahat ng ginawa mo sa kapatid ko" pasigaw niyang galit sa akin habang nag iikutan kami
"Hindi ba dapat kayo ng pamilya mo ang magbayad sa lahat? dahil kayo ang pumatay sa pamilya ko" sigaw ko ding galit sa kanya pabalik
"Quits na tayo Bomi, pinatay mo ang kapatid ko kaya buhay din ang siningil ko" matigas niyang sabi sa akin.
"Ilang buhay pa ba ang sisingilin mo para sa pagkamatay ni Eun? Hindi ko pinatay ang kapatid mo, pinatay niya ang sarili niya" sumbat ko pa
"Oo pinatay niya ang sarili niya dahil sayo Bomi" sumbat niya din pabalik sa akin
at nag simula na ngang dumilim ng dumilim na parang gabi at bumuhos na ang malakas na ulan
"Bomi" at narinig ko ang tinig ni Eun sa malambot na tinig
"Eun wag na wag kang mag tataka" sigaw ni Althea at lumabas nga ang multo ni Eun
"Althea hindi ko na gusto toh, isang buhay lang ang meron ako nung nabubuhay ako Althea, at kahit pa kumuha ka pa ng ibang buhay ng tao hinding hindi pa din ako mabubuhay" sabi ni Eun sa kanyang kapatid
"Hindi Eun, anim na lang ang natitirang buhay na kailangan ko at mabubuhay ka na ng tuluyan, kaya wag kang maging tanga Eun" sabi niya pa
At sa hindi ko inaasahan nag orasyon si Althea sa kwintas ni Eun
"Anim na buhay ang kailangan ko Bomi, at babalik na ang kapatid ko sa amin" sabi niya at pagkatapos niyang sabihin yun nakita kong nag ibang anyo si Eun
"Nahihibang ka na Althea, sa bawat pag hawak mo sa aking mga kaibigan wala ka nang makukuha pa na kahit ni isa sa kanila sa akin" sabi ko at agad akong kumaripas ng labas ng takbo para puntahan ang barkada ko
"Bomi ! Wag kang duwag" at narinig ko ang sabay na pag halakhalak nila Althea at Eun
At nakita ko ang barkada kong hinahanap ako sa kabilang hallway, at binilisan ko pa ang takbo makapunta lamang doon.
"Bomi" agad akong niyakap ni Luhan nang makita niya ako
"Si Althea, si Althea ang kapatid ni Eun ang kumokontrol sa kanya at andito siya ngayon para kumuha pa ng anim na buhay at mabubuhay na si Eun" sabi ko sa kanila habang hingal pa ako
"Anim? Bomi, 7:10 pm ang oras na namatay si Eun, 10 ang namatay nung mga unang araw, isa kanina at ngayon kukuha pa siya ng anim na buhay para mabuo ang pang pito sa orasan, at sa oras na yun doon muling mabubuhay si Eun" sabi ni Chanyeol
That's it, ngayon napag dugtong dugto na namin kung bakit 7:10 ang palaging oras na namamatay ang mga kasamahan naming mga estudyante at mga kaibigan namin ay dahil gusto niyang mabuo ang oras na namatay si Eun.
"Pero kung hindi magawang makapatay ngayon si Althea o Eun walang mabubuhay" patuloy pa ni Chanyeol
at na alala ko ang pagkamatay ni Eun, February 10 at 7:10 pm
"Dalawang araw na lang ang natitira bago ang death anniversary ni Eun, at sa pagkakataong eto, kapag wala siyang napatay sa atin 13 hindi mabubuhay si Eun sa mismong kaarawan nang kanyang kamatayan" sabi ko naman
"Bomi, Sehun is missing" biglang sigaw ni D.O at sinabihan ko silang wag mag panic at sabay sabay naming hinanap si Sehun hanggang sa nakita namin siyang nakalambitin ang kanyang paa sa may puno.
Gaya ng kay Lay sa kamay ang hawak niya nun kaya nung sinugatan ko ang aking kamay nawala siya, ngayon kung balak niyang lumpuhin ako sa paa gagawin ko.
"Luhan kutsilyo" sabi ko at nag taka silang lahat "Bilis Luhan" at inabot niya sa akin yung kutsilyo na yun
"Althea, mukhang nakakalimutan mo yata na malakas kami pero mas malakas pa din ang dugo ni Eun na dumadaloy sa aking katawan" sambit ko bago ko sugatan yung paa ko at doon dahan dahan na bumagsak si Sehun
"Sinisigurado ko sayo Althea, bago sumapit ang kaarawan ng kamatayan ni Eun wala kang mapapatay na kahit na sino sa aming lahat" sigaw kong galit at tumigil ang pag buhos ng ulan
"Sehun, okay ka lang?" tanung ko sa kanya
"Bomi ikaw yung mamatay sa pinag gagagawa mong pag liligtas sa amin, handa naman ako mag sakripisyo" sambit niya pa
"Hindi sehun, hindi ikaw o kayo ang mag sasakripisyo kundi ako. At sisiguraduhin kong maibabaon ng tuluyan sa hukay ang santa santitang Althea na yan kasama ni Eun" sabi ko pa at ramdam ko ang sakit nung sugat ko at unti unti etong lumalala.
Sisiguraduhin kong wala ni isa ang mamatay pa sa mga kaibigan ko.