Unang Kabanata

3 0 0
                                    

Sinipag magupdate ;D

_____________________________________________

Lindley's POV

 HI! Ako pala si Lindley Evanglehista at ako ay mayroong mahal simula pa nung bata pa ako siya ay ang aking bestfriend pero kahit anong gawin kong pag papansin sa kanya ay walang epekto. Buhay nga naman parang Life. 

Kung gusto niyong malaman kung sino ang tinutukoy ko subaybayan niyo nalang ang storya ko. 

Boring ang buhay ko pero hindi ako nerd pero hindi rin ako sikat na studyante. Sa madaling salita isa lang akong ordinaryong studyante.

Alam ko na ang storya ko ay maaaring nabasa niyo na sa iba a bestfriend relationship turns to a lovers. Pero hindi tayo sigurado sa mga magiging takbo ng buhay ko sa storyang ito.

Malay natin makatagpo ako ng isang lalake na kaya akong mahalin ng buo at hindi ko na kailangang magpapansin tulad nalang sa bestfriend ko. 

Pero sana hindi nalang dumating ang lalakeng yun. Sana manatili nalang siya kung nasaan man siya. Pero mas magiging masaya ako kung yung bestfriend ko yung lalakeng yun.

______________________________

"Uuuyyyy! Best ano ba yan tulala ka nanaman diyan! anong balita sayo?" huh? nakalapit na agad si Kent sa tabi ko? bakit hindi ko napansin?

"Uyy best ikaw pala yan?" tanong ko.

"Ayy hindi actually poster ko tong nakikita mo nagsasalita lang" pambabara niya sa akin.

"Sapakin kaya kita!" sagot ko.

"Chill best init agad ng ulo mo ea. Tatanda ka ng dalaga niyan sige ka." sabi niya. OUCH! malabo talagang mahalin niya ako.

"CHE! magugustuhan din ako ni James Reid tandaan mo yan! Maiba ako para yatang wala lang kasamang tuko ngayon?" pangiiba ko sa usapan. Hulaan niyo kung sino si TUKO dali!

"Sinong tuko best?" Nakuuuu patay tayo diyan hindi niya pala alam na tuko ang tawag ko sa kanya.

"Ayy mali pala best. Sorry wrong send. Si ano..... Si Elena hindi mo ata kasama?" tanong ko. Si elena ay ang gf na tuko ng bestfriend ko.

"Aah! May klase siya best. Mamaya pa kami magkakasama after class. Alam mo na aral aral muna. Miss ko na nga siya ea." sabi niya. Hayyy bakit kasi natanong ko pa!

"Hayaan mo na best minsan lang naman kayo maghiwalay ea. tsaka konting oras nalang uwian na!" sabi ko.

"Cheer up best!" dugtong ko sinubukan kong pasiyahin ang boses ko.

"Oo nga best! Pag nagkakahiwalay kami panandalian mas minamahal ko siya!" sabi niya. Para akong pinapatay sheeeeeezzzz.

Maya Maya pa ay dumating na si TUKO!

"Baby kong Kent namiss kita!" bungad niya kay kent. Helllooooo nageexist ako dito!

"Oh! baby! hello! Imissyou!" salubong naman ni Kent sa gf niyang tuko!

"Imissyoumore Baby! ILOVEYOU SO MUCH!" sabi ng tukong malandi!

"Iloveyoumore baby ko!" sabi ni Kent sabay hinalikan niya sa labi si elena 

Samantalang ako ay unti unting namamatay sa sakit! SHEEEEZZZZ LITERAL NA HEARTACHE ang meron ako! OUCHHHHHHH!

____________________________________

END OF CHAPTER ONE LOVEYOUALL GUYS!

My Love Since BirthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon