Araw ng Kalayaan

12 0 0
                                    


sa araw at oras na ito masaya ako sa paglaya mo
minsan hindi na basehan ang pagmamahal aking napagtanto
kundi ang kasiyahan mo at siyang kasiyahan ko
hindi ko hiniling na mapasakin ka at aking maging mundo
ngunit naririto ako, minumuni-muni ang pangalan  mo
oo, mahal kita mahal na mahal kita ngunit sapat nga ba iyon?
sa pagtahak mo palayo saakin  siyang paglaya rin ng ating mga puso
ngayon banayad at  payapa ang aking kalooban lumipas na ang kahapon
sa huling pagkakataon paalam irog ko,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Laru-Laruan: Mga tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon