CHAPTER 1

696 9 9
                                    

CHAPTER 1





"Ingat ka, Gazinnia hija. Uwi nang maaga, maliwanag?"





Nakangiting sambit ng Nana Flora kay Gazinnia na nakabihis na para pumasok sa eskwelahan.





"Opo naman."





Sagot n'ya. Tumango si Nana at nagmano si Gazinnia bago tuluyang naglakad papunta sa labas ng subdivision nila na may ilang minutong lakaran lang naman. Hindi naman ganoon kalayo pero medyo lang.





Dumiretso s'ya sa may waiting shed kung saan naghihintay ang mga estudyante sa school bus na sasakyan nila. Thirty minutes before class ay dumarating na 'yong school bus at masyado pang maaga sa ngayon kaya naupo muna s'ya sa may bandang dulo.





Ganito ang routine n'ya sa araw araw, gigising, kakain, maglalakad papunta dito, sasakay papuntang school, mag-aaral at uuwi na. Paulit-ulit lang. May mga araw na ang Papa n'ya na nagngangalang Andrio ang naghahatid sa kan'ya o sumusundo sa school kapag nandiyan ito pero madalas ay wala ito dahil palagi itong nasa trabaho.





Sa totoo lang ay dalawa sila ng kan'yang Mama na si Alissandra Gryen ang parehong workaholic at hardworking talaga kaya lumaki s'ya kay Nana Flora na dating caretaker ng bahay ng kan'yang Mama at Papa noong wala pa silang anak at bagong kasal pa lang.





Arranged marriage kasi ang nangyari sa kanila, kaya dalawang taon muna ang lumipas bago isinilang si Gazinnia, isang taon kasi bago inamin ng Papa n'ya sa Mama n'ya mahal nito si Gryen, at isang taon ulit kasi kahit kasal naman na sila, niligawan pa rin ng Papa n'ya ang Mama n'ya.





Araw-araw ay nasa trabaho sila, madalas kahit weekends ay nasa kompanya pa rin sila at nagtatrabaho.





Kahit naman wala silang oras kay Gazinnia madalas ay kinakamusta naman nila ito kahit papaano.. Nagbibigay pa nga sila araw araw ng pera kay Nana para daw sa baon n'ya pero hindi n'ya rin naman nauubos 'yon. Paano n'ya naman kasi uubusin kung 3,000 pesos kada araw?!





Out Of Her ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon