PROLOGUE

801 16 1
                                    

PROLOGUE





"Let us all welcome, Miss Gazinnia Nobela!"





Napangiti ang dalaga nang marinig n'ya ang pagtawag sa kan'yang pangalan. Agad s'yang tumayo at nagpunta sa stage, suot ang isang maroon na cocktail dress at off shoulder, nakasuot rin s'ya ng maroon pumps dahil alam n'yang hindi s'ya katangkaran.. Yumuko s'ya at nagpasalamat sa mga taong naroroon na nagpapalakpakan.





"Uhm, I just want to say thank you everyone for voting and for loving the dish that I made. I really appreciate it and I am also thankful that I did not disappoint your appetite. And of course, happy birthday to the owner of this restaurant! Wish you all the best. That's all thank you po."





Kinakabahan man ay nagawa n'ya pa ring ngumiti sa harap ng madla habang nagsasalita. She slightly bowed her head before she stepped out of the stage habang ang mga tao ay hindi pa rin magkamayaw sa pagpapalakpakan..





Birthday kasi ngayon ng Boss nila na owner ng isa sa pinakasikat at pinakadinadayo ng mga turista at mga tao na isang Filipino Restaurant sa buong lugar nila at nagpalaro ito--- sumali s'ya. Half Filipino ang may-ari mismo ng restaurant na ito at 'yong ibang workers ay ganoon din, ngunit karamihan ay pure Filipina katulad n'ya, kaya naman patok talaga sa panlasa ng mga tao ang mga pagkain.





Ang lahat ng mga bigating chef doon ay gagawa ng sari-sarili nilang dish at kung sino ang may pinakamasarap na gawa ay mananalo ng 500 dollars at makakasali pa ang gawa nito sa Specialty menu ng Restaurant. Boboto ang mga bisita at ang mga kapaa chef kung anong dish ang pinakanagustuhan nila ay 'yon ang makakakuha ng tumatagingting na 500 dollars! Habang ang consolation prize naman ay 250 dollars. So, hindi rin masama kahit hindi ka manalo. Atleast may 250 dollars!





"This is very delicious, Miss Nobela. You've never disappoint us with your dishes! Haha! Well, well, well, you wouldn't win if it is not. But of course other's dishes are also delicious but yours are incredibly outstanding. So you definitely deserve to win!"





Masayang bati ng host sa dalaga at nagpalakpakang muli ang mga tao. Nahihiya man ay ngumiti pa rin s'ya dahil sa sayang nararamdaman. Totoo ang sayang nararamdaman n'ya ngayon dahil minsan lang itong mangyari sa buhay n'ya.

Out Of Her ReveriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon