Ally says,
Charot lang po ang title feelingera lang talaga akes kaya wag tayo mangjudge hehe and lastly...
I, Ally signing in as your charoterang writer.
*******#Surprised
" hayst ano ba nangyare sainyo? ". chismosang tanong ni Chelzie, bestfriend ko since elementary
" wag mimosa chelz ". angal ni Gwyneth, tropa rin namin
Actually kaming tatlo lang ang magtotropa at heto kami ngayon, naglalakad papuntang milktea house para makapagchill.
Ang chismosang babae, Chelzie Josefino, ang pinakachismosa at maingay saming tatlo. Syempre, pinakamaputi at sabihin na nating pinakacute na rin.
Ang mature na babaita, Gwyneth Villaruel, pinakagalante saming tatlo at pinakamaganda na rin haha. Minsan maingay rin siya at talagang kami ang pinakamagkasundo.
At ako naman, isang ordinaryong babae at walang espesyal sa buhay ko. Ako nga pala si Alley Sheene Rosario ang pinakacharotera saming apat at tila nasampid lang sa barka dahil ako ay isang mahirap at panget lamang kumpara sakanilang dalawa ngunit kahit ganoon, andito pa rin sila sa tabi ko at thankful ako para doon.
" Huy Ally! Ano ba? kanina pa ako putak ng putak dito o ". Nakabusangot na saad ni Chelz
" Gaga! nagwewet dreams pa kasi ako sa pinsan mo " ani ko sabay halakhak
" Hala gago! Nagkajowa ka na't lahat lahat si Fourth pa rin " natatawang sabi ni Gwyn
" Oo nga, tigilan mo na pinsan ko huy at magkwento ka tungkol sainyo ni Troy " inis na saad ni Chelz
Hahahaha kahit kailan talaga pikon 'tong babaeng 'to! Pinaguusapan kasi namin si Fourth na pinsan ni Chelz na matagal ko nang gusto at si Troy , ang ke-bago bago ko'ng Ex.
" Mga itchoserang froggy, ako nga nakapagmove on na kayo pa kaya? Matagal ko ng sinabi sainyo na hindi ko kinaya ang LDR kaya ganern nangyare " maarte kong saad sabay irap.
" Jusko Ally bahala ka! Kehaliparot na babaita mo " saad rin ni Chelz sabay irap
Hmp, echoserang babaita. Pasalamat siya pinsan nya si Fourth ko Hahahahaha.
" Tama na nga! Order na lang kayo, sagot ko naman, basta saakin Lychee yung large " mahinahong sabi ni Gwyn
Buti pa siya kalmado at nanlibre pa. Yehey! walang bawas sa pera ko Hahahaha
Pumanhik ako sa orderan nang nakita ko si Chelzie na papunta din kaya nagkatinginan kami at BOOM! para kaming batang nag-unahan sa Counter at Bwiset! siya nauna umorder hmpppp.
" Wintermelon po, yung large tyaka isang Lychee pa po, large rin " proud na sabi ni Gaga sabay irap kaya binatukan ko siya Hahahahaha.
" Tanginamo " malutong niyang saad kasabay ng paglipad ng kanyang middle finger sa ere, Pikom amputs
" Hahahaha sorry sis " saad ko sabay turo ng Chocolate flavor kay ateng cashier
" Yung small lang po " magalang kong saadUmupo na ako sa table namin kaharap ng kalsada at ang silong lang ay tent.
" Anuna? Gora rin kaya tayo sa ibang bayan para naman magkajowa tayo jusko " saad ni Chelz sabay simsim ng kanyang milktea
" Ay mga zizteret, may sasabi----- " Napatigil siya sa pagsasalita nang may sinabi si Gwyn" Oo nga, Grade 11 na tayo at wala pa rin talaga " saad ni Gwyn sa tonong batid ang pag-sangayon
Agree rin naman ako kaso ayoko lang i-rush ang mga bagay bagay tulad nito at isa pa, loyal ako sa napupusuan kong si Fourth ngayong single pa ako. Haynako Bahala na si Lord, I trust him naman, hinding hindi niya kami bibiguin.
Napatigil kaming lahat sa pagsimsim at tila nalagutan ng hininga sa nasilayan naming grupo ng kalalakihan na kasama na rin ang labidabs ko. Tila tumigil ang mundo ko sa pagsilay sakanila na inaayos ang kanilang mga Mountain Bike na sikat sa Sports.
" Heto na nga dapat ang sasabihin ko eh " dismayadong saad ni Chelz
Muli kaming napasinghap ng i-angat nila ang kanilang tingin saamin dahil nakapuwesto kami mismo sa tapat ng gate
" Hehe " saad ko at pilit na ngumiti sa kabila ng pagka-bigla
Hayst bahala na si Apo Diyos kung ano mang itsura ko ngayon sa harap nila. Jusko ang gugwapo ng mga nilalang na ito. Mukhang hihimatayin na kaming tatlo sa pagkahumaling.
" Hi insan! " masiglang bati ni Fourth kay Chelz, Hayst nakaka-inlove pa rin ang boses niya
" H-hi k-kuya Fourth h-hehe " pilit na ngiti ring saad ni Chelz na tila nakafocus sa mga kasama ni Fourth, para siyang hayok na leon Hahaha
Aha! alam ko na, hinahanap niya siguro kung nasaan dyan si Dwayne na matagal na siyang nagugwapuhan Hahahaha lagot ka bitchera! Sa palagay ko ay apat lang silang andito
Kung nagtataka kayo kung bakit kami gulat na gulat ay dahil ngayon lang sila napagawi sa bayan namin dahil sa malayo sila nakatira kung kaya't gulat na gulat kami. Siguro ay nagpapalipas lang ng bakasyon rito. Oo Tama!
" O-oh m-my G-god " gulat pa ring saad ni Gwyn habang sinusundan sila ng tingin dahil papunta na sila ng counter para siguro umorder
" Mga gaga! Ay istil kent belib " matigas kong english na nakaharap na sakanilang dalawa
" Sabi na eh, dito sila magbabakasyon " excited na saad ni Chelz kasi naman malamang sa malamang doon sila matutulog sa bahay nila Chelzie dahil sila lang naman ang taga-ritong kakilala nila Fourth
" Hayst kainggit beshy " naiinggit kong saad na may kasamang lungkot dahil hindi ko makakapiling ang aking pinakamamahal
" I have an idea mga bilat " ganadong saad ni Gwyn kung kaya't nag-compress kaming tatlo sabay...
" Ano? " curious na tanong namin ni Chelz at mas lalong inilapit ang mga mukha kay Gwyn
Hinawi ni Gwyn ang aming mga feslaks sabay irap sa ka-OA-yan na naman namin haizt
" Haynako kasi ganito yon " buntong hininga ni Gwyn sabay singhap ng napakaraming hangin dahil magiging mahaba na naman itong explanation saaming dalawang bobita
" What if magsleep over rin kami sainyo? " saad ni Gwyn sabay harap kay bobitang Chelz
" What da pak? "
" Tangina? "Sabay naming saad ni Chelz na hindi makapaniwala sa ideya ng aming kaibigan.
***
See you next update!
, Charotera
BINABASA MO ANG
My Fourth, My Last
Teen Fiction" Love is something you can't explain " my mind flashes it a billion times and I am still feeling this something I can't explain. If this is Love, I don't want it. And yes, I am a young girl inlove with the man I wish I could have. I, Alley Sheene...