#Getting to Know Each Other
Matapos naming kumain ng umagahan, napagpasyahan naming tumambay lang muna sa salas kasama ang mga fafas dahil yun naman talaga ang pinunta namin dito
Jusko grabe kanina, di ako makakain ng maayos, Eh paano ba naman katapat ko sa mesa si Fourth na halatang sinadya ng mga bruhilda. Punyeta na lang talaga
" Ano na mga bilat? " pabulong na tanong ni Gwyn dahil nasa katapat na sofa lang ang apat. Ang gugwapo ahihihi
" Punyenye hirap magisip ng plano, nagbakasyon rin ata ang braincells ko " stress na saad ni Chelz at syempre pabulong din, nakakahiya naman pag usapan ito kapag maririnig nila
" Mga bruha, gora na lang tayo sa Cuyapo chill lang tayes doon o kaya Milktea ulit " saad ko. Ang Cuyapo kasi ay kabilang bayan lang, magtatricycle lang kami papunta don. Sana naman sumangayon sila
" Paano 'tong mga fafas? " saad ni Chelz sabay tingin sa mga katapat namin na busy pa rin sa paglalaro. Oo nga naman, hindi naman namin sila pupwedeng iwan dito, Ano na lang kakainin nila?
" What if ayain rin natin sila? " nakangising saad ni Gwyn, sabay naman kaming dalawa ni Chelz na napatampal saaming noo dahil hindi na naman magandang ideya 'to, ni hindi pa nga namin sila close eh
" Jusko bitchera tigil tigilan mo na nga yang kaka-what if mo, nakakatakot na ha " saad ko sabay irap
" Shunga advantage na iyon satin kasi you know na, getting to know each other " maarteng saad ni Gwyn na may kasama pang hand gestures ng couple niyang fingers
Hmm, may point naman siya kaso nakakahiya naman talaga diba? wala pang isang araw kaming magkakasama, magaaya na agad kami? Jusko at isa pa, kami ang babae tapos kami ang mag-aaya? pero may point talaga siya eh. Tyaka makikilala ko na rin nang husto ang pinakamamahal ko
" Ano? tulaley na lang " saad ni Chelz na may kasama pang kaway sa harap ng mukha ko kung kaya't napabalik ako sa ulirat, sasagot na sana ako nang...
" Ano pinagbubulungan niyo? " sabay sabay na tanong ng apat na may mukhang nagtataka, bakas na bakas ang kyuryosidad sa guwapo nilang mukha kaya medyo natawa ako
" Ha? ano kasi hehe, pinaplano naming lumabas alam mo na, para di boring " kinakabahang saad ko sabay awkward na ngiti. Nako naman, sana hindi ako mukhang tanga sa harap nila
" Ah ganon? pwede kami sumama? " si Dwayne naman ang nagsalita ngayon. Sinulyapan ko si Chelz para siya ang sumagot Yieeeee hahahaha, inirapan niya naman ako sabay baling kay Dwayne
" Ha? hahaha oo naman " halatang nahihiyang saad ni Chelz, asus humaharot si mayora niyo
Pero teka teka---- makakasama namin sila sa kabilang bayan?! Eh?! ewan ha pero ang awkward kasi, hayst ano pa nga ba?
" Eh ano ba gagawin niyo dun? " si Tyrone naman ang nagsalita at agad agad namang sinagot ni Gwyn, nabanggit niya kasing si Tyrone ang pinaka-bet niya sa anim ahihihi
" Ay magmimilktea lang siguro tyaka libot libot " medyo nahihiyang sabi ni Gwyneth the konting malandi Hahahaha
I smell something fishy sa bruhildang ito, maasar nga mamaya. Pero bago pa yan heto na kami at nag-aayos matapos maligo. At kaloka ha, ilang oras kaming naghintay kasi iisa ang banyo rito jusko, ang laki laking bahay dalawa lang ang banyo. Stress na tuloy ang bangs ko. Pero heto nga ako naglalagay ng liptint at powder sa mukha ko dahil ayoko namang magmukhang sampid sa kanila.
" Magshoshorts tayo ha, init eh " saad ni Chelz na medyo hindi ko sinangayunan, hindi ba nakakahiya sa mga boys? Makinis naman kaming tatlo pero bilang tao nakakaramdam rin ako ng hiya kapag nagsusuot ng maiksi
" Beh sure ka? " tanong ni Gwyn, isa pa 'to hindi rin kasi niya nahiligan ang pagsusuot ng maigsi kaya heto kami ngayon, confuse sa isusuot namin
Haynako bahala na, nagsuot na lang ako ng square pants at t-shirt na tinali sa bandang tyan saka snickers pangpadyak. Odiba kahit papaano maayos at marangal chars. Si Chelz naman ay naka shorts na highwaist at oversized shirt na tack in, nakasnickers rin siya. At si Gwyn syempre ay pants, tshirt at snickers, wag kayong ano iyan ang usual na panggayak niya
Sinilip namin ang boys at mukhang ready na sila. Naka maongshorts lang sila na hanggang tuhod at t-shirt, nakatsinelas lang sila pero mga guwapo pa rin ahihihi.
" Get ready to baba baba " saad ko sa dalawang bitchera na mukhang consious pa rin sa itsura nila. Naglakad kami pababa at umiwas sa tingin nila dahil nasobrahan ata ang gayak namin
" Tara, mag-aabang pa tayo ng tri " ako yan, huhu jusq gabayan nyo po kami
At ayon nakababa na kami at lahat lahat, naglalaro pa rin ang boys kalerki, paano ba patigilin 'tong mga 'to? Jusko Lord
" Uy mga tol, aalis na ata, tapusin na natin 'to, gg naman Tyrone sa mid ka kasi " sa wakas nakaramdam din si Haden, salamat naman sa Diyos
" Tapusin lang namin 'to girls " ani Fourth na nakafocus pa rin sa phone niya, infairness ha lahat sila nakaIphone, yayamanin talaga
" Hindi, sige lang take your time " ani ko din, baka isipin kasi nila minamadali namin sila, okay pa naman, alas nuebe pa lang naman eh
Lumabas kami para magtawag ng dalawang Tri sa paradahan na malapit lang naman, Lucky day ata namin ngayon, andaming tricycle.
" Dalawa po manong Eddie kaso maya pa konti, may mga kasama pa kami eh " ako yan, kilala ko kasi yung mga tricycle driver kaya madali lang kumuha
" Ayos lang ija, madami pa namang pila, saan ba kayo dadaanan " ani manong Eddie, hay salamat naman mabait sya ngayon Hahahahaha
" Nako salamat po, kila Josefino lang po dyan sa malapit " ani ko para alam na din kung saan sila mag-aabang, tumango naman si manong bilang tugon kaya naglakad na kami paalis
" Buti na lang pala kilala mo yung mga drivers Allytot " ani Chelzie pero nainis ako ha, bat may tot pa sa dulo? Pigilang nyo'ko tatanggalin ko anit neto jusko
" Oo nga eh " buti na lang sumingit si Gwyneth bagnet Hahahahahaha.
Di kasi nila kaya makipag-close sa mga drivers, RK yang dalawang yan eh, may mga sasakyan kaso bawal pa namin gamitin, natural 16 pa lamang kaming tatlo. Di ko namalayan andito na pala kami sa tapat nila Chelz at salamat sa Diyos, tapos na maglaro sila Fourth, makakaalis na din sa wakas.
***
BINABASA MO ANG
My Fourth, My Last
Teen Fiction" Love is something you can't explain " my mind flashes it a billion times and I am still feeling this something I can't explain. If this is Love, I don't want it. And yes, I am a young girl inlove with the man I wish I could have. I, Alley Sheene...