III

10 0 0
                                    

Nang makabalik kami sa bahay nila Chelz, sinabi ko na agad na darating na yung mga tricycle

" Tara na sa labas " sabay kapit sa braso ni Dwayne, lahat naman kami napasinghap sa kakapalan ng mukha niya

" Huy gaga! " sabay naming sabi ni Gwyn sabay tampal sa noo

" Ey nedeles ehe " pabebe niyang sabi sabay peace sign kay Fourth na ngayong naka kunot noo, halatang ayaw niyang magkagusto si Chelz sa mga barkada niya, si Dwayne naman napachuckle na lang sabay kamot sa batok hahaha cutie

" Tara na nga, chill ka na dyan pareng Fourth " saad naman ni Tyrone sabay akbay kay Fourth na ginatungan naman ng ni Haden

" Oo nga bro, masyado bang panget si Dwayne para sa pinsan mo? ako na lang kung ganon, mas hot " gatong ni Haden sabay wink hahahaha, binatukan naman siya ng tatlo haha

" Tama na yan, naudlot yung lakad dahil sa kalandian mong bilat ka " saad ko sabay hatak sa dalawang bruhilda, bubuksan ko na sana ang pinto nang may tinanong ang apat na nagpatawa samin ng sobrang lakas hahahahaha

" Ano yung bilat? " curious na tanong ng anim, hahahaha letche napahiga ako sa katapat na sofa sa sobrang tawa

" Hahahaha ano ba yan wag nyo na tanungin, mamamatay kami kakatawa " saad ni Gwyn na nakaupo na ngayon kakatawa

" Okay " halatang dismayadong saad ni Tyrone sabay simangot kay Gwyn, hmm may something fishy sa dalawang to, pinaningkitan ko silang dalawa sabay lipat ng tingin kay Chelz na napapasingkit din ang mata

Sabay naming kinurot si Gwyn at pinandilatan " magkachat kami sa IG kagabi ehehe " malanding sabi ni Gwyn

" Di ka nagsasabi ha hmp " saad ko sabay cross arms

" Tigilan mo yan di bagay sayo " sagot naman niya at inirapan ako

Aba huhu ako na lang walang progress dito, Fourth ano na galaw galaw napagiiwanan tayo

" Tara na nga, daldal niyo " sabi ni bebe Fourth sabay pulot ng bag ko, agad naman akong nagtaka na may halong kilig ehe heret

" Bakit ikaw magbubuhat nyan? " takang tanong ko kahit deep inside nangingisay na'ko sa kilig enebe

" Mabigat eh, ako na " seryosong saad niya sabay lagpas sa gate, kinandado na agad ni Gwyn at Chelz ang pinto at gate, nang makatawid kami, patuloy pa rin sa pangaasar sila Dwayne kay Fourth dahil pink ang dala niyang bag, ang cute ng bebe ko myghad

" Baka ikaw mabigatan din " tingin ko sakanya, " Lalake ako Ally " yumuko na lang ako, sabagay nga naman

" Yiee " sila Chelz yan at ang lima hahahaha supportive

" Fourth tyaka Dwayne samahan niyo na yung mga babae sa tri " saad ni Haden sabay tango sa dalawa

" ge kitakits pre mamimiss ko kayo " kunwaring naiiyak na saad ni Tyrone, hahaha gago talaga 'to

" bakla! " sabay sabay naming sabi tyaka nagtawanan at pumanhik na

***

Nang makarating kami, badnews agad, sarado yung milktea shop : ((

" Nge pano na yan? " ani ni Chelz na halatang disappointed, hays lahat naman kami e, nagce-crave pa naman ako ng Choco Oreo : (

" SM Cabanatuan, sinong G? " tanong ni Dwayne nang nakaharap samin

" G lang " ani Fourth na agree naman kaming lahat kaya...

" Gwapo ka naman eh kaya tara bebe " ani Chelz sabay kapit ulit sa braso ni Dwayne at eto na nga

" Chelzie " seryosong saad ni Fourth sa malalim na boses, alam ko na kung saan papunta 'to kaya hinatak kon na si Chelz

" Dito ka na nga lang " ani ko sabay kapit ng mahigpit sa braso niya

" Kaloka ka ha infairness " ani Gwyn na parang di na nagulat sa ginawa ni Chelz

▪▪▪

My Fourth, My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon