#Sleepover

" Hayst init beshy tapos ang bigat bigat pa ng mga dala naten " reklamo ni Gwyn sabay buhat ng napakabigat na bag niya dahil tatawid na lang kami at makakarating na rin kami sa bahay nila Chelz

" Punyetang Chelzie, sasabunutan ko talaga yung bruhang yon " angil ko sabay buhat ulit ng mga kaartehan ko sa layf

Haynako ang bigat, mapapamura ka na lang at sumabay pa ang tirik ng araw marahil summer ngayon. Ngayon ay Lunes at ngayon namin naisipang gawin ang plano dahil aalis ang mga tao sa bahay nila Chelz ng isang linggo at kaming tatlo lang at ang apat na sila Fourth, Tyrone, Dwayne, Haden  ang matitira hihihihi. Nakakakilig mang isipin pero nangunguna pa rin ang kaba samin kung paano makisalamuha sakanilang anim.

" Hooooooo! " sabay naming saad ni Gwyn nang makarating kami sa kabila kung nasan ang bahay nila Chelz

Tiningala ko ito dahil napakalaki nga naman at medyo pinalawak ata marahil dumadalas ang bisita ng pamilya ni Fourth at ngayo'y nagawa niya pang isama ang barkada niya jusko.

" Tara na pre, wala nang atrasan 'to " kinakabahang saad ni Gwyn

Tumango naman ako bilang tugon dahil kinakabahan rin ang charoterang si ako. Eh kasi naman, anim na naggu-gwapuhang lalake ang makakasama namin dito ng isang linggo? myghad di kinaya ng bangs ko. Ngunit sumagi sa isip kong wala na pala akong bangs hehe

Pumasok na kami at nadatnan ang apat na lalake sa salas nila Chelz na naglalaro ng kanikanilang phone at halata namang ML ang nilalaro nila.

Sinalubong kami ni Chelz ng mapang-asar na ngiti dahil sa dinatnan namin kung kaya't sabay na naglipara ang aming middle finger ni Gwyn sa ere

" Hahahahaha mga bitchera talaga kayo " tawang tawa na saad ni Chelz sabay akyat sa hagdan kaya sumunod kami

" Wews sowsyal si ateng " sipol ko nang makita ko ang kwarto ni Chelz na kasyang kasya naman talaga kaming tatlo sa kalakihan nito

" Oo nga Hahahaha sharap matulog naka-AC , sanaoil " saad ni Gwyn sabay lapag ng gamit at lundag sa kama. Pakasarap siyang matulog diyan Hahahaha

" Mga gaga! maghilamos nga kayo Eiww may muta pa sila " maarteng saad ni Chelz sabay tingin samin ni Gwyn mula ulo hanggang paa

At oo nga pala, umaga pa lang ngayon pero dali dali kaming pinapunta ni Chelz kaya ganito ang itsura namin, nakamessy bun lang ang mga buhok at nakapajama pa lang na may mga cute na designs, isama mo na rin ang mga muta at tuyong laway namin.

Dali dali kaming pumuntang banyo dahil ayaw naman naming maabutan nila kami ng ganito ang itsura hehe

" Hayst ang uncomfortable ng may kasama tayo dito ah " reklamo ni Gwyn na kinukuskos pa din ang tuyong laway niya ng tubig

" Mga fafa naman ey " saad ko sa malanding tono na nakapagpatawa sakanila ng malakas, siguro rinig na kami sa baba Hahahaha, tamang papapansin lang kami sakanilang anim hihi

Patuloy lang kami sa pagtawa ng may nagsalita sa baba,

" Chelz wala bang pagkain dito? gutom na kami ng mga kasama ko eh " halatang boses 'to ni Fourth kaya nangisay ako sa kilig

" Saglit kuya magluluto kami pagbaba!!! " malakas na hiyaw ni Chelz
" Mga gaga, sad to say pero pinayagan lang naman ako ni Mama patulugin kayo dito kasi para may katulong ako mag-alaga kila kuya Fourth " pinilit ni Chelz na maging malungkot ang tono niya kaya napahalakhak ulit kaming tatlo

" Okay na rin para hindi boring Hahaha " saad ni Gwyn na sinangayunan ko naman kaya heto kami at pababa para mamalengke dyan sa malapit lang para sa almusal

Buhat buhat ang mga nagbibigatang plastic umuwi kami sa bahay nila Chelz at nadatnan namin ang mga boys na naglalaro pa ren. Medyo naiinis na ako ha, konti na lang. Tanginamo talaga ML panira ka, di tuloy ako pinapansin ng mga fafa. Malungkot ko yang naiisip hayst

" Morning girls " sabay sabay silang apat

Halos mapatalon ako sa tuwa nang sa wakas, napansin rin nila kami. Yeeeeessss!!! gusto ko talagang kiligin pero wag sa harap nila hihi

" Uy may kamatis ahihihi " makahulugang saad ni Chelz sabay tingin sakin na para bang nangaasar kung kaya't inapakan ko ang paa niya sabay ngiti ng may kahulugan na para bang 'tigilan mo ako, mamaya ka saken' kung kaya't napasigaw siya ng pabulong sa pagdaing

Nagpatuloy lang ako aa kusina na para bang walang nangyare at sumunod naman ang dalawa.

" Gago mo ren Chelz " inis na sabi ko na may halong kilig ahihihi

Hindi ko napigilan ang paghagikhik dahil iniisip ko ang inis na mukha ni Fourth pero cute pa din, siguro natatalo na sila sa game

" Ayeee kelegs " sabi ni Gwyn sabay basag ng itlog para sa umagahan nami dahil ang ihahanda namin ay scrambled egg, hotdog, at fried rice

At malamang sa malamang ako lang ang magluluto dahil ako lang naman ang marunong saaming lahat, napabuntong hininga na lang ako nang maisip kong nag-iisa lang akong gagawa ng umagahan

Sinimulan na namin ang paghahanda ng mga sangkap dahil baka mapahiya pa kami sa boys kung hindi namin pagbubutihin kung kaya't pawisan ako ngayon dahil kakatapos ko lang lutuin ang mga ulam at isusunod ko pa ang fried rice. Jusko mahabaging Diyos nakakapagod

" Ano? keri pa bruha? " tanong sakin ni Chelz na pinagmamasdan ang pawisan kong mukha at magulong bun ng buhok ko, nagpunas muna ako saglit bago bumalik sa pagluluto

" Para sa pinsan mo " saad ko tyaka siya kinindatan kaya muli silang napatawa

Nang matapos ako ini-ayos ko na ito sa hapag para makakain na sila. Nakakahiya naman at pinaghintay ko pa ang fafa na iyon

Tatalikod na sana ako nang may magsalita at si Fourth yon

" Mag-isa mo nagluto? " tanong niya sa malalim na boses kaya kinabahan akong sumagot na tila ba kabayo ang pagpintig ng puso ko

" Paano mo po nasabi? " magalang ngunit curious kong tanong. Masyado bang haggard ang itsura ko? ohmygosh sana naman hindi. Palihim kong inayos ang buhok at mukha ko

" Halata sa'yo e, mukha kang pagod na pagod " sagot niya. Nako sabi na nga ba eh, dapat pala umakyat muna ako para makapagayos bago humarap sakanila. Napatampal na lamang ako ng aking noo

Nahihiya akong yumuko at papanhik na sana sa taas nang muli siyang magsalita,

" Sana sinabi mo, natulungan pa sana kita " saad niya kaya pinilit kong hindi mangiti sa kilig at nag-ala The Flash ako paakyat para ikuwento kila Gwyn ang nangyari

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay sinapo ko agad ang pisngi ko na hula ko ay namumula, grabeeee nakakahiya yun. Saad ko sa sarili kong isip.

" oh-em-gee " kinikilig kong saad habang inaalala ang mga nangyari

Hahahahaha Ayieeeeee self humaharowt na naman Hahahahahaha.

***

See you next update!

, Charotera

Teka wait---- may nagbabasa ba? HAHAHAHAHAHAHAHA

My Fourth, My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon