Dalaga

Hayop lang na ako ang nauna,
Naunang umamin na kursunada kita,
Naalala ko pa noon kung paano mo 'ko titigan at gusto na yatang mawala na,
E di ko naman mapipigilan ang damdaming kumakawala

Alam kong ako'y walang pag-asa dahil ilang beses mo nadin namang pinadama,
Pero biruin mo nang dahil sayo'y gusto kong maging dalagang Pilipina?,
Tinirintas ko pa ang maikli kong buhok para maakit ka,
Kung pwede nga lang na ako na ang manligaw ginawa ko na

Akala ko nga dati'y nakahithit ako ng kung ano,
Ginugulpi na nga tayo ng daan-daang tukso,
Di daw kase pwede ang tulad ko sa tulad mo,
Hanapin nila kung nasaan ang pake ko,
Basta ang alam ko natutukso ako sayo

Hanep kasi 'yang itsura mo't masyadong nakakabilib,
'Yang makisig mong mukha at matigas mong dibdib,
Sa tuwing tinititigan kita'y parang may kung anong sumasanib,
Hinihiling na ikaw na nga ang prinsipeng liligtas dito sa puso kong nanganganib

Pinaglaruan tayo ng pagkakataon dahil ako pala ang sasagip sayo,
Nakita ko kung paano ka bubugin ng mga taong nakaaway ko,
Pinadapa ko ang lahat para makita nila kung gaano ako ka tarantado,
Habang tinitignan ka'y naisip ko kung ganun ba kahirap itong gusto

Gusto ko lang naman maging masaya,
Pero kung ikaw naman ang mapapasama,
Itatago ko na lang itong dala dala,
Babalik nalang ako sa dating gawi na kung saan siguro lahat magiging maligaya...

Pero hephep 'di pa doon nagtatapos

Dahil nagulat ako sa iyong biglaang pagyapos,
Ang mga kamay mong di ko pa nahahawaka'y saakin ngayon ay nakagapos,
Nang sambitin mo ang ngalan ko sa unang pagkakataon nabuhayan ang pusong naghihikaos

"Salamat Belinda", ang sabi mo

Kasabay ng pagbagsak ng ulan ang luha ko'y umagos

-Belinda/'Beloy'

Stories Into Poems (Tula't mga Sulat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon