Hello! My name is Alwina Delos Reyes, 22 years old at graduating student taking up BS Entrepreneurship in Steinfield University.
Isa akong scholar sa university kaya kakaunti lang ang binabayaran ko, pero siyempre kapalit nun ay mga matataas na grades.
Mayroon akong bestfriend na classmate ko din ngayon, siya si Desiree o Des.
Magkaibigan na kami simula noong elementary days, lagi kaming magkasama sa kahit saan, ika nga kaparid sa ibang ina.
Sunday ngayon kaya nandito lang ako sa bahay, busy busyhan kunwari, linis linis ng bahay kasi inutusan ni mama, baka mamaya pagalitan na naman ako nun pag di ko siya sinunod.
Busy akong naglalampaso sa hagdan ng makita ko si mama na pumasok galing sa labas ng bahay, doon siguro siya galing sa garden niya.
"Alwina, di ka pa ba tapos diyan? Alas-2 na ng hapon, di ka ba sasama magsimba?" tanong sa akin ni mama. Oo nga pala, magsisimba pa nga pala kami. Tumingin naman ako kay mama at sumagot.
"Sige ma, sama ako. Saglit na lang naman to tas tapos na, liligo na agad ako." sabi ko kay mama at mabilis na tinapos ang paglalampaso.
Pagkatapos ko maglinis ay dumiretso na ako sa kwarto ko upang ayusin ang isusuot ko na damit. Maliit lang naman ang kwarto saktp lang sa akin. Pagkapili ay deretso na ako sa banyo at naligo.
Makalipas ang sampong minuto ay natapos na ako sa paliligo, humarap ako sa salamin dito sa kwarto at naglagay ng pulbos sa mukha at naglipgloss lang. Ayos na sakin yun dahil magsisimba lang naman kami, di ko na kailangan magpaganda saka allergic ako sa mga make-up na yan.
"Alwina! Kung tapos ka na, tara na! Mahuhuli pa tayo sa misa niyan eh" tawag sa akin ni mama. Halata sa boses niya na naiinip na siya.
"Opo, pababa na po" ani ko at mabilis na inayos ang maliit na shoulder bag na dadalhin ko at nilagay ang wallet at phone ko. Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa baba dahil sigurado lukot na naman ang mukha ni mama.
"Buti naman at natapos ka na. Iiwan ka na dapat namin ni Papa mo eh" sabi sa akin ni mama pagkakita niya sa akin na pababa ng hagdan. Lumabas na siya ng bahay para sumakay sa kotse. Natawa lang ako sa sinabi niya at agad na sumunod sa kanya.
Hindi naman kami mayaman, may kaya siguro ang right term, Housewife si Mama pero mahilig siya magtanim ng mga halaman, si Papa naman nagtatrabaho sa gobyerno, mayroon akong isang kapatid si Kuya Angelo, sa maynila siya nakatira ngayon, meron siyang inuupahang apartment tapos every Saturday and Sunday ay umuuwi siya dito sa Bulacan.
Nagtatrabaho si Kuya sa isang Private company kaya mataas taas din naman ang sweldo niya.
"Oo nga pala Alwina, i-lock mo yung pinto ah nakalimutan ko, may dala namang sariling susi ang kuya mo" paalala sa akin ni mama.
Agad ko naman nilock ang pinto ng bahay pati ng gate at sumunod na kila mama. Nakita ko siya na nakasakay na sa kotse kaya binilisan ko na sumakay na din.
BINABASA MO ANG
All These Years
Teen FictionIsang simpleng babae na nakatira sa isang mapayapang bayan kasama ang kanyang pamilya. Isang babaeng gagawin ang lahat mapasaya at matulungan lamang ang pamilya. Sinusunod lahat ng mga payo at pangaral ng kanyang mga magulang. Paano kung isang araw...